Chapter 14; Movie Marathon:)

25.9K 546 38
                                    

Chapter 14

Sabrina's POV

"Bespren tara na!" hila sakin ni Hannah medyo bastos din no? Inaayos ko pa yung gamit ko e

"Ba't kaba nagmamadali nasa kabilang room lang naman last subject natin" tapos sinabit ko sa balikat ko yung bag ko Last subject na namin kasi

Tumigil naman sya sa paghila sakin Humarap sya sakin tapos hinawakan nya pa yung dalawang balikat ko "I'm just excited! I want to see you wearing that cute Apron!"tapos yinugyog pako!

Hayy! Etong babaeng to! Porket nabanggit lang ni Night yung tungkol sa pagbebake ko ng Pastries di na ako tinigilan! Gusto nya daw akong makitang nagbebake at dahil kung anu anong pagpapacute ang ginawa nya kaya napapayag nya ako tch

Tumango nalang ako sa gusto nya Hayy! Wednesday na wednesday kung ano anu pinapagawa sakin! Pero speaking of wednesday ano kayang gagawin namin ngayon sa PE? Last week Badminton Tch! Walang kwenta! Pang bata lang yun e! Parang dika man pagpapawisan!

"Tara na! Ayun na si Mam!" tapos hinila nya na naman ako papasok ng room

Pagpasok namin umupo na kami sa pwesto namin sa likod wala namang sitting arrangement dito e

Pero ang pinagtataka ko lang wala kaming sitting arrangement dito e bakit etong Monster nato ang katabi ko?

Tumingin naman sya sa akin kanina kasi nakatingin sya sa harap "Ba't nandyan ka nakaupo? Di ka naman dyan nakaupo dati a" tanong ko sakanya

Tiningnan nya lang ako ng masama tapos tumingin na ulit sa harap trip ng monster nato? Ang moody kahit kailan!

"Wag mo na akong hintayin mamaya wala akong iuutos sayo ngayon" sabi nya na hindi man lang inalis yung tingin sa harap tumango nalang ako wala din naman sya sa mood magsalita edi hindi na din ako magsasalita!

Tinuon ko na yung attention ko sa teacher "Class! I have a announcement!" sigaw ni Mam na prenteng nakaupo sa harap ng mesa sya

Umupo naman lahat ng classmates kong nakatayo at nakinig sa sasabihin nya

Tumayo sya sa harap ng lamesa nya ng nakapameywang "Magkakaroon tayo ng InterSection Basketball.."

Sabay sabay namang nagsigawan yung mga kaklase kong lalake yung iba nangbato pa ng papel sa mga babae tch

"Sandali hindi pa ako tapos!" sigaw ni Mam na piningot pa yung isa kong kaklase na tumatalon sa harap nya

Tumahimik naman ulit lahat "Hindi lang kayo boys ang maglalaro kaylangan may kasama kayong babae kahit isa lang" sabi ni Mam tsaka nya na binitiwan yung tenga nung classmate ko

Eh? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang klase ng basketball babae at lalake magkasama? Ang weird naman yata ng nakaisip nyan!

"Mam wala naman pong marunong magbasketball sa mga classmate naming girls" sabi nung classmate kong napingot habang hinahawakan yung tenga nya

Anong wala?! Ako kaya!! Ako marunong!! Pero masyado naman yatang alanganin kung sasali ako! Ako lang ang babae? OP naman ako sa mga lalake tapos pinandidirihan pa nila ako na parang ewan! Ano naman kayang nakakdiri sakin e naliligo naman ako! Huwag nilang sabihin na dahil nerd ako?

Tumayo si Ace "Sinong nagsabing wala?" Wow! Nagsalita din ulit ang tahimik nya simula kanina pero kung ano ano naman pinapagawa sakin nung break tch Ang weird no? Ang tahimik pag nasa room na pero pag kasama nako at yung iba Imba mag utos!

"Weh? Totoo meron nga? Sino?" sabi nung classmate kong napingot

Eto namang katabi kong si Ace kung makasmirk parang nakakaloko actually nakakaloko talaga! Ayaw ko ng smirk na yan! Yung tipong may hindi magandang balak yan!

The Rich Girl is Acting as a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon