Part 17: Kasalan

16 5 0
                                    


Naging maganda ang takbo ng trabaho ni Tristan sa kumpanyang pinasukan nito. Naging malaki ang kanyang sweldo at nakapagpundar na ito ng kanyang sariling kotse at bahay. Nakabili rin siya ng lupa sa kanilang probinsya sa pampanga at ginawa niya itong taniman ng manga dahil ito ang kanyang paboritong prutas. 

Tumutulong rin siya sa isang bahay ampunan kung saan ay nagbibigaya siya rito ng pera upang matustusan ang pangangailangan ng mga ulilang bata na nasa ampunan na iyon. Naging kilalang tao si Tristan dahil sa mga kabutihang bagay na ginagawa nito. Naging dahilan ni Tristan ang mga taong tumulong sa kanya ng siya ay nangangailangan kaya niya ginagawa ang mga ito.

Naging maganda ang trabaho ni Stephanie sa ibang bansa dahil nalipat siya sa isang malaki at pribadong hospital malapit sa dati nitong pinagtatrabahuan. Naging maayos rin ang kanyang lagay dahil nakasama niya rito ang kanyang tatay dahil nalipat siya rito mula sa kanyang pinagtatrabahuan sa Guam. 

Hindi na mabilang ni Tristan ang kanyang mga pagpapala na kanyang natatanggap mula sa ibat-ibang parangal at pabuya na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga kabutihang gawa at pagiging magaling nito sa kanyang pagtatrabaho sa pinapasukan nito. Nagbabalak na rin si Tristan na magtayo ng kanyang sariling kumpanya dahil malaki na rin ang naipon nito mula sa kanyang trabaho. 

Hindi alam ni Stephanie na may inihandang malaking surpresa si Tristan para sa kanya sa pag-uwi nito sa Pilipinas. Inabot si Stephanie ng tatlong taon sa kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit bago tuluyang makauwi si Stephanie ay nakapagatayo na si Tristan ng kanyang sariling kumpanya na para sa konstruksyon ng mga kabahayan at iba pa. 

Tuwang-tuwa si Stephanie nang malaman niya ito at lalo siyang ginanahan upang makauwi na sa kanyang bansa upang makasama na niya muli ang kanyang ina at si Tristan. Pagdating nito sa airport ay hindi niya agad nakita si Tristan. Tinawagan niya ito ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone. Nakita na lamang niya si Tristan na naglalakad ng mag-isa habang hinihintay niya si Stephanie. 

Napatakbo si Stephanie ng nakita niya si Tristan. Yayakapin na niya sana si Tristan ng bigla siyang pinatigil nito at may mga lumabas na tao at bigla sumayaw ang mga ito sabay sa saliw ng tugtugin na pinatugtog ng lalake na may hawak sa speaker. Nasurpresa si Stephanie sa ginawa ni Tristan ng araw na iyon. 

Lumuhod si Tristan sa harap ni Stephanie at kinuha nito ang kahon na may lamang singsing. Napatigil ang lahat na nagdaraan ng oras na iyon upang panoorin si Tristan. Binuksan ni Tristan ang kahon na iyon sa harap ni Stephanie.

Sa dami na ng pinagdaanan natin Stephanie at sa dami na rin ng mga bagay na nagawa natin eh eto na lang ang tanging bagay na matagal ko ng gustong gawin sa iyo. Eto na lang ang tanging tanong ko na hindi pa nasasagot. Kaya ngayon Stephanie: 

"WILL YOU BE MY WIFE FOREVER?"

Ang mga katagang minsan maririnig ng isang babae mula sa lalakeng handang maging kanyang kabiyak sa habang buhay. 

Nanginginig si Stephanie sa tuwa ng oras na iyon. 

"Oo Tristan" "Yes" ang mga salitang nasabi ni Stephanie ng oras na iyon. Isinuot ni Tristan kay Stephanie ang singsing na iyon. Niyakap siya nito ng mahigpit habang sila ay nasa gitna ng mga tao na nanonood. Nang magkaharap ang mga mukha ng mga ito ay pinaglapit nila ang kanilang mga labi at naghalikan ang mga ito sa gitna ng mga taong iyon. 

Isina-ayos ng mga ito ang kanilang kasal ng maaga dahil kailangan ng bumalik ni Stephanie sa kanyang pinagtatrabahuan sa ibang bansa. Naging maganda ang kanilang pagpaplano ng kanilang kasal dahil tinulungan sila ng kakilala ni Stephanie na isang eksperto sa mga ganitong bagay. 

Umuwi rin ang tatay ni Stephanie upang makadalo ito sa kasal ng kanyang anak. Malungkot si Tristan ng oras na iyon ng makita niya na magkasama si Stephanie at ang tatay nito. Ilang araw ang dumaan at naayos na ang lahat ng kakailanganin nila para sa kanilang kasal. 

Naghanap sila ng kanilang isusuot para sa kanilang kasal. Malungkot pa rin si Tristan kahit na siya ay ikakasal na. Dumating ng ang araw ng kasal. Nag-ayos na si Tristan at isinuot na nito ang kanyang damit para sa kanilang kasal. Naghihintay ito sa loob ng simbahan sa pagdating ng kanyang mapapangasawa. Dumating na ang isang karawahe kung saan nakasakay si Stephanie. 

Pagbaba nito ay inilalayan siya ng kanyang mga magulang papunta sa harap ng altar. Sinimulan na ng pari ang seremonya para sa kanilang kasal. Hindi pa rin mawala sa isip ni Tristan ang kanyang tatay ng oras na iyon kahit na sila ay nasa harap ng altar. 

Ikaw lalake, tinatanggap mo ba ang babaeng ito bilang iyong kabiyak mo sa iyong buhay. Sa hirap man o sa ginhawa? 

"Opo father", ang sagot ni Tristan ng oras na iyon ngunit hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang kanyan tatay. 

Ikaw naman babae, tinatanggap mo ba ang lalakeng ito bilang iyong kabiyak sa iyong buhay. Sa hirap man o sa ginhawa? 

"Opo father". 

And now, you may kiss the bride. 

Hinalikan ni Tristan si Stephanie ng oras na iyon sa harap ng altar bilang kanyang magiging kabiyak. Lumabas na ang mga ito upang magpunta na sa Reception hall. Naghihintay pa rin si Tristan sa pagdating ng kanyang tatay dahil nagbigay siya ng sulat ng imbitasyon rito upang magpunta siya sa kanyang kasal. Hindi ito alam ng kanyang ina dahil gusto niya na mabuo muli ang kanilang pamilya.

Nang paalis na ang mga ito ay  nakita ni Tristan ang kanyang tatay sa tabi ng simbahan na iyon. Nang makita siya ng kanyang tatay ay tumalikod ito at naglakad palayo. Hinabol ito ni Tristan habang sumisigaw ng "Daddy! Daddy!" habang umiiyak ito. Nang maabutan niya ito ay agad niya itong niyakap habang sila ay umiiyak. 

"Patawarin mo ako Tristan sa mga kasalanan ko." Eto na lamang ang mga salitang narinig ni Tristan mula sa kanyang tatay ng oras na iyon.

"Pinapatawa na kita Daddy", ang tugon ni Tristan sa kanyang tatay habang mahigpit ang pagyakap niya dito. Nakita ito ng kanyang ina at naluha ito. Nahihiyang lumapit ang tatay ni Tristan kay Aleng Lucrecia at nanghingi ito ng tawad sa lahat ng kasalanan na kanyang nagawa.

Pinatawad na lamang ito ng kanyang ina at tinanggap ang mga kasalanang nagawa nito sa kanya. Naging buo ang araw ng kasal ni Tristan ng sila ay nagka-ayos ng kanyang tatay kasama na ang kanyang ina. Nagtungo na ang mga ito sa Reception Hall upang kumain at magdiwang sa pagkakatali nina Tristan at Stephanie. 

She changed me (#Wattys2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon