Naging madalas ang paglalaro ni Tristan ng bilyar sa bilyaran na iyon. Siya na nga ang nagyayaya sa kanyang mga kaibigan upang magpunta rito.
Isang araw ay nagpunta muli si Tristan sa bahay ni Michelle. Niyaya niya muli ito at pagkatapos nila ay binigyan siya nito ng pera. Pinuntahan ni Tristan ang kanyang mga barkada pag-alis nito sa bahay ni Michelle.
Nagtungo sila sa bahay nina Justine dahil walang tao sa bahay nila. May dala-dalang shabu si Justine na hindi alam ng mga ito. Pagpasok nila sa bahay nito ay kinuha ni Justine ang shabu na iyon sa kanyang bag at sinindihan nila ito.
Tinanong ni Anthony si Justine kung saan siya nakakuha ng pera na pambili nito dahil mukhang mahal at marami ang binili ni Justine.
Sinabi niya sa mga kasama niya na madali lang magkaroon ng ganitong pera. Binulong niya ito kay Anthony at ipinasa niya ito sa kanyang mga kasama. Pero parang biglang nakaramdam ng takot si Tristan dahil malaking kasalanan ito kung gagawin niya ang bagay na iyon.
"Wag kang kabahan pre" kampanteng sabi sa kanya ni Justine sabay tapik nito sa kanyang likod.
Kaming bahala sa iyo, tiaka magkakasama tayo dito kaya wala kang dapat ipag-alala, dugtong ni Anthony.
Kinabukasan ay nagpunta ito kung saan sila kukuha ng kanilang mga idedeliver.
Kapag nabenta niyo ang lahat ng ito, bibigyan ko kayo ng sampung libo, ang sabi sa kanila ng tagapamahala ng kinukuhunan nila.
Pinaghati-hatian nila ang mga ito upang mas mabilis na maideliver ang mga ito. Ilang oras lamang ay mabilis nilang naideliver ang mga ito at pag-uwi nila ay bumili ang mga ito g pagkain at nagsalo-salo sila.
Ilang beses na naging ganito ang kanilang mga ginagawa na nagsilbing kanilang pagkakakitaan. Paulit-ulit lamang ang mga ginagawa ni Tristan kapag kailangan niya ng pera. Nagtutungo lamang ito sa bahay ni Michelle at iba pang mga kakilala nito. Nagdedeliver rin silang mga magkakaibigan ng bawal na gamot at dito ay nakakakuha sila ng malaking pera.
Isang araw ay nagtungo muli sila sa sementeryo kung saan sila dati nagpunta. Nagsindi si Justine ng bawal na gamot at pinagpas-pasahan nila ito.
May nakaaalam ng kanilang gawain na ito. May iba ring mga kabataan na naroon ng oras na iyon.Umihi lamang saglit si Jonas at pagbalik niya ay agad niyang tinawag ang kanyang mga kasama dahil.may narinig siya na sasakyan ng mga pulis. Kumaripas sa takbo ang mga ito ng marinig nila ang sinabi ni Jonas. Sa sobrang pagkataranta ng mga ito ay nagkahiwa-hiwalay sila. Nakita ng isang pulis si Tristan at hinabol siya ng mga ito. Nagsuot siya sa mga damuhan nalapit rito at doon ay hibdi na siya nakita ng mga pulis.
Nagpalipas siya ng ilang oras doon hanggang sa umalis na ang mga pulis na iyon. Pagdating niya sa kanilang bahay ay pumasok ito sa kanyang silid habang pinagmamasdan niya ang mga tao sa labas.
Kinabukasan sa kanilang eskwelahan ay magkakasama.ang mga ito at pinag-uusapan ang nangyari na iyon kahapon.Habang naglalakad sila patungo sa kantina ay nakita niya ang isang babae at dito ay natulala siya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya natulala. Kahit.na siya ay nasa loob ng kanilang silid ay iniisip pa niya ang babae na kanyang nakita sa kantina.
Kinabukasan ay maaga siyang pumasok at nagbakasakali na muli niyang makita ang babae na nakita niya kahapon sa kantina.Naglakad-lakad ito sa kanilang eskwelahan upang makita ang babaeng iyon.
Nakita niya ito na nakaupo sa silid aklatan ng eskwelahang iyon. Naglakas-loob siya upang lapitan ito. Ngunit ng siya ay malapit na rito ay parang bigla siyang nakaramdam ng kaba.
Napatingin sa kanya ito at nginitian siya nito. Lumakas ang loob ni Tristan ng ngumiti ito kaya siya ay naupo sa tabi nito.Ano yang binabasa mo? tanong ni Tristan sa babaeng ito.
Ahahah! Mayroon kasi kaming report mamaya kaya nagrereview ako, sagot nito sa kanya.
"Tristan nga pala" ang sabi niya at nakipagkamay siya rito.
Stephanie! Sagot naman nito.Biglang nanlamig ang pakiramdam ni Tristan ng oras na iyon at bumilis ang tibok ng puso nito. Parang nagkakaroon na ng gusto si Tristan sa babaeng ito.
Masaya si Tristan ng araw na iyon dahil nakilala na niya si Stephanie. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ng siya ay makiapag-kamay siya rito.Kinabukasan ay muling nagpunta si Tristan sa library sa pagbabakasakali na makita niya muli si Stephanie doon. Hindi siya sumama sa kaniyang mga barkada kahit na niyaya siya ng mga ito na maglaro ng dota. Matiyagang naghintay si Tristan sa library na iyon. Hindi na ito kumain ng tanghalian dahil gusto niya na muling makita si Stephanie doon.
Isang oras na ang lumipas ngunit kahit anino ni Stephanie ay hibfi niya nakita. Malapit nang magala-una ng hapon na iyon ngunit naroon pa rin si Tristan na matiyagang naghihintay upang makita si Stephanie.
Kring! Kring! Kring! (pagtunog ng alarm para sa umpisa ng klase sa hapon)
Nagtungo na si Tristan sa kanilang silid pagkarinig niya sa bell. Vacant nila ng ikalawang subject ng hapon na iyon kaya nagtungo muli ito sa library upang makita si Stephanie. Matiyagang nakaupo na naghihintay si Tristan sa pwesto kung saan sila nagkita kahapon ni Stephanie. Hindi mapakali si Tristan sa pagtingin sa mga mukha ng mga nagdaraan. Namalikmata ito dahil akala niga na si Stephanie ang isang babae na pumasok sa library. Dahil sa pagkainip nito ay lumabas muna ito at doon naghintay.Nakita niya si Stephanie na naglalakad kasama ang mga kaibigan nito. Ngunit dahil sa dami ng mga estudyante na nagdaraan at hindi na niya nasundan ng tingin kung saan nagpunta ang mga ito.
Nalungkot siya dahil hindi niya ito inabutan. Palabas na siya ng eskwelahan ng may tumawag sa kanya.
Paglingon niya ay nakita niya ang mukha ng isang magandang babae. Si Stephanie iyon kasama ang kanyang mga kaibigan. Agad niyang nilapitan ang mga ito habang siya ay nakangiti.
Niyaya siya ng mga ito na kumain sa labas ng campus. Tuwang-tuwa si Tristan ng araw na iyon dahil nakasama niya sina Stephanie at ang mga kaibigan nito.Hindi maipinta ang saya sa mukha ni Tristan ng araw na iyon. Nakita niya at nakasama niyang kumain ang kanyang crush.
BINABASA MO ANG
She changed me (#Wattys2017)
RandomIsang bata na galing sa probinsya ng Pampanga . Ngunit nang siya ay nakapagtapos ng elementarya ay lumipat sila ng bahay sa Maynila. Dito siya namulat sa sistema ng pamumuhay sa mga lungsod. Natuto siyang magbisyo dahil sa impluwensiya ng kanyang m...