Matagal itong pinaghandaan ni Tristan dahil gusto niya na masurpresa si Stephanie. Nagpunta ito sa bahay nila Stephanie ng hindi nalalaman nito. Kinausap niya ang ina nito upang isangguni niya ang kanyang balak na pagsurpresa niya kay Stephanie. Pinayuhan siya ni Aleng Fe tungkol sa mga paboritong bagay ni Stephanie at ito ay kanyang sinunod.
Nagtanong-tanong siya sa mga tindahan upang magtanong ng mga bagay na paborito ni Stephanie. Nang malaman niya kung magkano ang mga ito ay napakamot na lamang siya sa kanyang ulo dahil sa kamahalan ng mga ito. Ngunit hindi niya pinansin kung magkano man ang presyo ng mga ito dahil inisip niya na walang kwenta ang halaga ng mga iyon kung para naman sa babae na kanyang gusto niya ito ibibigay.
Bumili ito ng malaking teddy bear at ng mga bagay na paborito ni Stephanie. Nagsulat rin ito ng love letter at gumawa ng mga maliliit na papel na may sulat at inilagay niya ito sa isang bote na kanyang nilagyan na dekorasyon.
Isang araw na lamang at ika labing-apat na ng pebrero. Bawat silid aralan ay mayroong dekorasyon patungkol sa Valentine's Day. Inaayos na rin ng mga guro ang entablado at covered court ng eskwelahan para sa pagseselebra ng Valentine's Day. Hindi na mapakali si Tristan sa paghahanda ng kanyang surpresa para kay Stephanie.
Walang ideya si Stephanie sa balak ni Tristan na pagsurpresa sa kanya. Magkasama sila ng araw na iyon bago ang ikalabing-apat ng Pebrero. Hindi rin siya nakakita ng anomang pagbabago sa kilos ni Tristan habang kasama niya ito. Isinangguni rin ito ni Tristan ang kanyang balak na pagsurpresa kay Stephanie. Nagulat ang kanyang ina sa narinig nito kay Tristan dahil hindi niya alam na mayroon pala itong ganitong balak.
Pinayuhan siya ng kanyang ina na wag na wag niyang lolokohin si Stephanie dahil siya mismo ang mananakit kay Tristan kapag ginawa niya ito. Niyakap ni Tristan ang kanyang ina ng oras na iyon at sinabi niya na "maraming maraming salamat sa suporta na ipinapakita mo sa panliligaw ko kay Stephanie mama at ipinapangako ko sayo na hindi ko siya sasaktan kailanman".
Hinigpitan lalo ng kanyang ina ang yakap nito sa kanya.
"Pagpalain ka nawa ng DIYOS anak" ang nasabi nito habang yakap niya ang kanyang anak.
Kinabukasan ay maagang nagising si Tristan upang isaayos ang kanyang surpresa kay Stephanie. Paggising nito ay agad itong nanalangin upang patnubayan siya sa kanyang gagawin. Nagpunta ito sa kanilang eskwela ngunit hindi siya nagpakita kay Stephanie.
Pagpasok ni Stephanie ay nagpunta ito sa silid aralan ni Tristan upang itanong kung naroon siya. "Wala na siya dito Stephanie, umuwi na yata siya?" ang sabi ni Jonas kay Stephanie nang tanungin siya nito. Naglakad-lakad si Stephanie sa kanilang eskwelahan sa pagbaba-sakaling makita niya si Tristan. Hindi niya ito nakita kahit ilang beses na itong nagpaikot-ikot sa kanilang eskwelahan.
Naiingit ito sa bawat madaanan niyang magkasintahan na magkasama. Naisip niya na kung bakit hindi pumasok si Tristan. Lalo pa itong nainggit ng makakita siya ng isang lalake na may dalang bulaklak at teddy bear na ibibgay nito sa kanyang nililigawan. Nagsigawan sa mga kilig ang mga ito ngunit inggit lamang ang tanging naramdaman ni Stephanie ng oras na iyon dahil inaasahan niya na bibigyan siya nito ng kahit bulaklak man lang.
Umupo na lamang ito sa isang sulok ng kanilang silid at tumungo sa kanyang kinauupuan. Iniisip niya kung bakit kahit bakas man lang ng anino ni Tristan ay hindi niya nakita. Ngunit hindi pa rin siya tumigil upang hanapin si Tristan sa kanilang eskwelahan. Pagod na pagod na ito sa kanyang paghahanap kay Tristan kaya naisipan nito na maupo sa kantina at kumain siya rito.
Naaasar na si Stephanie ng oras na iyon dahil akala niya na susurpresahin siya ni Tristan sa araw na iyon ngunit hindi niya ito ginawa. Naisipan na lamang niya na umuwi ng oras na iyon dahil wala rin namang kwenta ang kanyang pagpunta sa kanilang eskwelahan dahil wala rin naman doon si Tristan.
Maluha-luha ito habang siya ay naglalakad palabas sa kanilang eskwelahan. Nakita siya ng kanyang mga kaibigan at tinawag siya ng mga ito ngunit hindi niya pinansin ang mga ito.
Anong problema nun? tanong ng isa sa kanyang mga kaibigan sa mga kasama nito.
Nagmamadaling umuwi si Stephanie dahil gusto na nitong magpahinga.
Beep! Beep! Beep!
Narinig ni Tristan ang isang jeep na tumigil sa harap ng bahay nina Stephanie. Nakita nito na bumaba si Stephanie rito kaya nagtago ito sa likod ng pintuan nila. Pagpasok ni Stephanie sa kanilang bahay ay nabigla ito sa kanyang nakita. Mayroong mga bagay na kanyang paborito ang nakalagay sa kanilang lamesa. Nadatnan niya na nakaupo ang kanyang mga magulang sa kanilang sofa at tinanong niya ang mga ito kung saan galing ang mga paborito niyang mga bagay na nasa kanilang lamesa.
Hindi sumagot ang mga ito at may biglang kumalabit sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niya ang isang lalake na may dala-dalang bulaklak at isang teddy bear. Nang makita niya ito ay napasigaw na lamang ito sa tuwa ng makita niya ang lalake na iyon ay si Tristan. Naghuhumiyaw ito sa tuwa ng ibigay sa kanya ni Tristan ang hawak nitong bulaklak at teddy bear.
Biglang itong lumuhod sa kanyang harapan at kinuha nito ang isang maliit na kahon na may lamang singsing at kwintas. Binuksan ito ni Tristan sa kanyang harapan at napatakip na lamang ng bibig si Stephanie ng gawin ni Tristan ito sa kanyang harapan habang ito ay nakaluhod.
"Will you be my girlfriend Stephanie?" ang mga salitang narinig ni Stephanie ng buksan ni Tristan ang kahon na iyon.
"Yes! Oo! Yes!" na lamang ang nasagot ni Stephanie ng tanungin siya ni Tristan. Isinuot ni Tristan kay Stephanie ang singsing ang kwintas na laman ng maliit na kahon na iyon. Pumalakpak ang mga magulang ni Stephanie ng oras na iyon.
Niyaya ni Tristan si Stephanie na lumabas upang magpunta sa isang lugar na silang dalawa ay makakapag-usap ng pribado. Umalis ang mga ito sa bahay ni Stephanie na magkahawak-kamay habang sila ay naglalakad.
Nagpunta ang mga ito sa isang parke kung saan naroon ang mga magkasintahan upang gugulin ang kanilang mga araw na magkasama. Naupo ang mga ito sa ilalim ng isang puno at dito ay nag-usap sila. Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ni Stephanie ng oras na iyon dahil hindi niya akalain na yun ang araw na tatanungin siya ni Tristan ng ganon.
Nag-ukit ang mga ito ng isang puso sa puno na katabi nila. Isinulat nito ang kanilang mga pangalan sa puso na iniukit nila sa punong ito. Nagyakapan ang mga ito nang maiukit nila ang mga pangalan nila sa pusong ito.
BINABASA MO ANG
She changed me (#Wattys2017)
RandomIsang bata na galing sa probinsya ng Pampanga . Ngunit nang siya ay nakapagtapos ng elementarya ay lumipat sila ng bahay sa Maynila. Dito siya namulat sa sistema ng pamumuhay sa mga lungsod. Natuto siyang magbisyo dahil sa impluwensiya ng kanyang m...