#FirstDayOfWork

48 6 0
                                    

Chapter 6

Maine

Nagising ako na parang lumilindol.

"Ate, gising na. Remember may work ka na at ngayon ka na magsisimula. Siguro naman ayaw mong malate kaya tama na yang burlogs mo. Gising na!" - Taki

"Hmmmm... Good morning sis."

Nag-inat inat muna ako bago minulat ang aking mga mata. Kanina pa pala ako yinuyugyog ni Taki, akala ko lumilindol.

"Alam mo ate, tumayo ka na dyan at naghihintay na ang pagkain sa baba." - Taki

"Mauna ka na at maliligo lang ako."

"Sige, ikaw ang bahala." - Taki

Lumabas na nang kwarto si Taki at ako naman ay nagsimula nang ihanda ang aking sarili. First day of work!!! Nakakaexcite naman, sana maenjoy namin ni Bessy ang trabaho namin.

"Ate andito na si  Ate Barbie!" - Taki

"Bessy! Tama na ang pagpapaganda gusto ka na non. " - Barbie

Pababa na ako galing kwarto nang magsalita si Bes at nakita kong lumalamon na kaya naman pala nagkakalaman na tong Bessy ko. Bigla akong nilapitan ni Taki.

"Ikaw ate huh, nagsesekreto ka na sa akin. Sino nang nagkakagusto sayo? Ayieeee!!!" - Taki

Pang- asar nya sa akin at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.

"Tumigil ka nga, nagbibiro lang yan si Barbie."

Napatingin na lang kami kay Bessy at nakitang sarap na sarap sa kinakain nya. Napalingon na rin sa amin si Bessy.

"Ano pa bang tinatayo tayo nyo dyan. Maupo na nga kayo at kumain." - Barbie

"Mauupo na talaga kami at baka wala na kaming makain."

"Grabe ka talaga sa akin, Bes." - Barbie (with matching tampurorot face)

Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain at pagkatapos ay umalis na papuntang trabaho. Si Taki naman ay naiwan sa bahay, mamaya pa raw ang pasok niya.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Cafe. Isinuot na namin ang aming mga uniporme at pumasok na sa kusina. Lahat ay nakangiti at bumati sa amin maliban sa isa at yun ay walang iba kundi si Chef Pat. Hindi ko na lang uli pinansin dahil ayokong mabadvibe sa first day of work ko, dapat positive energy ang pairalin bawal nega. Hindi ko pa nakikita si Sir Ivan, baka late. Sabagay sya naman ang may-ari nitong Cafe. Sinimulan na rin namin ang trabaho dahil may mga tao na ring pumapasok.

At biglang pumasok sa isip ko si Alden. Pupunta kaya sya ngayon? Teka ba't ko ba sya iniisip? At naalala ko ang ginawa nya kahapon. Oo nga, kaya ko sya naisip dahil kailangan ko syang pasalamatan. Tama! Yun nga. Ok, tama na ang masyadong pag- iisip, focus sa trabaho. Remember, #FirstDayOfWork at napatingin ako sa mga kasamahan ko na abala na sa kanilang mga ginagawa lalong lalo na si Bes. Inspired kasi.


Alden

@Linda's Garden Cafe

At dahil wala akong magawa sa condo ay nagdesisyon akong pumunta dito sa Cafe. Binati ako ni Mang Pepe ang aming security guard.

"Andito na po ba si Ivan?"

"Wala pa po, Sir Alden." - Mang Pepe

"Sige po. Salamat." Papunta na sana ako sa opisina ni Ivan nang mapalingon ako sa pinto ng kusina. Lumapit ako at napasilip sa glass duon sa pinto. Hinanap ng aking mata si Maine at hindi nga ako nabigo nakita ko syang abalang abala sa kanyang ginagawa. Ang ganda nya talaga.

He's The Boss?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon