Part 10: Stephanie! Steppy! Teppywap

23 7 0
                                    


Hindi maalis sa isipan ni Tristan si Stephanie. Naging masigla si Tristan sa kanyang mga ginagawa dahil habang ginagawa niya ang mga ito ay iniisip niya na ginagawa niya ito para kay Stephanie. 

Kinabukasan pagpasok niya ay hindi ito mapakali sa paglalakad sa campus sa pagba-bakasakali na makita niya muli si Stephanie. Hindi niya napansin na oras na pala ng kanilang unang klase sa matematika. Nagmadali ito upang magpunta na sa kanilang sild dahil nahuli na siya sa kanyang pagpasok rito dahil sa paglalakad niya sa campus.

Nakita niya si Stephanie na mag-isa na naglalakad kaya nilapitan niya ito. Naging kasa-kasama niya ito ng ilang araw at nakakaligtaan na niya ang pagsama niya sa kanyang mga kaibigan. Napapalapit ang loob ni Tristan kay Stephanie sa tuwing nakakasama niya ito. Napakabait nito sa kanya at lagi niya itong tinutulungan kung may kailangan siya.

Nang makita siya ng kanyang mga kaibigan ay niyaya siya ng mga ito na maglaro ng dota. Hindi siya sumama sa mga ito dahil sinabi niya na aalis sila nina Stephanie at ng mga kaibigan nito.

Pare! Ibang-iba na si Tristan ngayon. Hindi na siya sumasama sa atin simula ng makilala niya yang si Stephanie na yan. Ang sabi ni Justine kay Anthony. 

Kinabukasan ay muling niyaya nina Justine si Tristan upang magpunta sa kanilang bahay. Sinabi niya sa mga ito na hindi siya maaaring sumama dahil aalis sila ng kanyang nanay pagkauwi nito. 

Pssshhhh!! Aalis kayo ng mama mo? O baka aalis nanaman kayo niyang Stephanie mo? tanong sa kanya ni Justine.

Nalungkot si Tristan sa kanyang narinig dahil ayaw niya na nagtatampo sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

Wag ka namang sana ganyan Tristan, hindi porke nakakita ka ng babae na gusto mo eh kakalimutan mo na kaming mga kaibigan mo. Ang sabi ni Anthony sa kanya.

Pinagbigyan niya ang mga ito sa kanilang hiling at sila ay nagpunta sa bahay nina Justine. Nag-inuman ang mga ito at nagsindi si Justine ng marijuana. Nalasing si Tristan at hindi ito nakauwi ng araw na iyon. 

Nalaman ni Stephanie ang nangyari na iyon  kaya't pinagsabihan niya si Tristan tungkol rito. Lalong umigting ang nararamdaman ni Tristan kay Stephanie nang pagsabihan siya nito. Hindi niya napansin ang kanyang mga kaibigan nang sila ay magkasama ni Stephanie. Pinag-usapan siya ng mga ito tungkol sa pagsama niya lagi kay Stephanie. Nagtatampo na ang mga ito sa kanya dahil nagiging madalas na ang pag-ayaw niya na sumama sa mga ito kapag niyayaya siya ng mga ito.

Habang si Tristan ay nasa loob ng kanilang silid aralan ay nilapitan siya ng kanyang mga kaibigan. 

Gusto mo bang sumama samin mamaya Tristan? ang tanong ni Anthony sa kanya. 

Saan ba kayo magpupunta? tugon nito. 

Basta! Ano gusto mo ba o kay Stephanie ka na lang sasama? wika sa kanya ni Justine. 

Wala na lang nagawa si Tristan ng oras na iyon kundi ang sumama na lamang sa mga ito dahil ayaw niya na masira ang kanilang pagkakaibigan. Kahit na ayaw ni Stephanie na sumama siya sa mga ito ay sumama siya. Malikot ang mga ni Tristan dahil pinagmamasdan niya ang mga tao na maaaring magsumbong kay Stephanie sa pagsama niya sa mga ito.

Inilihim niya ang pagsama niya sa mga ito nang siya ay tanungin ni Stephanie tungkol dito. Gusto niyang ligawan si Stephanie ngunit sinabihan siya nito na papayagan lamang niya ito kung maaalis niya ang lahat ng kanyang bisyo at aayusin niya ang kanyang pag-aaral. 

Nahihirapan si Tristan sa mga pinapagawa ni Stephanie sa kanya dahil sa pagiging lulong nito sa mga bisyong ito. Nagiging madalas na rin ang pagsama niya ng palihim sa kanyang mga kasama dahil hinahanap-hanap ng kanyang katawan ang mga bisyong ito. Hindi niya mapigilang ang kanyang sarili sa mga bisyong ito kahit na maraming beses na siyang sinabihan ni Stephanie tungkol dito.

Habang siya ay naglalakad patungo sa kantina ay nakita niya si Stephanie at tinawag niya ito.

Steppy! sigaw niya. 

Hindi siya narinig nito dahil may suot itong headset ng oras na iyon. Nilapitan na lamang niya ito at sinamanhan niyang kumain.

Hindi na niya mabitawan ang kanyang cellphone ng makuha niya ang number ni Stephanie. Inadd niya ito sa facebook at naging madalas ang pagcha-chat nilang dalawa. 

Ano palang palayaw mo? tanong nito sa kanya sa messenger. 

Steppy or teppywap, sagot naman nito. 

Pinalitan niya ang nickname ni Stephanie at ginawa niya itong Steppy/Teppywap.

Umabot sila ng madaling araw sa kanilang pagcha-chat. Kinabukasan ay magkasama ang mga ito sa eskwelahan. Maraming may gusto kay Stephanie na nakakita sa kanila kaya't nag-init ang mga ulo nito sa kanya. Nang makita nila na mag-isa si Tristan ay pinagsabihan siya ng mga ito na lumayo kay Stephanie. Hindi nasindak si Tristan sa kanyang narinig ngunit hindi na lamang niya pinatulan ang mga ito dahil alam niya na magagalit sa kanya si Stephanie kapag ginawa niya ito. 

Hindi pa rin maalis ng tuluyan ni Tristan ang kanyang mga bisyo sa kanyang sarili dahil sa tuwing may nakikita siyang naningarilyo ay nauudyok siya na muling gumamit nito. Patuloy rin ang pagsama niya ng palihim sa kanyang mga barkada. 

Minsan ay nagawi muli siya sa bahay ni Michelle dahil nangailangan ito ng pera. Nireto siya ni Michelle sa isa niyang kaibigan at dito at pumayag si Tristan. 

Isang araw habang siya ay nasa tindahan at siya ay naningarilyo ay nakita siya rito ni Stephanie. Nakita niya ito at bigla itong lumingon at sumakay ng tricycle papalayo. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at chinat niya si Stephanie upang magpaliwanag. Walang sagot si Stephanie sa kanyang mga chat kahit maraming beses na itong nagpapaliwanag. 

Nabusted siya kay Stephanie ng araw na iyon. Hindi kinaya ni Tristan ang sakit kaya nagpunta ito sa kanyang mga kaibigan ay sila ay nag-inuman dahil gusto ni Tristan na makalimot sa sakit na kanyang nadama. 

Ngunit ng siya ay mahimasmasan ay napaisip ito sa kanyang ginawa. Mas lalo lamang niyang dinagdagan ang kanyang kasalanan. Inisip niya na kaya nasabi iyon ni Stephanie dahil alam niya na gusto siyang magbago ni Stephanie bago niya ito payagan sa kanyang panliligaw.

Hindi nagpatinag si Tristan kahit na nabusted siya kay Stephanie. Pinilit niya na magbago para rito dahil gustong-gusto niya ito. 

She changed me (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon