Jingle Bells! Jingle Bells! Jingle all the way.
Ang paulit-ulit na kanta na naririnig ni Tristan sa tuwing gabi na siya ay naglalakad. Malapit na ang pasko ngunit si Tristan ay abala lamang sa mga lakad nilang magbabarkada.
Nagtungo ito sa bahay nila Justine upang yayain itong maglaro ng dota. Nadatnan niya ito na kasama ang kanyang mga barkada.
"Oh Anthony nandito ka pala?" ang nasabi ni Tristan ng madatnan niya si Anthony na nasa bahay nila Justine.
Oo kanina pa kami dito ng mga barkada natin. Bakit ka pala napapunta rito? tanong ni Anthony sa kanya.
Wala! yayayain ko sana si Justine na maglaro ng dota pati kayo. Ano palang ginagawa niyo rito?
Pinapunta lang kami ni Justine rito dahil walang raw tao sa kanila. Food-trip raw sabi ni Justine kaya niyaya ko rin ang mga barkada natin. Di ka namin nayaya kasi wala ka namang cp eh. Pasensya ka na brad.
Ayos lang yon Anthony. Pabibili na lang ako ng cellphone sa mama ko para nakakasama ako sa mga lakad natin.
Pumasok sila sa bahay nina Justine at nakita niya ang mga ito na nag-iinuman. Pag-upo ni Tristan ay agad siyang inabutan ni Jonas ng alak at ininom niya ito. Masayang nag-iinuman ang mga ito ng araw na iyon.
Maya-maya ay may dumating na lalaki at hinahanap nito si Justine. Lumabas si Justine at may ibinigay ang lalaki na iyon sa kanya. Pagpasok nito ay nilapitan nito si Anthony at may ibinulong ito sa kanya.
Maya-maya ay inilabas ni Justine ang ibinigay sa kanya ng lalaki na iyon.
Magkano yan brad? tanong ni Anthony kay Justine.
Wala brad ako ng bahala rito, sagot ni Justine.
Binuksan niya ito at tumambad sa kanila ang mga nadurog na tuyong dahon. Nagtaka si Tristan sa kanyang nakita ng oras na iyon. Napaisip siya kung ano ang gagawin ng mga ito sa dahon na iyon.
Kumuha si Justine ng aluminum foil at ibinalot niya ang mga tuyong dahon na iyon. Sinindihan niya ito at hinithit na parang sigarilyo. Napaisip si Tristan ng oras na iyon dahil ngayon pa lamang niya ito nakita.
Pinasa ito ni Justine kay Anthony at sa mga kasama nito. Nang makahithit na ang mga ito ay ipinasa nila ito kay Tristan. Biglang nakadama si Tristan ng kaba ng oras na iyon dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang hihithitin na iyon.
Ano ba ito? tanong ni Tristan kay Justine.
Sigarilyo lang yan pare, ang sagot nito at bigla itong tumingin kay Anthony at nginitian niya ito.
"Basta humithit ka na lang Tristan. Mas masarap pa yan sa sigarilyo" wika ni Anthony.
Wala na lamang nagawa si Tristan kung hindi humithit na lamang rito dahil sinabi ni Justine na sigarilyo lang naman ito. Nasarapan ito sa kanyang unang hithit dito at inulit-ulit niya ito.
"Ang sarap nga nito pare". Ano ba ito? tanong niya kay Justine.
Wag ka ng magtanong. Basta wag ka lang maingay at wag mong ipagsabi kahit kanino ang ginawa nating ito, bilin sa kanya ni Justine.
Paulit-ulit na pinagpasa-pasa ng mga magba-barkada ang inakalang sigarilyo ni Tristan. Bigla na lang nag-iba ang pakiramdam ni Tristan pagkatapos nilang maubos iyon. Para siyang lumulutang at ang mga nakikita niya ay parang napakabagal ang kilos.
Nakangiti ito ng oras na iyon habang pinagmamasdan siya nina Anthony at Justine.
Brad, lumilipad na si Tristan. Kailangan na dito muna siya sa amin hanggang sa mawala na ang pagiging high niya, wika ni Justine kay Anthony.
Oo nga pare. Baka magwala pa yan sa labas kapag hinayaan natin yan. Baka mahuli pa tayo kung hahayaan natin siya.
Hindi alam ni Tristan na marijuana ang kanyang hinithit ng araw na iyon. Nakatulog na lamang ito sa kwarto ni Justine. Paggising nito ay malapit ng mag-gabi. Hindi niya alam ang mga nangyari pagkatapos nilang mag-inuman ng kanyang mga kaibigan.
Pag-uwi ni Tristan ay kinausap nito ang kanyang ina. Gusto nitong magkaroon ng cellphone kaya sinabi niya sa kanyang ina na gusto niyang magpabili nito.
Bakit gusto mo nang magpabili ng cellphone anak? Aanhin mo ba ito? tanong ng ina ni Tristan sa kanya.
Wala lang po mama. Mayroon na po kasing cellphone ang mga kaibigan ko eh. Gusto ko lang po talagang magkaroon nito.
Sige anak kapag mayroon na akong pambili anak.
Tuwang-tuwa si Tristan sa kanyang narinig sa kanyang ina ng oras na iyon. Kinabukasan ay muli nanamang nagtungo si Tristan sa bahay nila Justine. Niyaya niya itong maglaro ng dota.
Sige pare, itetext ko lang ang mga barkda natin para kumpleto tayo.
Pagkatapos nilang maglaro ng dota ay nagpunta ang mga ito sa bahay nina Jonas. Pagpasok nila sa bahay nina Jonas at isinaradong mabuti ni Jonas ang pinto at ang mga bintana ng kanilang bahay. Nilabas ni Justine ang mga tuyong dahon na katulad ng ibinigay ng isang lalaki na nagpunta kahapon sa bahay nila Justine.
Tinanong muli ni Tristan si Anthony kung ano ang mga dahon na iyon. Sinabi ito sa kanya ni Anthony at hindi ito makapaniwala sa kanyang nalaman. Hindi niya akalain na ito pala ay Marijuana.
Wag mong ipagsasabi kahit kanino ito Tristan ha? Kapag nalaman ito ng iba, patay ka samin, pagbabanta ni Anthony sa kanya.
Oo naman pare, tiaka kapag ipinagsabi ko ito eh sigurado madadawit rin ako dito dahil nakagamit na rin ako nito kahapon diba.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay ipinasa ni Justine ang foil kay Anthony. Ilang hithit lamang nito ay ibinigay na niya agad ito kay Tristan. Nasarapan si Tristan sa kanyang paghithit kaya't hindi na niya napansin na nakarami na siya.
Ilang segundo lamang ay naramdaman niya na nag-iiba na ang kanyang pakiramdam. Tinanong niya si Anthony kung bakit nagiging ganito ang kanyang pakiramdam sa tuwing hihithit siya nito.
Ganyan talaga yan pare pagkatapos mong gumamit nyan, sagot ni Anthony. Ilang araw na naging ganitong paulit-ulit na lamang ang mga pangyayari. Nakasanayan na ito ni Tristan kaya't parang wala na ito sa kanya. Napansin niya na parang tumataba na siya. Hindi niya alam ay dulot ito ng paggamit niya ng Marijuana dahil sa tuwing gumagamit siya nito ay palagi siyang gutom.
Naging masaya si Tristan sa kanyang mga ginagawa kahit alam niya na ito ay masama. Naging natural na lamang ito sa kanyang pamumuhay kaya hindi na niya iniisip kung ano man ang magiging bunga nito.
BINABASA MO ANG
She changed me (#Wattys2017)
RandomIsang bata na galing sa probinsya ng Pampanga . Ngunit nang siya ay nakapagtapos ng elementarya ay lumipat sila ng bahay sa Maynila. Dito siya namulat sa sistema ng pamumuhay sa mga lungsod. Natuto siyang magbisyo dahil sa impluwensiya ng kanyang m...