Chapter 33
Sabrina's POV
Hinga. Hinga. Hinga
Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa tuhod ko at huminga ng malalim "Sabrina naman kasi anong gulo na naman pinasok mo?! Aish!" sigaw ko sa sarili ko
Pabalibag kong inupo ang sarili ko sa may grassland sa likod ng school. Sinandal ko ang katawan ko sa malapad na katawan ng puno. Isang linggo at dalawang araw na ang nakalipas simula nung nangyari yung kiss at isang linggo ko na din iniiwasan yung tatlo
Nung makasalubong ko si Ace at Fuse kanina kasama sina Finn agad akong tumakbo palayo tapos bigla ko pang nakasalubong si Night na hinabol habol pako kaya eto ang bagsak ko. Pagod na pagod ako
"Darn. Ba't kasi classmate ko pa yung dalawa? Ang hirap umiwas" bulong ko habang pinagma-masdan yung pag-sway ng mga dahon dahil sa hangin
Umiiwas ako dahil nagui-guilty ako. Nakipag date ako kay Fuse at Night after nung nangyari dun sa fountain at may nalaman ako sa sarili ko,kaya eto ako sobrang nako-konsensya. Hayy!
Idagdag mo pa ang katotohanang pagpumili ako ng isa sakanila ay masasaktan yung dalawa. Isipin mo nalang kung gaano ko sisi-sihin ang sarili ko pag umiwas at nakikita kong malungkot yung dalawa. Napaka hirap ng parte ko dito. Ba't bigla kasing naging harem ang kwentong to? Asaar!
"Sabrina"
"Ay guilty!" sigaw ko habang napa-alis ako sa pagkakasandal ng puno. Pagharap ko nakatayo pala sa harap ko si Fuse at naka-ngisi pa. Etong lalakeng to pasulpot sulpot kung saan saan!
"Guilty? Sabi na nga ba eh" sabi nya tsaka umupo sa tabi ko
Napakunot noo ako "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko tsaka ko binalik yung tingin ko sa taas
"Kaya ka umiiwas kasi nagui-guilty ka no?" sabi nya
Hindi ako sumagot. Gusto ko mang itanggi pero ayokong magsinungaling dahil lalo lang ako mako-konsensya at baka hindi ako patulugin nito ng ilang linggo! Makulit pa naman ang konsensya ko at pati sa panaginip ko ay sinusundan ako
"Sabrina"
"Hmmm?"
"Alam mo bang mas nasasaktan kami ngayong umiiwas ka?" si Fuse
Napalingon ako sakanya, nakatingin pala ito sakin tsaka sya nag-angat ng tingin. Muli, hindi ako sumagot. Alam ko namang hindi lang ako ang nahihirapan eh pero kasi.. mabigat sa loob ko
"Please, wag mong intindihin kung masaktan man kami. Mas gugustuhin kong masaktan ako basta masaya ka lang" dugtong nya habang nakatingin sa kawalan. Nagpakawala ako ng malalim na hininga tsaka ko binalik ang tingin ko sa taas
"Hindi ka kaya maging masokista nyan?" pabirong tanong ko which is half true. Pano ka magiging masaya kung may masasaktan ka?
"Makakahanap pa naman siguro ako ng katulad mo kung sakaling hindi moko piliin diba?" sagot nya
'Oo naman' gusto ko sanang isagot yan pero mas pinili kong hindi nalang sumagot ulit. Parang kinumpirma ko lang kasi nun na hindi nga ako mapupunta sakanya
Tumayo sya at pinagpag ang sarili nya. Pinanuod ko lang ang ginagawa nya nang iabot nya yung kamay nya "Tara na?" naka-ngiting tanong nya
Inabot ko din ang kamay ko tsaka tumango. Sabay na kaming nagla-lakad ngayon ng mapansin ko yung mga estudyante na may kanya-kanyang hawak ng magazine tapos magbubulungan at magtitilian. Break namin kasi ngayon kaya kalat ang mga estudyante
Pagdating namin sa room ni Fuse ganun din ang nangyayari. May kanya-kanya silang magazine na hawak na parang may kinikilatis. Natigil ako sa pagtingin sa paligid ko ng tawagin ako ni Hannah. Hayy, pati kay Hannah umiwas din ako ng bonggang-bongga!
BINABASA MO ANG
The Rich Girl is Acting as a Nerd
HumorIsang rich girl na nagpapanggap na Nerd?! Yeah! it's true! Pero paano kung sa pagpapanggap nyang ito makilala nya ang True Love nya?! Masisira ba ang plano nya o mas mapapabilis ang pagsasakatuparan nito?