Hindi malapitan ni Tristan si Stephanie sa tuwing nakikita niya ito. Nalulungkot na lamang siya kapag nangyayari ito ngunit hindi siya nagpatinag sa lungkot na kanyang nadarama. Pinag-igihan niya ang kaniyang pag-aaral at pinilit na umiwas sa mag bisyo. Sumasama siya sa kanyang mga barkada ngunit hindi na siya sumasali sa mga ginagawa ng mga ito.
Hindi niya namamalayan ng unti-unti na niyang naiiwasan ang mga bisyong ito dahil sa pagpupursige nito na magbago. Hindi na siya naninigarilyo. umiinom at lalong-lalo na ang paggamit niya ng bawal na droga. Tinanim niya sa kanyang puso at isip na dapat niyang matupad ang mga ito dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin kung hindi magiging sila ni Stephanie.
Isang araw ay nagtungo sila.ng kanyang mga barkada sa isang tindahan at bumili ang mga ito ng sigarilyo. Binigyan siya ng isang stick ni Justine ngunit ibinalik niya ito sa kanya dahil.ayaw niya na masira ang kanyang pangako sa kanyang sarili. Natuto rin siyang sumama sa kanyang ina aa pagsisimba nito tuwing linggo sa simbahan malapit sa kanilang bahay. Ng una ay naboboring lamang siya sa pagpunta nila sa simbahan.
Nakita niya si Stephanie ng sila ay pauwi ngunit hindi siya pinansin nito. Lungkot na lungkot ai Tristan sa pangyayaring iyon. Pag-uwi nito ay niyaya siya ng kanyang ina na kumain. Hindi siya kumain dahil nawalan siya ng gana dahil iniisip pa rin nito si Stephanie at sa hindi pagpansin nito sa kanya.
Sa tuwing nakikita niya si Stephanie sa kanilang eskwelahan ay nadudurog ang kanyang puso dahil ayaw siyang kausapin nito kahit na lapitan niya ito uoang kausapin. Parang naguho ang mundo ni Tristan sa mga pangyayari na kanyang nararanasan sa bawat araw na hindi siya pinapansin Stephanie at sa tuwing gusto niya itong kausapin ay hindi niya ito pinapayagan.
Gumawa si Tristan ng kanyang diary at dito ay isinusulat niya ang bawat bagay na gusto niyang baguhin niya sa kanyang sarili. Iniiwasan na lamang niya ang paglalakad niya sa kanilang campus upang hindi na siya masaktan sa tuwing nakikita niya si Stephanie. Pinagsikapan niya na ayusin ang kanyang pag-aaral upang makita ni Stephanie ang kanyang pagbabago niya na gustong mangyari sa kanya ni Stephanie.
Sa tuwing may pinapagawang proyekto ang kanyang mga guro ay pinipilit niyang gawin ito ng maayos at gusto niya na siya ang pinakauna sa mga magpapasa nito. Naging maayos ang resulta ng kanyang pagsisikap niya sa.kanyang pag-aaral. Napasali siya sa top 10 sa kanilang klase at siya ay nasa ika-sampu sa mga ito.
Tuwang-tuwa si Stephanie ng malaman niya ito ngunit hindi pa rin niya pinapansin si Tristan sa kanilang eskwelahan. Ginawa niya ito dahil tinitignan niya kung ipagpapatuloy ni Tristan ang kanyang pagbabago dahil.hindi niya alam kung buong-loob niyang binago ang kanyang sarili. Minsan ng naglalakad si.Tristan sa kanilang campus ay nakita niya si Stephanie at nilapitan niya ito dahil gusto niya itong kausapin. Nang makalapit siya rito ay pautal-utal siyang nagsalita sa harap nito.
P-p-p-pwede ba....
Pwede ba.. Kasi Step...Hindi niya masabi ng maayos ang nais niyang sabihin rito.kaya huminga ito ng malalim at muli siyang nagsalita.
Pwede ba kitang kausapin Stephanie? ang sabi nito sa kanya.
Hindi! ang sagot sa kanya ni Stephanie kahit na gusto niya itong makausap. Ginawa niya ito upang masiguro na kahit na hindi niya ito pinapansin at hindi niya ito pinapayagan na makipag-usap sa kanya.Nanlumo si Tristan sa sinabi sa.kanya ni Stephanie. Pag-uwi niya ay dumaretso na lamang siya sa kanyang kwarto. Umiiyak si Tristan ng oras na iyon habang siya ay nakahiga sa kanyang higaan. Iniisip niya kung bakit ayaw pa rin siyang kausapin ni Stephanie kahit na ginagawa na niya ang mga bagay na gustong mangyari ni Stephanie sa kanyang sarili. Naisip niya na tumigil na lamang sa kabaliwan na ito at sinabi niya sa kanyang sarili na mas magiging masaya siya sa kanyang mga kaibigan.
Maraming bagay ang pumapasok sa isipan ni Tristan ng oras na iyon. Naisip niya na baka mayroong ng ibang nanliligaw kay Stephanie kaya't ayaw nito na kausapin siya at kaya hindi siya nito pinapansin.
Hindi na alam ni Tristan ang kanyang gagawin dahil nasasakal siya sa mga bagay na pinapagawa sa kanya ni Stephanie. Ngunit dahil sa pagkagusto niya kay Stephanie ay inisip na lamang niya na baka dahil hindi siya pinapansin at ayaw siyang kausapin ni Stephanie ay baka gusto nito na makita kung magiging totoo ba ang pagbabago na kanyang ginagawa kahit na hindi siya gustong kausapin.
Nang maisip ito ni Tristan ay isinulat niya ito sa isang papel at idinikit niya ito sa pintuan ng kanyang cabinet. Sumulat rin siya sa isang maliit na papel at idinikit niya ito sa likod ng kanyang cellphone. Nagdikit rin siya nito sa likod ng kanyang I.D. upang hindi niya makaligtaan ang mga bagay na ipinangako niya sa kanyan sarili.
Hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagkagusto sa mga dati niyang bisyo. Sa tuwing nakikita niya ang mga kabataan na naninigarilyo at nag-iinom sa daan ay naiinggit siya sa mga ito. Ngunit sa tuwing nararamdaman niya ang mga ito ay tumitingin lamang siya sa likod ng kanyang cellphone at iniisip na lamang niya si Stephanie.
Madalas na naging ganito ang kanyang nararanasan ngunit hindi siya nagpatinag sa mga ito. Kinabukasan ay niyaya siya ni Jonas na magpunta sa kanilang bahay. Alam na niya kung ano ang gagawin nila sa bahay ng mga ito kaya hindi siya sumama sa mga ito kahit na alam niya magtatampo sa kanya ang mga ito.
Ayaw na ayaw niya na nagtatampo sa kanya ang kaniyang mga kaibigan ngunit mas pinili niya na sundin na lamang niya ang mga bagay na ipinangako niya sa kanyang sarili. Nagdesisyon siya ng araw na iyon na hindi na siya sasama sa kanyang mga kaibigan lalo na kung alam niya na ang gagawin lamang nila ay ang mga bagay na lagi nilang ginagawa sa tuwing sila ay magkakasama. Nilapitan niya si Jonas at nagpaliwanag siya rito kung bakit hindi siya makakasama.
Nang una ay sinumbatan siya ni Jonas ngunit ng mapagtanto nito na gusto lamang ni Tristan na mapabuti ay inintindi na lamang niya ito. Sinamahan siya nito sa kanyang mga kaibigan upang magpaliwanag sa mga ito. Pinilit niya na maunawaan nito ang kanyang sitwasyon. Tinulungan siya ni Jonas sa pagpapaliwanag sa mga ito dahil ayaw niya na masira ang pagsasamahan nilang magkakaibigan.
BINABASA MO ANG
She changed me (#Wattys2017)
RandomIsang bata na galing sa probinsya ng Pampanga . Ngunit nang siya ay nakapagtapos ng elementarya ay lumipat sila ng bahay sa Maynila. Dito siya namulat sa sistema ng pamumuhay sa mga lungsod. Natuto siyang magbisyo dahil sa impluwensiya ng kanyang m...