Chapter 32: Official Kiss

19.3K 471 6
                                    

Chapter 32

"Oy! Oy! Ace san moko dadalhin?! Palabas na tayo ng school oh!" sigaw ko sakanya habang hinihila nya ako papunta sa kung saan

Nilingon nya ako tsaka nya nilagay ang hintuturo nya sa labi nya sabay "Sssh" Ano na naman pong trip ni Ace?! Magla-lunch na dapat ako MAGISA nang hinila nya ako mula sa canteen

Nakalabas na kami ng EU at nalagpasan na namin ang mga shunga-shungang guard na hindi man lang kami napansin. Yung totoo nalagay pa kami ng guard kung manunuod lang sila ng 'Be careful with my heart' sa tv

"Alam mo nakaka-ewan na talaga to" sabi ko

"Nakaka-ewan ang alin?" kunot noong tanong ni Ace habang pumapara ng taxi

"Ewan. Gusto ko lang sabihin yun"

"Gutom lang yan. Pasok" sabi nya sabay tulak sakin papasok ng taxi ng buksan nya yung pinto. Sya kaya yung itulak ko papasok ng bawat kotse na sasakyan namin no! Ang sakit nya kayang manulak!

"Manong sa harap ng Perez High" sabi ni Ace sa driver tsaka na umandar. Taga-EU kami tapos pupunta kami sa PH? Ang pagka-kaalam ko magkalaban ang EU at PH

"Uy, anong gagawin natin sa PH?" tanong ko sa katabi kong pacool lang. Kung magpacool kala mo napaka lakas ng aircon ng taxi

"Basta" napaka habang sagot nya. Anong basta?! Hinila nya ako palabas ng school tapos basta?! Lokohan ba to?! Sarap itakin ng mukha nito! Ay wag pala sayang mukha

"Sandali lang naman tayo dun diba? Malapit nang magsimula yung sunod na klase natin"

Nilagay nya yung siko nya sa may gilid ng bintana tsaka nya pinatong yung pisngi nya sa kamao nya "We'll ditch class" sagot nya na parang ordinaryong bagay lang sakanya

"Ginagago mo ba ako?" ako

"Minu-mura mo ba ako?" sya

"Well obviously yes. Ta-tanungin kita ulit. Ginagago mo ba ako?"

Naningkit ang mapu-pungay nyang mata. Sandali, san ko naman napulot yun? Tss "You'll shut up or I'll kiss you?" sabi nya

Napatakip ako ng bibig ko at napaisod palayo sakanya. Nagi-ging pervert na talaga si Ace pagtumatagal! Waaaah! Nakakatakot na syang kasama! Ayoko na sakanya!

"Tss. Don't act as if luging-lugi ka" sabi nya habang nai-iritang nakatingin sakin

Ba't ba kasi nagpahila ako sa mokong nato? Dapat nasa canteen ako ngayon at tahimik na kuma-kain ng lunch ko ng MAGISA! Ugh! Ba't ba kasi sabay sabay silang naga-aya tapos pagsinama ko lahat, parang mga tangang magbabatuhan ng masasamang tingin! Ay ewan!

Tumigil na ang taxi sa tapat ng isang cafe sa harap ng PH. Bumaba na si Ace kaya sumunod na din ako sakanya. Isang malaking 'Sweet Like Lollipop Café' signage ang sumalubong sakin pagbaba ko ng taxi

"Ba't tayo nandito?" tanong ko

Yung kausap ko papasok na pala ng café. Asar iniwan akong mukhang tanga, kaya sumunod na din ako. Isang sweet type cafe na color baby blue, white at light purple ang theme. Ang cute naman dito walang pink hihi.

"Ba't tayo nandito?" tanong ko ulit pero ngayon sinigurado ko nang maririnig ako ni Ace, leche din kasi to eh

Bumuka na ang bibig ni Ace at magsa-salita na ng may boses ang sumingit sakanya "Chase, is that you?" tanong ng mala-anghel na boses

Napalingon kaming dalawa mula sa entrance. Isang babaeng kulot ang dulo ng buhok, naka-uniform ng PH at may napaka gandang mata ang nakatayo dun at medyo naka-ngiti, yun lang parang pilit ang ngiti. Pero Artista ba 'to o Anghel man lang? Grabe, daig nya pa si Barbie sa ganda nya

The Rich Girl is Acting as a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon