Chapter 34: Revealed

18.8K 473 25
                                    

Chapter 34

Sabrina's POV

Palanding na ang helicopter na sinasakyan namin sa isang malaking bilog sa lupa na sa tingin ko ay nasa likod ng malaking mansyon. Nandito kami sa isa sa mga mansyon ng Evans sa Pinas. Gano nga ba kadami ang lupain namin? Hindi ko alam

Pagbaba ko ng helicopter (na hawak hawak ang laylayan ng palda ko dahil tumataas) ay may sumalubong agad saming babaeng nasa fifties na siguro at medyo naka-kunot noo. Sya siguro yung mayordoma

"Are you the young mistress?" tanong nya. Hindi nako nagtataka sa ganyang reaksyon nya, eh sa hindi ako mukhang mayaman ngayon eh, kasalanan ko ba? Tumango ako "Opo" sagot ko

Pinasadahan nya ako ng tingin simula sa ulo hanggang paa na nakakairita talaga tsaka nya binalik yung tingin sa mata ko at nakataas na yung kilay nya "Master Samuel is already waiting for you. Follow me" sabi nya tsaka tumalikod at naglakad na. Tss, sarap saksakin ng nakatalikod -_-

Sumunod nako sakanya kasama yung mga lalakeng naka-tuxedo. Pumasok kami sa malaking pinto mula sa likod ng bahay tsaka kami dumiretso sa elevator. Ba't tong mansyon nato may elevator yung samin wala? Unfair!

Bumukas yung elevator at tumambad samin ang magarang corridor ng mansyon, wala naman masyadong pinagkaiba sa mansyon namin maliban nalang sa mga armoured knights na nakatayo sa mga gilid

Lumabas na yung mayordoma kaya sumunod nako kasama yung mga lalakeng kanina pa nakasunod sakin. Huminto kami sa dulo kung saan may dalawang malaking pinto ang nanduon. Kumatok ng tatlong beses yung babae tsaka nya binuksan ito

Ngayon ako nalang magisa ang pumasok, naiwan yung mga kasama ko sa labas. Isang matandang lalake ang nakatayo at nakatalikod sakin, nakatanaw sya sa labas ng malaking glass wall

"Good afternoon Sir Samuel. I'm Sabrina Nicole" pakilala ko. Sabi kasi sakin nina Mama at Kuya yun daw ang tawag sakanya ng lahat, maski si Papa daw yun ang tawag sakanya. Grabe, strikto yata talaga tong si Lolo

Umikot paharap sakin si Lolo "I know. Sit down" sabi nya sakin tsaka sya umupo sa swivel chair. Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa nya, napalunok ako ng mapansing ino-obserbahan nya ang bawat galaw ko. Lo wag ganyan! Kinakabahan ako!

"B-bakit nyo ho ako pinatawag?" lakas loob na tanong ko, baka kasi pagwalang nagsalita samin ay bigla nalang akong bumaon sa lupa sa sobrang kaba! Nakaka-kaba!

"I'll be straight to the point. I know about your disguise and I want you to stop now" si Lolo Samuel

Kaya pala hindi man lang sya nagtaka na ganito ang itsura ko -_- Seriously, ba't ang seryoso nya? Parang kakainin nya ako ng buhay! Nakakatakot!

"Pero Lolo este Sir Samuel two weeks nalang po tatapusin ko na po ito, pwede po bang after nalang ng Golden Week?" ako

"No"

"Pero.." he cut me "One more thing.."

Napa-upo ako ng maayos at napalunok. Natatakot ako sa mga mata nyang parang nalilisik pero natatakot. Nagulat nalang ako sa sinabi nya, gusto kong mahimatay pero hindi ako mawalan ng ulirat, nanglambot ang katawan ko pati na din ang kalamnan ko

'Oh god' I mouthed

***

*The next day*

"Remember what I said, Sabrina" sabi ni Lolo Samuel habang kumakain kami sa mansyon nya "At wag mong sasabihin kahit kanino, it's our secret" dugtong nya pa

"Kahit po kina Kuya Sean?" tanong ko

"Yes even them at hanggat maaari wag mo munang isipin, act normal as if you don't know everything" sagot nya habang hinihiwa yung steak sa plato nya

The Rich Girl is Acting as a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon