Part 16:Pag-abot sa mga pangarap

10 4 0
                                    

Naging maligaya ang buhay ni Tristan magmula ng araw na siya ay sagutin ni Stephanie. Natuon ang kanyang pansin sa kanyang pag-aaral dahil sa mga salitang sinabi sa kanya ni Stephanie na nagsilbing kanyang lakas ng loob upang maabot niya ang kanyang mithiin sa kanyang buhay. Naging madalas rin ang paglabas nila ni Stephanie dahil sa tuwing may bakanteng oras ang mga ito ay niyayaya ni Tristan si Stephanie upang mamasyal.

Naging maganda rin ang bunga ng pagsusumikap ni Tristan sa kanyang pag-aaral dahil naging isa siya sa mga nagantimpalaan ng libreng pag-aaral para sa kanyang kolehiyo sa unibersidad ng Ateneo de Manila. Tuwang-tuwa si Stephanie ng malaman niya na si Tristan ay napasali sa mga iyon. Gumawa siya ng sulat para kay Tristan upang batiin ito sa pagiging kabilang niya sa mga nagantimpalaan ng libreng pag-aaral. Nilagyan niya ito ng mga salita na magsisilbing lakas ng loob nito upang maabot niya ang kanyang mga pangarap. Nang mabasa ito ni Tristan ay nabuhayan ang kanyang loob upang maging matatag siya sa kanyang mga problema na kanyang pinagdaraanan.

Nang minsang gabi ng si Tristan ay nag-aayos ng mga paninda sa grocery store na kanyang pinagtatarabahuan ay may isang lalake na nakatakip ang mukha ay biglang pumasok sa grocery store na iyon. Lumapit ito sa kahera ng tindahan na iyon at tinutukan niya ito ng kutsilyo at sinabi na sasaksakin niya ito kung hindi niya ibibigay ang mga pera ng tindahan na iyon. Nang makita ito ni Tristan ay dahan-dahan itong kumuha ng isang bote at siya ay dahan-dahang lumapit sa lalakeng iyon. Nang makakuha ng pagkakataon si Tristan ay bigla itong sumulpot mula sa likod ng isang lalagyan ng mga produkto at hinampas niya ng bote ang ulo ng magnanakaw na iyon. Napahiga ang magnanakaw dahil sa lakas ng hampas ng bote sa.kanyang ulo. Hinawakan ni Tristan ang kamay nito at inagaw niya ang kutsilyo na hawak ng magnanakaw na iyon.

Nakarating sa may-ari ng grocery store ang ginawang kabayanihan ni Tristan at nalugod siya rito. Binigyan miya ito ng pabuya na sasagutin ng may-ari ng grocery store.na.uyon ang kanyang babaunin para sa kanyang pag-aaral hanggang sa.makatapos ito. Laking pasasalamat ni Tristan sa may-ari ng grocery store na iyon at ipinangako niya rito na mag-aaral siya ng mabuti upang magantihan niya ang kabutihang loob ng may-ari na iyon. Naging siyang salutatorian sa kanilang eskwelahan ng makatapos ito ng high school. Maraming tao ang nagbigay ng pera kay Tristan para sa pangtustos nito sa kanyang pag-aaral. Nangupahan siya ng kanyang matutuluyan malapit sa Unibersidad na kanyang pinapasukan. Naging siyang presidente ng kanilang klase at siya ay naging isang modelong mag-aaral sa kanyang unang taon sa kanyang pag-aaral. Hindi sila madalas magkasama ni Stephanie dahil hindi sila pareho ng kurso na kinuha sa Unibersidad na iyon. Naisipan ni Tristan na bigyan si Stephanie ng bulaklak ng hindi nito nalalaman. Nagpatulong ito sa kanyang mga kaklase na marunong mag-gitara dahil gusto niya itong haranahin.

Nasa isang departamento si Stephanie ng araw na iyon ng biglang may tumawag kay Stephanie dahil mayroong naghahanap sa kanya. Paglabas nito sa pinto ng silid kung saan siya naroon ay nakita si Tristan sa ilalim na may dalang bulaklak at habang hinaharana siya nito. Bumaba si Stephanie upang puntahan ito at niyakap niya si Tristan. Hindi makakalimutan ni Stephanie ang araw na iyon dahil sobra-sobrang pagkasurpresa ang kanyang naramdaman ng oras na iyon. Natapos ang unang taon ng pag-aaral ni Tristan sa kanyang kolehiyo at wala kahit isa sa kanyang mga marka ang bumaba sa 90. Mas lalong natuwa ang mga nag-iskolar dito kaya dinagdagan nila ang benepisyo na kanilang ibinibigay rito.

Pinagdiwang nila ang kaarawan ni Aleng Lucrecia na sama-sama. Dumating si Stephanie at ang mga magulang.nito at ang mga ibang kaanak nina Tristan sa pampanga. Nalaman ito ng kanyang tatay ngunit nahihiya itong magpunta dahil sa kasalanang nagawa nito sa kanila.

Nang makatapos si Tristan sa kanyang kolehiyo ay namasukan muna ito bilang isang call center agent upang makaipon ito ng pambayad niya para sa kanyang board exam. Limang buwan siyang.nagtrabaho rito bago niya tuluyang nabuo ang pera na kakailanganin niya sa kanyang board exam.

Ilang araw na nagreview ng mabuti para sa kanyang pagsusulit para sa kanyang board exam. Hindi sila nagkakasama ni Stephanie dahil sa pagiging abala nito sa kanyang pagtatrabaho. Dumating na ang araw ng board exam ni Tristan. Bago siya magpunta rito ay nanalangin ito upang gabayan siya sa kanyang pagsusulit. Habang nagsusulit siya ay mayroon itong nakalimutan na sagot. Tumungo ito sa kanyang kinauupuan at muli siyang nanalangin. Nilampasan muna niya ito at sinagutan ng ibang bilang ng kanyang pagsusulit.

Habang sumasagot ito ay bigla niyang naalala ang sagot na kanyang nakalimutan. Natapos na ang pagsusulit at nawala na rin ang kaba ni Tristan. Lumipas ang ilang buwan at lumabas na ang resulta ng board exam. Nag-uunahan ang mga nagsulit sa board exam na ito upang makita ang resulta. Hinintay ni Tristan na mabawasan ang mga nag-uunahan na iyon at doon niya tinignan ang resulta.

Lapid... Lapid... Lapid.. Hinahanap nito ang kanyang pangalan ngunit maraming apelyidong Lapid ang nakasulat rito.

Nakahinga mg maluwag si Tristan ng oras na makita na niya ang kanyang pangalan na kasama sa mga nakapasa sa board exam. Nakapasa rin si Stephanie sa kanyang board exam. Nag-chat si Tristan kay Stephanie upang ibalita ito sa kanya. Nang malaman ito ni Stephanie ay niyaya niya ito na kumain sa labas upang magsaya sa kanilang nakamit na tagumpay. Ipinaghanda sila ng kanilang mga magulang para sa pagseselebra sa kanilang pagpasa sa board exam at pagiging isang sertipikadong arkitekto at isang nurse.

Tinawagan si Tristan ng isang kumpanya dahil nangangailangan ito ng arkitekto. Nangibang-bansa naman si Stephanie dahil mas malaki ang kanyang kikitain kung doon siya magtatrabaho. Naging masagana ang dulot ng pagsusumikap ni Tristan upang maabot ang kanyang mga pangarap. Siya ay naging manager ng kumpanya na kanyang pinagtatrabahuan habang si Stephanie naman ay nagbabalak na ituloy ang kanyang pag-aaral dahil gusto niya na maging isang doktora. 

Sa tuwing bakanteng oras ni Tristan at tumawatag ito kay Stephanie upang kamustahin ang kanyang lagay.

She changed me (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon