Hindi pa rin mawala sa isip ni Tristan ang paglalaro ng dota kahit na sila ay nasa harap ng kanilang pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay agad nang pumasok si Tristan sa kanyang silid. Kinuha nito ang kanyang notebook at ginawa ang kanyang mga takdang aralin.
Napansin ng kanyang tatay ang pagbabago sa ugali ng kanyang anak.
Bakit parang nag-iba na ang ugali ng anak natin mama? Iba na siyang kumilos ngayon hindi katulad ng dati na palagi niya tayong kasama pagkatapos niyang kumain? sabi ng tatay niya.
Nagbibinata na ang anak natin daddy kaya siguro ganyan na siya ngayon.
"Siguro nga" ang nasagot na lamang nga kanyang tatay.
Kinabukasan sa eskwelahan ni Tristan.
Kinausap nito si Anthony tungkol sa pag-uusap ng kanilang ina kagabi.
Anthony!.
Bakit pare? sagot nito.
Nalaman kasi ng nanay ko na nagdodota lamang ako pag umuuwi ako ng gabi eh pero hindi ko sinabi na kasama ko kayong naglalaro hah. Baka kasi isipin mo na nilaglag ko kayo. Pero paano na niyan tayo maglalaro? Hindi na ako pwede pagkatapos ng klase.
Akong bahala diyan. Pwede naman tayong maglaro kapag tanghalian eh. Diba hindi ka naman umuuwi kapag tanghali tyaka nay baon ka naman yatang pagkain diba?
"Oo may baon akong pagkain araw-araw" sagot ni Tristan. ?Natuwa ito sa kanyang narinig dahil hindi na niya kailangan na gabihin sa kanyang pag-uwi.
Kring! Kring! (pagtunog ng bell para sa lunch break)
Nagmamadaling lumabas sina Tristan at ang mga kasama nito upang magtungo sa computer shop. Tumigil muna sila sa harap ng isang tindahan dahil bibili sina Anthony ng kanilang sigarilyo.
"Pahiram po ng lighter" ang sabi ni Justine sa tindera ng tindahan na kanilang pinagbilhan.
Sinindihan nito ang kanyang sigarilyo at ipinasa niya ang lighter sa mga kasama niya.
Hithit ka na Tristan oh kahit isa lang? pagyaya ni Justine kay Tristan.
Ang kukulit naman ng mga to sabi ni Tristan sa kanyang isip.
Hindi talaga ehh tiaka pinagbigyan ko na kayo nung minsan. Tama na yon tiaka nakita niyo naman na inubo pa ako nung tinikman ko yun diba.
Bahala ka sige kapag hindi ka sumipsip nyan eh hindi na tayo maglalaro ng dota dagdag pa ni Anthony sa kanya.
Dahil sa kagustuhan ni Tristan na maglaro na ng dota ay pinagbigyan niya ang mga ito.
Isa pa! isa pa! sigaw ng mga ito.
Tama na, ayaw ko na, pagmamatigas na sagot ni Tristan.
Ganyan naman kasama to mga pre, hihithit lang ng sigarilyo hindi pa tayo mapagbigyan sabi ng isa pa sa mga kasama nila na si Jonas.
"Oo nga" dugtong pa ng isa rin sa mga kasama nila na si Arjay.
Pinagbigyan muli ni Tristan ang kanyang mga kaibigan sa pagkakataong iyon.
Araw-araw ay ganon ang lamang na paulit-ulit ang mga ginagawa nilang magbabarkada. Magdo-dota paglabas ng tanghali at magsisigarilyo muna bago magtungo sa computer shop. Dahil din sa palagi nilang pamimilit kay Tristan na humithit ng sigarilyo ay natutunan na niya na gumamit nito.
Tuwing walang pasok ay umaalis si Tristan sa kanilang bahay at nagpapaalam lamang na siya ay makikipaglaro ng basketball kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi alam ng mga ito na nagpupunta lamang siya sa computer shop kasama sina Anthony.
Isang araw ay niyaya ito ni Justine sa kanilang bahay upang kumain dahil magdiriwang siya ng kanyang kaarawan. Sumama ito sa kanila kahit alam niya na mapapagalitan siya sa kanyang mga magulang. Pagdating nila sa bahay nina Justine ay nadatnan nila ang tatay nito na nag-iinuman kasama ang mga kaibigan nito.
Naglatag si Justine ng lamesa para sa kanila. Kumuha ito ng mga pagkain at lumabas upang bumili ng alak. Inabot sila ng gabi sa pag-iinom at si Tristan ay nalasing. Hinatid ni Justine si Tristan sa kanilang bahay gamit ang tricycle ng kanyang tatay.
Nadatnan niya ang kanyang ina na nakahiga sa kanilang sofa. Bigla na lang nagising ang diwa ni Tristan ng makita niya ang kanyang ina. Nagtungo agad ito sa kanilang banyo upang maligo upang mahimasmasan ito. Uminom muna ito ng kape bago at naghain ng kanilang hapunan bago niya ginising ang kanyang ina.
San ka nanaman nanggaling nyan anak? Nag computer ka nanaman ba?
Hindi po mama. Nagpunta lang po ako sa bahay nina Justine dahil niyaya niya po ako na doon na kumain dahil birthday niya po ngayon.
Mabuti naman anak akala ko kasi naglaro ka nagcomputer ka nanaman. Pero bakit hindi ka nagpaalam muna bago ka magpunta sa kanila at sino nanaman tong Justine na ito?
Kaklase ko po yon mama. Tiaka nahihiya lang po ako na hindi siya pagbigyan kasi baka isipin niya po na killjoy ako. Tiaka mabait po si Justine mama.
Napapdalas nanaman ang pag-uwi ni Tristan ng gabi dahil sa paglalaro ng dota. Nalaman din ng kanyang ina na bumalik ang dating ugali ng tatay ni Tristan. Nalulong nanaman ito sa pag-inom at naninigarilyo na muli ito.
Isang araw ay umuwi ang tatay ni Tristan kasama ang kanyang mga kaibigan sa kaniyang trabaho. Nag-inuman ang mga ito ng gabing iyon. Niyaya si Tristan ng kanyang tatay na uminom ngunit pinagbawalan siya ng kanyang ina kaya hindi ito pumayag sa kagustuhan ng kanyang ina. Naging madalas ang pag-inom ng tatay ni Tristan kasama ang mga katrabaho nito.
Wala na lamang magawa ang ina ni Tristan sa gawain ng kanyang tatay dahil sa tuwing pinagbabawalan niya ito ay humahantong lamang sa away ang kanilang usapan. Nagiging madalas na rin ang pagsama ni Tristan sa kanyang mga barkada at nalululong na rin siya sa mga bisyo na turo sa kanya ng kanyang mga kaibigan.
Isang araw nang nag-iinuman muli ang tatay ni Tristan at ang mga kasama nito ay muli siyang niyaya ng kanyang tatay. Tulog ang kanyang ina ng oras na iyon kaya pinagbigyan na lamang niya ang kanyang tatay. Inabot sila ng madaling araw sa kanilang inuman.
Lumipas ang ilang buwan at paulit-ulit na lang ang mga pangyayari na iyon. Sa tuwing umuuwi ang tatay ni Tristan ay nag-iinuman ang mga ito. Walang magawa ang ina ni Tristan dahil sa tuwing pinagbabawalan niya ang mga ito ay humahantong lamang sa away ang kanilang pag-uusap.
Malapit na ang pagsapit ng pasko at ang bawat isa ay balisa na sa kanilang mga gawain para sa pagpe-prepara para sa pasko. Mukhang magiging masayang bakasyon ito para kay Tristan dahil mas dadami ang panahon nilang magbabarkada upang maglaro ng dota.
BINABASA MO ANG
She changed me (#Wattys2017)
AcakIsang bata na galing sa probinsya ng Pampanga . Ngunit nang siya ay nakapagtapos ng elementarya ay lumipat sila ng bahay sa Maynila. Dito siya namulat sa sistema ng pamumuhay sa mga lungsod. Natuto siyang magbisyo dahil sa impluwensiya ng kanyang m...