Oh My Ice Goddess by purpleyhan
January 25, 2017---
Ngayon ko lang siya natapos dahil marami kaming ginawa sa school. Hahaha. Mga 2 to 3 days ata kahit na sobrang ganda niya at gusto kong basahin ng isang araw lang para hindi paputol putol. Kaso nga lang, sadyang epal ang tadhana. Char~ pero ayun nga, at least tapos ko na ang Oh My Ice Goddess.
Ito yung mga na realize ko habang binabasa ko ang story na 'to. Unang una, kaya pala hindi sila masyadong nakikigulo sa mga shinigami, custos at senshins kasi sa mismong lugar nila ay magulo pa. At may mga gulo pang nangyari, although if i'm not mistaken, may huntres na nahuli ng mga humdrums noong panahon nila akemi/ great seven. I'm not sure kung ang nahuling huntres na yun ay tumakas o ano.
Pangalawa, mas astig yung attributes nila. Sila ang pinaka kakabaiba, i think, sa apat na tribe. Although, medyo kakaiba din naman ang senshin at shinigami compare sa normal na tao pero, mas kakaiba ang mga huntres. Kasi yung mga senshins, sa senses lang. Sa shinigami naman, parang ganon din na parang hindi? Lol. Basta. Hahaha. Senses din ata. Hindi naman gaano na focus sa shinigami tribe yung kay akemi e. Hahaha. Kasi senshin yung madalas niyang kasama.
Pangatlo, masaya siguro na maging kaibigan sila Gemma, Krystal, Ashley, Kelsey at Miles. Kahit na medyo ang creepy nila. Hahaha! Kasi alam mo yun, hindi porket nag-aasaran o nagpipikunan kayo ay hindi na kayo magkaibigan. Yung ganon. Nyahahaha. Tapos, kahit hindi sila magkakadugo pansin mo naman na magkakasundo sila. Although, medyo hindi lang pansin yung kay Krystal kasi hindi siya masyadong showy na tao.
Pang apat, siguro nga mahirap para kay Hale na sabihin kay Kelsey ang totoo kahit na alam niya na kapatid n'ya ito kasi alam niya na masasaktan at malulungkot si Miles kasi maiiwan siyang mag-isa na walang sariling pamilya katulad nina Gemma, Krystal at Ashley.
Ito naman ang opinyon o reaction ko lang. Nyahahaha!
Unang una, shiniship ko talaga si Gust at Gemma. Hahaha. Bagay na bagay kasi talaga sila para sa akin. Nyahahaha. Pangalawa, si Eos at Ashley naman. Nyahahaha! Ewan ko din e. Hahahaha. Pero kahit alam ko na maaari akong masaktan kung hindi sila ang magiging magpartner ay ipagpapatuloy ko pa din silang i-ship habang wala pa yung totoong partner nila. Tapos yung kay Krystal, malakas ang kutob ko na si Hale ang partner niya. Hahaha!
Pangalawa, lumabas pa doon ang tatlong mahal ko. Charot! Nyahaha. Andoon ang hiroshi ko, chaaar~ pero ayun nga. Kaya tuwang tuwa ako nung makita ko na lumabas sila sa story na to. Nyahahaha. I'm just thinking kung meron kaya silang own story? Yung era nilang tatlo. Yung panahon nila as Atama Family. Yung ganern. Huhuhu. Sana magkaroon sila. Sana.
So, ayun! BASAHIN NIYO TONG STORY NA TO PROMISE. MAGANDA SIYA. SOBRAAA! SAYANG KAPAG HINDI NIYO BINASA TO. KASI ISA TO SA MAGAGANDA STORY DITO SA WATTPAD. KAYA GORA NA. NYAHAHAHA! MARAMI KAYONG MATUTUNAN.
BINABASA MO ANG
My Favorite Stories, My Favorite Authors
FanfictionNot a story. Dedicated ito para sa mga favorite kong authors at ang kanilang mga storya na nagustuhan ko ng sobra.