Chapter 18
Sabrina's POV
Kuya is soooooooo OA!! Oo kuya ko sya pero iflood ba naman ako ng text para lang ipaalala ang paginom ko ng gamot? Sa pagkaka alala ko wala naman akong memory gap para makalimutan ko e
"Sabrina your phone is still vibrating.. Kanina pa yan a.. Sino ba yan?" - Hannah
"Kuya.. He keep on reminding me to take my medicine and he's flooding me of texts.." bulong ko kay Hannah
She just giggle and never ask me again. Syempre! Ayaw naming mapagalitan sa Terror na Filipino Teacher nato no! Konting bahing lang pupunahin kana nya!! Actually kasi kanina pa ako bumabahing at kanina nya pa ako pinagagalitan=___=
"Achoooooo~"
Ooooppsss! Napatakip ako ng bibig ko sabay ng pagtingin sa akin ni Mam Sibucao na kamukha ni Mam Kurdapya!
Naningkit yung mata nya "Binibining Sabrina! Sinabi ko naman sayo na pigilan ang pagbahing hindi ba?! Ilang beses ko bang uulitin pa yan?!" sigaw nya sakin
Pigilan daw=___= Kanina ko pa ginagawa yan e.. pero anong magagawa ko kagagaling ko lang sa sakit e! Magpaulan daw ba kasi
"Pasensya na-- Achoooooo~"
Naku po! Kanina nya pa ako sinisigawan e=___= Yung mga classmate ko halos hindi na huminga para hindi lang makagawa ng ingay!
"Hindi ka magandang halimbawa sa mga kapwa kamagaral mo!! Hindi ka marunong sumunod sa utos!!" patuloy na sermon nya sakin>____< Syete! Anong magagawa ko? Ang sakit na nga ng ilong ko na sigurado akong kanina pa namumula=___=
"Hoy tanda!! Sinisigawan mo ba sya?!" sigaw nung lalakeng nakatayo sa pinto
At nagsimula na din magbulungan ang mga classmate ko.. Anong ginagawa nya dito? May klase sya ngayon diba?
"Ah-eh H-hindi po Pinagsasabihan ko lang po sya.." mautal utal na sagot ni Mam
"Pinagsasabihan?! Baket anong ginawa nyang masama?!" patuloy pa din sya sa pagsigaw habang palapit kay Mam
"K-kasi po.."
Bigla nalang tumayo si Ace sa kinauupuan nya sa likod ko kaya napunta lahat ng atensyon sakanya.. Naglakad sya papunta sa harap at hinila palabas ang Kuya kong pasaway=___=
"Anong problema ng Kuya mo?" bulong sakin ni Hannah
"Ewan ko.." sagot ko
Nakahinga naman ng maluwag si Mam sa pagalis ni Kuya at Ace sa room.. Si Finn naman nanatili lang sa upuan nya na parang walang nangyari
"Ba't pumunta dito si Prince Sean?" - C1
"Oo nga.. Madalang lang yun pumunta dito sa 3rd year building diba?" - C2
"Tsaka ba't nya pinigilan si Mam? Sinong pinagtatanggol nya?" - C3
Lechugas! Nasanay nako sa pakikinig sa mga side comments ng mga classmate kong 'to=___=
"Achoooooo~"
And here I go again=___= Napunta naman ngayon lahat ng atensyon sakin tapos nagbulungan na naman sila.. Ba't ang daming chismoso at chismosang tao dito.. Diba pwedeng mind your own business nalang?
"ANONG TINITINGIN TINGIN NYO?!" sigaw ni Hannah kaya nagiwas na ng tingin ang mga taong nakatingin samin or should I say sakin?
"Thank you.."
Nagsmile lang sya sakin at nilingon si Finn na busy sa cellphone nya.. Siguro katext na naman nya yung isa sa mga babes nya=____=
"May problema ba?" tanong ko kay Hannah
BINABASA MO ANG
The Rich Girl is Acting as a Nerd
HumorIsang rich girl na nagpapanggap na Nerd?! Yeah! it's true! Pero paano kung sa pagpapanggap nyang ito makilala nya ang True Love nya?! Masisira ba ang plano nya o mas mapapabilis ang pagsasakatuparan nito?