Chapter 29: Special Delivery ✔

18.3K 453 38
                                    

Chapter 29

"Delivery sa school?" ako

Ang alam ko pagkain lang ang pwedeng ideliver dito sa loob ng school. Flowers and other things na walang kinalaman sa eskwelahang ito ay hindi pinayagang ipasok dito. Pano to nakalusot dito?

"Ah opo madame! Special delivery po kaya pinayagan ng school nyo na maideliver sainyo" si Manong Delivery Boy

"Special? Are you sure para sakanya yan?" si Ace

Sinamaan ko lang sya ng tingin at inirapan. Naknangfufu! Parang pinahihiwatig nya lang na hindi bagay sakin ang special treatments ah! Ang sama moooooo! Pakiusap wag nalang magsalita kung hindi din naman maganda ang sasabihin! Sarap istapler ng bibig mo!

Binaba ni Manong yung hawak nyang bulaklak sa mesa at may kung anong kinuha sa bag na nasa bewang nya at binasa yun "Opo Ser! Sabi po kasi sa description babaeng nakapony tail, madaming tagyawat sa mukha, pandak, may nerdy glasses at medyo maputla ang balat sa madaling salita PANGET po"

Sa bawat sinabi nyang panlalait sakin parang sinasaksak yung puso ko gamit yung kutsilyo tapos yung huli itak na ang gamit! Manong lumayo layo kayo sakin at baka ma sapak ko kayo! Ganda ng description ah! Sarap bangasan ng mukha nung nagsabi nyan!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" si Ace

Isa pa to! Tawanan daw ba ako?! Nilait lait nako tinawanan pako ng tukmol! Sarap mong ipasalvage promise! Pag nangyari sakanya yan papa party pako leche!

Hinarap ko si Manong na manghang mangha sa pagtawa ni Ace. "Pano po kayong nakakasiguradong ako ho yan Manong?" tanong ko sakanya

"Tinatanong pa ba yan?! Ikaw lang naman ang panget dito eh! Hahaha" sagot ni Ace na tawa pa din ng tawa habang pinupunasan yung gilid ng mata nya. Mukhang naiiyak na sya sa tawa

"Exactly Ser! Dyosa na po sana lahat ng babae dito maliban sainyo madame! No offense pero kayo lang po talaga ang panget dito" si Manong

Lalo pang tumawa si Ace. Wow manong ah! Nagsabi kapa ng 'No offense'samantalang kanina pa ako offense na offense dito! Maka dyosa sa lahat tapos sasabihin maliban sakin?! Batukan kita dyan eh!

"Kanino po ba nakapangalan yang delivery?" ako

"Sabrina Evans po" si Manong

Akin nga-___-

"Kanino naman yan galing?" tanong ni Ace na tumigil na sa pagtawa buti naman kundi talagang babangasan ko yang mukha ng halimaw na yan!

"Fuse Santillian po yung artista" si Manong

Oo alam kong artista sya kailangan pang sabihin? Baka mamaya may makarinig akalain pa nilang nililigawan ako nun noh!

"Mam pakipirmahan nalang po ito dito" sabi ni Manong na naglabas ng isang papel na mukhang resibo at tinuro yung Customers Signature

Kinuha ko naman agad yun at pinirmahan tsaka na sya umalis. Manong wag kanang bumalik dito ah at baka tuluyan na kitang bangasan! Grabe makalait tong si Manong at Grabe lang din makapag described tong si Fuse! Kung maka pandak! Konti lang naman! Hmpf!

Tiningnan ko yung bulaklak at baka may nakaipit na cash! Dejoke lang! Haha so ayun nga sinilip silip ko yung loob at may nakaipit ngang.. Letter! Sayang! Akala ko cash! Haha

Kinuha ko agad ito at binasa

Sabrina,

Did you liked the flowers? Anyway I just wanted you to know that from now on I'm courting you. I forgot to tell you this yesterday well just informing you.

The Rich Girl is Acting as a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon