Previous: Nasali sa Intersection Basketball ang section nina Sabrina and they need representative kaya sa ayaw at sa gusto ni Sabrina na sama sya sa team nila dahil sa paguutos ni Chase pero pagkatapos ng usapang yun umuwi si Sabrina sakanila kasama si Hannah at Night para magmovie Marathon pero sumunod pala ang buong barkada kaya kumpleto na sila.. Pagkatapos ng isang movie dumating si Kate para sunduin si Night. Nagalit si Night at nakapagbitaw ng hindi magandang salita kay Kate then ng napauwi na sila they say sorry to each other and theres another character will come up..
Chapter 15
Sabrina's POV
"Hoy Nerd! Bilisan mo ikaw nalang hinihintay!" sigaw nung classmate kong lalake
"Susunod nako!" sagot ko
Pwede naman kasi silang magsimula ng wala ako! Tss! Inalis ko na yung salamin ko tsaka ko nilagay sa locker kokasama yung uniform ko baka kasi malaglag lang mamaya tapos sumunod nako
May practice nga pala kami ngayon ng basketball laban na namin kasi bukas
Ganito pala yung form ng laban
3A vs 3E
3B vs 3F
3C vs 3D
Yung tatlong matitira maglalaban laban hanggang sa dalawa nalang ang matira at ang mananalong section may 3 days trip to Baguio! Yahoooo!
Nandito nako ngayon sa Gym at nagsisimula na din silang magwarm up
"Sa wakas dumating ka na din!!" bungad agad sakin ni Ace napaka gandang welcome diba? Bwisit..
"E ano naman ngayon kung dumating nako?" tapos tumingin ako dun sa mga nagpapractice
Eh? Anong nangyari? Baket nakatingin lahat sila sakin? Hindi din sila gumagalaw parang na freeze sila! Tiningnan ko yung paligid ko baka hindi ako yung tinitingnan pero ako lang ang magisang nakatayo dito e May mali ba sa suot ko? Naka white t-shirt lang naman ako tsaka nakapatong yung red jersey na hiniram ko pa kay Kuya Sean tapos naka short ako na over the knee tapos rubber shoes pero wala na yung salamin ko
"Anong meron? May mali ba sa suot ko?" tanong ko sakanila
Sabay sabay naman silang umiling parang mga nakalutang yung mga utak ng mga to!
"Practice na ulit!! Anong tinutunga-tunganga nyo dyan!!" sigaw ni Ace na nakalapit na pala sa tabi ko
"At ikaw! Takbuhin mo tong Gym ng 3 beses!"
"OPO!!" sagot ko
Tch! Ang laki laki netong Gym tatakbuhin ko? Tatlong beses pa!
Kinuha ko muna yung Cellphone ko at naghanap ng kanta tsaka ko sinuksok sa tenga ko yung headset
Makatakbo na nga!!
Chase's POV
Ba't inalis ni Sanni yung salamin nya? Hindi ako sanay! Tsaka pinagtitinginan sya ng mga kateam namin! Nagiiba yung itsura nya kapag wala yung salamin nya! Tch
"Pare!" sigaw ni Finn na papasok sa Gym kasama yung Hannah
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sakanila
Hindi naman sumali si Finn sa team e sayang daw oras nya makikipagdate nalang daw sya si Hannah naman di marunong yan! Puro sigaw lang alam nyan!
"Hindi naman ikaw pinunta namin wag kang magalala!" mataray na sagot ni Hannah tapos tiningnan si Sabrina na tumatakbo papunta samin na pakanta kanta pa!
Tumigil sya sa harap namin tapos inalis yung isang Headset sa tenga nya "Hi Finn! Hi Hannah!"
Ngiting ngiti naman etong si Hannah tapos kinurot yung pisngi ni Sanni "Ang cuuuuuttteeee moooo!!" Napapangiwi naman sa sakit si Sanni tapos nung binitiwan na yung pisngi "Aray naman Hannah! Minumurder mo yung pisngi ko e!" tapos nagpout pa
BINABASA MO ANG
The Rich Girl is Acting as a Nerd
HumorIsang rich girl na nagpapanggap na Nerd?! Yeah! it's true! Pero paano kung sa pagpapanggap nyang ito makilala nya ang True Love nya?! Masisira ba ang plano nya o mas mapapabilis ang pagsasakatuparan nito?