Chapter 25
Sabrina's POV
"Huhuhu! T^T Tama na please? Masakit na e!! Tsaka three days ago pa yun ba't ngayon lang to?!" walang hanggang reklamo ko T^T Kainis naman kasi!! Wala naman akong kasalanan e~!!
Pinalo nya ang braso ko gamit yung ruler na hawak nya "Heh! Manahimik ka dyan!! Kung di lang ako naawa sayo nung araw ding yun kita pinarusahan e!" sagot nya sakin habang tinitingnan ako paikot
Oo pinaparusahan ako ngayon!! Ano bang kasalanan ko?! Ako kaya yung binastos ng mga gagong yun!! Asaar! Dapat sila ang pinaparusahan dito e-_____-
"Kuya naman e! Masakit tama na ng kakapalo! Tsaka sila kaya ang may kasalanan! Dapat sila ang pinaparusahan mo e T^T" Takte naman kasi!! Sa lahat pa ng pwedeng iparusa sakin ito pa e!
Pinalo nya na naman ulit yung braso ko "Ayusin mo!! Tsaka anong walang kasalanan?! Kasalanan mo din kung bakit ka nandun sa Detention Room! Matulog kaba naman sa klase mo! Sinong nagturo sayo ng ganyan?!" sigaw nya sakin
Asus! Palibhasa kasi hindi kayo sinasaway at natatakot sainyo yung mga teacher e! Kasalanan ko ba kung natatakot akong mabangungot dahil sa lecheng mga multong yun?!
Inayos ko ang hawak kong kandila "Naman kuya e~!! Pag bumakat yang pamalo mo sa braso ko susumbong kita kay Mom! Pati ako di mo na pinatawad sa kalokohan mo e!! Tsaka parang dika nadetention dati e-_____-" sagot ko sakanya
"Sige isumbong moko para malaman nilang nadetention ka at binastos ka ng mga gagong yun!! Osige magsusumbong kapa?!" asik neto habang pinapalo palo yung ruler nyang hawak sa kamay nya
He caught me off guard-____- Oo na hindi nako magsusumbong! Kasi namang nakakangalay na e~!! Ang hirap kaya! Brutal talaga si Kuya at pinagiisipan talaga yung mga parusa nya -____-
"Hello~!! Patapos na po yu-- Anyare sayo Sabrina?!" Eto na pala ang isang tukmol-_____- Kanina pa nandito yan eh Sabadong- sabado ay nanggu-gulo-______-
Inirapan ko sya "Tanong mo dyan sa Kuya ko!! Hindi pa yan nakaget-over dun sa nangyari sakin nung Wednesday e!" sigaw ko sakanya
Tinaas nya yung dalawa nyang kamay yung parang sumusuko "Woah! Hindi ako ang may gawa nyan sayo wag kang magalit sakin!!" sigaw nya. Tukmol talaga to -_____- Sinabi ko bang galit ako sakanya? Well naiinis lang ng konti
"Hoy Anthony! Wag mong kausapin yan! Pinaparusahan ko tapos dinadaldalan mo? Gusto mo pati ikaw magaya dyan?!" sigaw ni Kuya mula sa kusina
"Bespren naman! Ini-interview ko lang naman ng konti!!" sagot nito sabay kamot sa likod ng ulo nya. Takot din pala sa kuya ko-____-
"Pumunta ka nga ulit dito at tulungan moko!" sigaw nito
Inalis nito ang kamay nya sa likod ng ulo at nagpamulsa style nalang "Yan talagang Kuya mo feeling chef masarap na sana magluto e kaso panget lang talaga itsura ng niluluto nya. Wag kang maingay a.." sabi nito tsaka nya pa dinikit yung hintuturo nya sa labi nya
"Oi Anthony!! Ba't ang tagal mo?! May kung anong sinasabi kapa yata dyan e!!" muling sigaw ni Kuya Sean. Nakalunok lang ng Megaphone?
"Wala no!! Sige na pupunta nako dyan! Miss mo nako e! Gusto mo ng kiss?" sigaw nito habang naglakad na papunta ng kusina. Yuck! Bromance-____-
"Mangilabot ka nga Antonieta!! Nakakadiri ka!!" - Kuya Sean
"That nickname again?! Drop it Nathaniel!!" - Anthony
"Drop it-in kita dyan e!! Bilisan mo na nga lang!!" - Kuya Sean
At ayun! Dun nila tinuloy sa kusina ang pagtatalo nila sa mga nicknames nila-____- Grabe lang mga isip bata! Pero totoo yung sinabi ni Anthony! Masarap na sana yung luto ni Kuya e kadiri lang yung presentation -____- Yung tipo bang hindi kaaya-ayang tignan? Kaya nga mas madalas ako ang nagluluto saming dalawa e
BINABASA MO ANG
The Rich Girl is Acting as a Nerd
HumorIsang rich girl na nagpapanggap na Nerd?! Yeah! it's true! Pero paano kung sa pagpapanggap nyang ito makilala nya ang True Love nya?! Masisira ba ang plano nya o mas mapapabilis ang pagsasakatuparan nito?