Chapter 26: Fuse Santillian★

20.2K 489 7
                                    

Chapter 26

Sabrina's POV

"I would like to be that person. Let me teach you to like me then love me"

Parang tumigil ang mundo ko. Nabibingi ako sa tibok ng puso ko. Napaka ingay. Wala nakong ibang naririnig kundi yun lang. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko kahit nakaupo ako

"Ha?" tanging salita na lumabas sa bibig ko

"Aish! Forget about it!" sabi nya tsaka Pinaandar nya na ulit yung kotse. Kanina pa pala may mga sasakyang bumubusina sa likod namin. Habang sinasabi nya yung mga katagang yun parang sinasabi ng mga abong kulay nyang mata na 'Just give me a chance I'll prove it to you'

Nakakalusaw ang mga tingin nya. How I love to stare at those eyes all day. Aish! What am I saying?! Nababaliw kana ba?! Sweet words make girls fall inlove. But everybody knows that everything falls breaks. The world is so cruel-______-

Buong byahe ay walang nagsasalita samin tangging ang tugtog lang ng mp3 ng sasakyan ang maririnig. Hindi na din ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm just scared of what my decision may result. Nasaktan nako dati ayaw ko nang maulit pa yun

Tumigil ang engine ng sasakyan. Nandito na pala kami sa tapat ng bahay. Bumaba nako sabay nang pagbaba nya lumakad nako papuntang pinto samantalang sya ay kinuha nya yung mga binili namin kanina

Binaba nya yung dalawang malaking plastic bag sa harap ko tsaka nya ako tiningnan sa mata "Yung sinabi ko kanina Aish! Basta pagisipan mo nalang pero kahit sinabi ko yung mga yun walang magbabago satin! Your still my slave and I'm your master Understood?" tsaka na ito nagmartsa pabalik ng kotse nya tsaka na umalis

Ako naman ay naiwan lang sa tapat ng pinto at bahagyang nakaawang ang mga labi. Does he really mean that? Parang ang hirap paniwalaan na ang isang Chase Davidson ay tuturuan akong magustuhan sya at mahalin sya. Nalilito ako-_____-

Bumukas ang pinto sa likod ko "Oi Miss bawal tamabay dito!!" sigaw ng kuya ko. Aish! Wala talagang galang sa babae -_____-

Lumingon ako sakanya. "Miss kung magpapa-picture ka hindi pwede! Tsaka umalis kana at baka maabutan ka ng dragon kong kapatid at bugahan kapa ng apoy! Kaya shoooo! Shoooo!" sigaw pa nito. Ano daw?! Lait pa kuya! Perpekto ka?! Tae!!

Naningkit ang mga mata ko "Sinong Dragon?! Nilalait lait mo pala ako kapag nakatalikod ako ah! Ginawa mo pa talaga akong panakot sa mga leche mong fans!" sigaw ko sakanya tsaka ko sya tinulak at pumasok sa loob!

Hmph! Porket gwapo nilait lait nako?!! Wala pang patawad pati ako pinagtripan ah! Sarap ihambalos sakanya yung dos por dos eh!

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng maalala ko yung mga pagkain. Asaar! Panira ng walkout eh! Yun na yun eh! Ang drama na tapos kailangan pang balikan yung naiwan! Aish!

Bumalik ako sa labas. Nandun pa din si Kuya at medyo nakaawang pa ang bibig-_____- Pasukan sana ng langaw! Agad kong kinuha yung dalawang plastic kahit mabigat pero bago ako pumasok ay binaba ko muna yung dala ko

Sinara ko ang nakaawang na bibig nya "Yeah I look pretty in my new hair" sabi ko tsaka ko pinulot ulit yung dalawang plastic. Minsan lang mag maganda pabayaan nyo na no! Haha

★★♪★

"Sabrina is that you?!" bungad agad sakin ni Hannah. Aish! Alam nyo bang kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dahil sa buhok ko?! Parang nakakita lang sila ng alien! Leche-_____-

Tumango lang ako tsaka sinaksak yung isang headphone sa isang tenga ko. Kung alam ko lang na magiging ganito ang reaksyon ng sambayanang EU sana hindi nalang ako nagpakulay talaga ng buhok. Para lang akong taong takaw atensyon eh

The Rich Girl is Acting as a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon