Until Trilogy

107 2 1
                                    


Until he was gone, Until he returned at until forever.

Nung nakita ko Ito ay ayoko tong basahin dahil masyadong mahaba. Ayoko kasi ng masyadong mahaba, nakakatamad.

Dahil natapos ko na halos lahat ng stoy ni Queen j ay naisipan ko itong basahin. Alam ko ng hindi talaga sila, Elijah at Klare na mag ka- ano (hindi ko na sasabihin para sa mga nag babalak mag basa. I don't want to spoil you. Chos!)

Nung una ay medyo tinatamad pa ako, to be prank pero nung nasa bandang Gitna na! Gush, halos matapos ko yung book 1 within 3 days, kasi may pasok nun kaya limitado ang pag wa-wattpad. Tapos gustong gusto ko nang pumasok sa loob ng Ipad ko para sabunutan nung una si Erin, lalo na ng malaman niya yung kina Klare at Elijah. Ewan ko kung bakit kay Erin pa ko nainis that time, baliw na ata ako e. At gustong gusto ko ding itapon si Ama sa ilog pasig tulad ni Arielle, kaso noong binasa ko yung UT ay wala pa yung isda kaya hindi sila magkakasabay, if ever.

Grabe talaga, at ngayon ay tapos ko na basahin ang buong UT. Grabe, love is war nga.
Sa story na to ako, pinaka na iyak, na Inis, nagalit, nalungkot, kinilig ng sobra at naging masaya.

Sa story din na to na realize ko na mahirap talaga, ang buhay lalo na pag pinapili ka between your family and your boy friend. Super nasaktan ako para kina Elijah at Klare, super dami na nilang pinag daan. Grabe, as in. So speechless. Kakaiba si Elijah, siya yung tipong pang ideal type na alam mong 3% out of 100% lang ang katulad niya, kadalasan taken pa.

Dahil din dito, ay nagkaroon ako ng panibagong nalaman, lalo na sa mag pipinsan. Montefalco cousins are great, sana may ganyan pa. Na Inggit tuloy ako at hiniling na sana ay isang Montefalco na din ako. Saming mag pipinsan ay para mga Ty cousins. Wala lang, boring. Ganun.

Favorite ko din naman ang mga Rama cousins pero mas nagustuhan ko lang talaga ang Montefalco cousins. Masyado kasi silang maligalig kahit na may mga problema. Lalo na sila Azi, at mas na excite ako mag abang ng stories nila. Super, Kahit meron ng to stay na story ni Erin.

Kakaiba talaga tong story na to, ito ang pinaka the best para sa'kin. I really love Klarijah. <3 Nakaka curious din yung girlfriend ni Knoxx! Haha! Sino kaya yun? Hindi naman ata si Francesca dahil kay Hector na yun. Hahaha! O Baka naman si Desiree yun, yung bestfriend ni Chesca, may hula na din ako para kay Tara, Baka si Harvey yun. Haha! I'm so excited.

Kahit wala namang Bs yun ay ayos lang, dahil si Elijah yung taong kayang mag pigil. Napaka laki ng respeto niya kay Klare. Kaya talaga, super nakaka Inlove siya. Kasi yung tipong mare-realize mo na hindi talaga siya nag e-exist sa mundo.

dito ko na realize na napaka halata ng pamilya! yung tipong Kahit gusto mo silang sawayin dahil gusto mo makasama yung taong mahal mo pero hindi mo magawang iwan dahil alam mong sila lang ang pamilya mo. Doon ko rin naranasan, o na feel na masaya para magkaroon ng mga magugulong pinsan at ka close mo. Iba kasi yung relasyon namin ng mga pinsan ko. Parang mga Ty kasi kami at hindi Montefalco.

Dahil din sa UT na Adik ako sa kantang tadhana at sa stick around na kinanta ni Elijah. Lalo na yung Tinawagan n'ya si Klare at kinantahan n'ya. So sweet talaga at na iyak ako dun. Dahil din dito, gusto ko nang puntahan yung mga lugar na pinupuntahan nila lalo na sa CDO at sa Davao city, Kung noon mas hinihiling ko na sana Pumunta sa London, Seoul, Tokyo at sa iba pang bansa pero simula ng mabasa ko mga story ni Queen J lalo na tong UT ay mas nagustuhan kong mapuntahan ang mga lugar na settings sa story na to. Lalo na sa Algeria. <3

Ang Dami ko pang gustong sabihin, pero hindi ko magawa. Dahil talagang nakaka speechless! Super. <3

I. Dahil sa UT ay gusto kong mapuntahan ang Davao, Cagayan De Oro/CDO, Amanpulo at iba pang setting ng UT. Maging sa Cebu na din kahit parang wala 'kong matandaang setting sa UT na nasa Cebu.

II. Doon ako nakaramdam ng inggit sa pagkakaroon ng close na mga pinsan. Ewan ko para kasing masaya na maging katulad ng mga Montefalco cousins e.

III. Winish ko na sana maging ako si Klare dahil ang swerte niya kay Elijah. Noong una, yung bago palang ako sa group ay hindi ko alam kung bakit maraming nahuhumaling kay elijah, noon kasi rozen pa ko nun, andaming nagsasabi na sa kanila daw si elijah, si azi at iba pang montefalco. Wala talaga akong alam nung una, dahil nga hindi ko pa nababasa yung UT that time. Tapos bago ko pa mabasa, alam ko ng hindi sila mag pinsan dahil nababasa ko yun sa group, tapos hindi ko alam kung bakit ako na excite bigla doon, kaya naisipan ko nang basahin at hindi ako nagsisi.

IV. Napahalagahan ang pamilya. :3 Masasabi ko 'yon lalo na yung time na na reveal na sa lahat yung kina klare at elijah.

V. Ang sarap itapon ni Ama sa pasig river. -_- maging si selena. Feeling ko tuloy magiging extra at bruhilda na naman yang Ama na yan sa To stay at kina Pierre at Claudette. Nakooow, isasama ko siya kay isda pag umekstra na naman siya.

VI. Generally, hindi lang sa UT. Pero mas marami kasi ditong about sa kotse, dahil dito nagustuhan ko yung mga branded ng kotse. Lalo na kapag nakakakita ako ng Hillux, tumitili agad ako dahil feeling ko si knoxx ang lalabas sa kotse na 'yon. Grabe talaga, tapos tuwing papasok ako at nakikita ko yung mga sasakyan na naka park ay tinitignan ko yung tatak ng kotse, hahaha! Paranoid much.

VII. Natutunan kong magmahal. Oa! Hahaha, pero seriously. Sa UT, ako pinaka natuto magmahal. Talagang mahal na mahal ko si Elijah, although nandiyan si klare. Hindi ko alam basta, kakaiba yung feeling at hindi madaling e-explain.

VIII. Ang isa sa pinaka ayoko maging movie, pwede din kung ayos ang gaganap dahil masakit sa puso dahil ito ang isa sa pinaka minahal ko ng sobra at makita kong mababawasan 'yon, mag ja-jump, mapapalitan, magbabago at ang chuchu. Hindi ko kaya. Masaya ako kung magiging movie 'to for queen j, syempre malaking opportunity pero malulungkot ako for the movie pero siguro pag napanood ko at ayos lang naman ang gaganap, ayos lang lahat siguro magiging okay din. Dahil din dito ay tumaas ang standard ko sa mga lalaki at masyado ako naging bitter, hindi naman bitter na tungkol sa lovelife, bitter pag may sinasabihan silang gwapo pero para sakin hindi, sinabi ko na lang minsan, mas gwapo diyan si bench, elijah, azi, josiah, rafael at iba pang jonaxx boys.

I love jonaxx. <3 JSL

My Favorite Stories, My Favorite AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon