Enero, 5, 2012. Isang masayang araw iyon para kay Tristan dahil iyon ang araw na siya ay magdiriwang ng kanyang ikalabing dalawang kaarawan. Masayang-masaya si Tristan ng araw na iyon dahil ng araw na iyon ay niregaluhan siya ng kanyang mga magulang ng kanyang paboritong laruan na Remote Controlled Cars. Dumating rin ang kanyang mga tito at tita ng araw na iyon at ito ay may mga dala-dalang regalo para sa kanya.
Isang hindi malilimutang araw iyon para kay Tristan dahil iyon pa lamang ang araw na nakatanggap siya ng regalo mula sa karamihan sa kanyang mga kamag-anak at kanyang pamilya. Agad na binuksan ni Tristan ang regalo sa kanya ng kanyang mga magulang. Naghuhumiyaw sa tuwa si Tristan ng masubukan niya ang laruan na iyon.
Nangako si Tristan sa kanyang sarili na aalagaan niya ang mga regalo na natanggap niya ng araw na iyon lalong-lalo na ang regalo sa kanya ng kanyang mga magulang. Kinabukasan ay maagang nagising si Tristan at nagtungo sa kanyang mga kalaro upang ipakita ang kanyang natanggap na regalo sa kanyang kaarawan.
Nang makita ito ng kanyang mga kalaro ay naiinggit ang mga ito sa kanya. "Gusto ko ng ganyan" ang sabi ni Hendrix kay Tristan. "Ako rin" ang sabi naman ni Francis sa kanila. "Magpapabili ako sa daddy ko ng ganyan yung mas malaki at maganda pa diyan" pagmamayabang nito sa kanila.
"Sige pag nakabili na kayo ay maglalaro tayo. Magre-race non tayo ng mga kotse natin" ang sabi ni Tristan sa kanyang mga kalaro. Ang ganda talaga ng laruan mo Tristan, pasubok naman ako? tanong ni Hendrix sa kanya. "Sige ito Hendrix subukan mo, dahan-dahan ka hah baka masira mo yan" sabi naman ni Tristan nang ibigay niya kay Hendrix and Remote Control ng laruan niya.
Masayang nakipaglaro si Tristan sa kanyang mga kalaro ng araw na iyon. Agad siyang umuwi pagkatapos nilang maglaro nina Hendrix pati ang mga kasama niya. Ingat na ingat si Tristan sa kanyang laruan sa kanilang paglalaro ng araw na iyon. Pagkauwi niya ay nadatnan niya ang kanyang mga magulang na nag-aaway. Agad na namagitan si Tristan upang pigilan ang kanyang tatay dahil nais na nitong saktan ang kanyang ina.
"Tama na po daddy, wag niyo pong sasaktan si mama" ang pagmamakaawang sabi ni Tristan sa kanyang tatay habang yakap-yakap nito ang kanyang ina. "Doon ka na muna Tristan" ang sabi sa kanya ng kanyang ina. Nag-uusap lamang kami ng iyong tatay. "Hindi ako sasaktan ng tatay mo, alam mo naman na mahal na mahal ako ng tatay mo" maluhang pagkasabi nito sa kanya ng kanyang ina.
"Opo ina" sagot ni Tristan. Nagtungo na lamang ito sa kanyang silid upang linisin ang kanyang laruan na kotse. Maingat niya itong inilagay sa kanyang cabinet at muli itong lumabas sa kanyang kwarto upang kumain. Malapit ng matapos ang klase dahil nasa marso na ng buwan ng mga panahong iyon. "Lilipat na tayo sa Manila sa susunod na taon anak", ang sabi sa kanya ng kanyang ina. "Doon na kasi nakakuha ng trabaho ang iyong tatay at malaki ang kanyang suswelduhin don".
Nalungkot si Tristan sa kanyang narinig sa kanyang ina ng oras na iyon. Naisip niya na hindi na niya makikita ang kanyang mga kalaro at ang kanyang mga kaklase.
Marso, 28, 2012. Araw na kung saan magtatapos ang mga mag-aaral sa Natividad Elementary School. Binihisan at inayusan ng kanyang ina si Tristan upang magpunta sa Graduation day na iyon.
"Lapid, Tristan A."
Ang tawag ng announcer sa mga magtatapos sa gabing iyon.
Kinakabahan si Tristan ng mga oras na iyon habang hawak-hawak niya ang kamay ng kanyang ina habang umaakyat sa entablado.
"Congratulations" ang sabi ng guro na ang-abot sa kanya ng kanyang diploma.
"Farewell to you my friend we'll see each other again, don't cry coz' its the end of everything. I may be miles away, but here is where my heart will stay with you, my friends with you". Maluha-luhang pagkanta ng mga magtatapos ng gabing iyon. Nagyakapan ang mga magkakaibigan na magtatapos ng oras na iyon.
Nilapitan si Tristan ng kanyang mga kaklase at nakipag-apir ang mga ito sa kanya bago sila umuwi pagkatapos ng graduation day.
Pag-uwi nila ng kanyang ina ay nagsalo-salo ito sa kanilang inihandang pagkain para sa pagtatapos ni Tristan. Dumating ang mga kamag-anak ni Tristan upang batiin ito sa kanyang pagtatapos. Kumain sila ng gabing iyon at ang kanyang tatay kasama ang kanyang mga tito ay nagsi-inuman hanggang madaling araw. Nang si Tristan ay nasa loob na ng kanyang silid ay iniisip nito ang kanyang mga kaklasi. Hindi niya nais na mag-aral sa Manila dahil naririto ang kanyang mga kaibigan.
Marso, 19, 2012 ang araw kung saan lilipat na sila Tristan ng bahay sa Manila upang doon na manirahan. Maagang ginising ng kanyang ina si Tristan upang mag-impake. "Aalis na po ba tayo mama?" tanong ni Tristan sa kanyang ina paggising nito. "Oo anak, trapik kasi kung mamaya tayo aalis. Baka abutin tayo ng tanghali kung mamaya pa tayo aalis". "Pero mama hindi pa ako nakapagpaalam sa aking mga kaibigan. Pwede bang mamaya na muna tayo umalis?" pagmamakaawa ni Tristan sa kanyang ina. "Hindi maaari aking anak dahil magaglit ang tatay mo at baka maudlot pa ang pag-alis natin sa araw na ito".
Wala na lamang nagawa si Tristan ng oras na iyon kundi ang sumama na sa kanilang pag-alis ng maaga kahit hindi pa ito nakakapagpaalam sa kanyang mga kaibigan.
Eksaktong 4:57 ang oras ng umalis sila Tristan patungong Maynila. Mamimiss ko ang bahay natin dito mama at ang aking mga kaibigan at kalaro, ang sabi ni Tristan bago sila umalis. Pagsakay nila sa bus patungong Maynila ay malungkot na umupo si Tristan sa bus. Naluha na lamang si Tristan ng oras na iyon. Hindi niya namalayan na bigla na lamang siyang nakatulog sa kanilang biyahe.
Pagmulat niya ay nakakita na lamang siya ng isang karatula sa labas at may makasulat rito na "EDSA-Cubao loading and unloading station". Nandito na tayo" ang sabi ng ina ni Tristan sa kanya. Pagbaba nila sa bus ay sumalubong sa kanila ang maraming tao na unahan sa pagsakay sa mga bus. Nakaramdam si Tristan ng kaba at paninibago sa lugar na ito dahil ngayon pa lamang siya nakarating rito.
BINABASA MO ANG
She changed me (#Wattys2017)
RandomIsang bata na galing sa probinsya ng Pampanga . Ngunit nang siya ay nakapagtapos ng elementarya ay lumipat sila ng bahay sa Maynila. Dito siya namulat sa sistema ng pamumuhay sa mga lungsod. Natuto siyang magbisyo dahil sa impluwensiya ng kanyang m...