Naging madalas na gawain nilang magbabarkada ang paggamit ng marijuana. Hindi na ito bago sa kanila kaya naging madalas na gawain nila ito. Naging madalas rin ang pagcu-cutting classes nilang magbabarkada. Pagkatapos ng kanilang klase ay dumadaretso ito sa computer shop upang maglaro ng dota at mga online games.
Isang araw pagkatapos ng klase ay nagpunta sila sa isang sementeryo. Nahuling dumating si Justine dahil bumili muna ito ng kanilang kakailanganin. Kinuha ni Jonas sa kanyang bag ang mga dahon ng Marijuana.
May isang bata na nakakita sa kanila habang hinihithit ni Justine ang aluminum foil na pinaglagyan nito. Mukhang alam ng bata ang kanilang ginagawa kaya ng makita ito ni Justine ay kumaripas siya ng takbo pati na ang kanyang mga kasama. Itinuloy nila ito sa kabilang banda ng sementeryo kung saan walang makakita sa kanila.
Natapos ang unang taong ni Tristan sa eskwelahang iyon at nalaman niya at natikman ang karamihan ng mga bisyo na ngayon pa lamang niya nalaman. Hindi na maitago sa kanyang itsura at galaw ang mga ito. Napansin ito ng kanyang tatay ngunit dahil sa ito rin ay may ganon klaseng bisyo ay hindi niya ito mapagsabihan.
Isang araw ng sina Tristan ay nagpunta sina Tristan sa isang kainan na may bilyaran. Inilibre sila ni Anthony ng kanilang kakainin. Naglaro ang mga ito ng bilyar pagkatapos nilang kumain ngunit si Tristan ay nanood lamang. Niyaya siya ni Justine na maglaro nito.
Di ako marunong nyan e pre, wika ni Tristan sa mga ito.
Kaming bahala sayo Tristan. Pagyayabang na sabi ni Justine sa kanya.
Nawili si Tristan sa paglalaro nito dahil ngayon niya pa lang ito nasubukan. Dahil sa naglalaro siya ng pool sa kanilang probinsya sa Pampanga ay hindi siya nahirapan sa paglalaro nito.
Marunong ka palang mag-bilyar e Tristan. Naglalaro ka ba nito dati? tanong sa kanya ni Justine.
Ngayon pa lang ako nakapaglaro nito. Tiaka naglalaro kasi dati ako ng pool sa amin sa pampanga kaya hindi ako nahirapan maglaro, sagot ni Tristan.
Niyaya siya ni Justine na maglaro sila nito ng pustahan. Pinagbigyan niya ito dahil bente pesos lamang ang pustahan nila. Nanalo si Tristan sa kanilang laro at natawa na lamang si Justine sa kanyang pagkatalo.
Hindi niya akalain na mas magaling maglaro ng bilyar sa kanya si Tristan. Niyaya ni Justine ang isa sa mga naglalaro ng bilyar sa kabilang lamesa na makipaglaro ito kay Tristan ng pustahan. Nagpatak-patak ang mga ito sa pusta nila.
Nanalo si Tristan sa kanyang kalaban at sila ay nanalo ng 300. Nagustuhan ni Tristan ang paglalaro nito kaya ng sumunod na araw ay niyaya niya ang mga ito na magpunta muli sila roon. Nakita niya si Anthont na nagbibilang ng kanyang mga pera sa isang upuan sa bilyaran na iyon.
"Ang dami mo naman pera pare" ang sabi niya rito sabay tapik nito sa kanyang likod.
"Ahahah", oo pare, sagot nito.
Saan ba galing yang mga pera mo pare? Nagtatrabaho ka ba pare? tanong ni Tristan sa kanya.
Sinabi ni Anthony sa kanya ang totoo ngunit nabigla ito sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na doon pala nanggaling ang pera ni Anthony.
Gusto mo ba magkaroon ng ganitong karaming pera? tanong sa kanya ni Anthony.
Nagdalawang-isip si Tristan sa kanyang isasagot dahil parang hindi niya kayang gawin ito.
"Easy money pare" di mo na kailangan magtrabaho para magkapera. Tiaka madali lang ito at marami akong kakilala para dito, ang sabi ni Anthony sa kanya.
Biglang lumapit sa kanila si Jonas at tinanong niya ang mga ito kung ano ang pinag-uusapan nila. Sinabi ito ni Anthony sa kanya ng pabulong. Agad naman niyang sinabihan si Tristan na subukan ito dahil lahat sila na magkakaibigan ay nasubukan na ito.
Ayaw mo ba Tristan? tanong sa kanya ni Jonas.
Wala nang nasabing ibang salita si Tristan ng oras na iyon kundi ang "oo sige" na lamang ang kanyang nabigkas.
Kinahapunan ay tinext ni Anthony si Michelle dahil pupuntahan nila ito ni Tristan. Nang makarating na sila dito ay iniwan ni Anthony ang mga ito sa bahay ni Michelle. Mabilis ang tibok ng puso ni Tristan ng mga oras na iyon dahil sa kaba niyang nararamdaman dahil ngayon pa lamang niya ito gagawin at parang gusto na niyang umayaw rito.
Nag-usap silang dalawa ni Michelle sa loob ng kanyang bahay. Ilang saglit lang ay sinabihan niya ito ganito, "ano gusto mo ba?" habang hinahaplos niya ang hita ni Tristan. "Si-si-si-sige" pautal-utal na sagot ni Tristan.
Wag kang kabahan sabi sa kanya ni Michelle. Naghubad sa harap niya si Michelle at tumambad kay Tristan ang katawan nito na dati ay sa lalaki ngunit ngayon ay parang babae na. Umupo si Michelle sa hita ni Tristan at pagkatapos nito ay hinubaran niya ito. Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay natapos na sila ngunit hindi pa rin mawala kay Tristan ang kaba na kanyang nararamdaman.
Paglabas niya ay sinalubong siya ni Anthony at tinanong niya ito.
Magkano pare ang ibinigay niya sayo?
"1,500 pare" sagot ni Tristan habang nanginginig ang kanyang mga binti at kamay niya na may hawak rito.
Nawala ang kaba ni Tristan ng nagpunta sila ni Anthony sa isang kainan.
Libre mo pare? tanong ni Anthony sa kanya. Tutal ako naman nagreto sayo kay Michelle.
"Sige pare", at huminga si Tristan ng malalim pagkasabi niya nito.
Ilang araw pa ang nagdaan at napadalas ang paglalaro ni Tristan ng bilyar at dito ay natalo siya. Naubos ang mga pera niya kasama na rito ang ibinigay na pera sa kanya ni Michelle. Kinausap niya si Anthony dahil nais niya na magkaroon muli ng pera.
Binigyan ni Anthony si Tristan ng number ng mga kakilala niyang maaaring puntahan ni Tristan kung gusto niya muli nito. Dahil sa natalo ng malaki si Tristan sa bilyar ay ginawa niya ulit ang bagay na ito kahit na alam niya na hindi niya ito gusto.
Umuwi muna siya at pagdating niya at nadatnan niya ang kanyang ina na nakaupo sa kanilang sofa. Nagmano siya rito at pinaupo siya ng kanyang ina sa kanyang tabi at kinausap niya ito. Pagkatapos nilang mag-usap ay ibinigay ng kanyang ina ang pina-pabilng cellphone nito.
Tuwang-tuwa si Tristan dahil sakto iyon dahil kakabigay lamang sa kanya ni Anthony ng mga number ng mga pwede niyang puntahan sakaling mangailangan siya ng pera. Umalis muli siya sa kanilang bahay at pinuntahan niya si Anthony upang magpatulong na bumili ng sim para sa kanyang cellphone.
Tinawagan niya ang isa sa mga number na ibinigay ni Anthony sa kanya. Pinapunta siya nito sa kanila at agad naman itong pinuntahan ni Tristan. Parang nawala na ang kaba kay Tristan sa kanyang ginawa ng oras na iyon. Naging ganito ang kanyang gawain sa tuwing kailangan nito ng pera.
Napailalim na si Tristan sa kanyang mga bisyo ng hindi niya namamalayan.
BINABASA MO ANG
She changed me (#Wattys2017)
RandomIsang bata na galing sa probinsya ng Pampanga . Ngunit nang siya ay nakapagtapos ng elementarya ay lumipat sila ng bahay sa Maynila. Dito siya namulat sa sistema ng pamumuhay sa mga lungsod. Natuto siyang magbisyo dahil sa impluwensiya ng kanyang m...