Chapter 39: Tape Recorder

17.9K 465 41
                                    

Chapter 39

Sabrina's POV

After I ended the call, I looked at Ace who is standing beside me. He is now wearing a Blue polo shirt. Nakauwi na siguro galing ng eskwela. Ibinalik ko sakanya yung hiniram kong cellphone tsaka muling umupo sa nakalatag na blanket

"Iniwan kana ng date mo" saad nito ng maka-upo na sa tabi ko. Ang sarap nyang batukan alam nya kaya yun? Will he stop stating the obvious.

Inirapan ko sya "Alam ko" sagot ko tsaka ako tumingala sa langit. Nakakatawang isipin na kanina si Night ang kasama ko kaso pinagtabuyan ko tsaka naman biglang sumulpot 'tong si Ace

"Kanina ka pa ba nandito?"

Hindi ito sumagot kaya nilingon ko sya na nakatingin pala sakin. Napaurong pa ko sa gulat ko "Ano? Kanina ka pa ba dito?" ulit ko

Tumingala ito tsaka pinagmasdan ang langit "Oo" sagot nito "Kanina pang naghaharutan kayo" tsaka nya pa ako tinignan na parang may ginawang malaking kasalanan sakanya

Ngumuso lang ako. Malay ko bang nakikita nya pala kami? Tsaka day kaya namin ngayon ni Night no. Bakit nga ba sya sumunod? Ay, ewan

Napatingala ako sakanya ng tumayo ito sa harap ko at nilahad ang kamay nya. Tinitigan ko lang yung kamay nya at dun ko lang napansin na slow songs pala ang kinakanta ng bandang tumutugtog

"Can we dance?" tanong pa nito

Pinaglapat ko ang kamay nya at kamay ko tsaka nya ako hinila patayo kaya nasubsob pa ako sa dibdib nya. Iginala ko ang paningin ko sa paligid lahat ay nakikinig lamang, walang sumasayaw, as in wala

"Seryoso?" saad ko

"Mukha ba 'kong nagjojoke?"

Pinatong nya ang mga kamay ko sa magkabilang balikat nya tsaka nya hinawakan ang bewang ko. Parang may kung ano sa tyan ko at parang lumulutang ito kaya nagbaba ako ng tingin. Diko ma-take!

Ipinatong nya ang noo nya sa ulo ko kaya halos mapalundag ako pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagsabay nya sa kanta. Eto ang unang beses na nadinig ko syang kumanta

"Cause you bring out the best in me that no one else can do"

Ang katawan naming nakatayo lang kanina ay parang swing na nakikisabay na sa beat ng kanta. Pati ang mata naming di magkatagpo ay parang may magnet na at di na maputol-putol pa

"Dalawa nalang kaming naglalaban sa puso mo" saad nito

Bigla akong naging uncomfortable sa sinabi nito. Mula sa tatlo ay naging dalawa nalang sila. Maganda ito para sakin atleast nabawasan ang mga taong masasaktan kung sakali mang mama-tsh, nevermind

"Pero may masasaktan pa din sainyo" giit ko tsaka nagiwas ng tingin. Ayokong makasakit ng damdamin pero hangga't kailangan pumili talagang may masasaktan

Hinawakan nito ang baba ko at iniangat para magkatagpo ulit ang aming mga mata "Thats love. It really hurts" saad nito

Natameme ako sa sinabi nya. Parang hindi si Chase ang kausap ko ngayon parang... alien. At kailan pa nagkaroon ng opinion si Ace tungkol sa love?

Natapos na ang kanta pero nakatayo pa din kami at nagtititigan na parang mga timang pero ano naman ngayon? Moment namin to eh

"Do you know that I want to kiss you right now?" saad nito at ang mga sumunod na nangyari ay kusa nalang lumabas sa bibig ko.

"Then kiss me"

Ang bibig kong half open ay sinakop ng bibig nya. Napapikit nalang ako at kumapit sa batok nya. There's something in my stomach that makes me feel I'm in cloud 9. This is crazy but it really feels good

The Rich Girl is Acting as a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon