Kabanata - 1 ( Sleepwalker )

1.5K 68 13
                                    

Lumaki akong hindi nakasama ang aking mga magulang. Sanggol pa lang ako ng iniwan ng aking ina sa aking lola.

Nabuntis ng isang may asawang lalaki si mama na nakilala niya sa kanyang pinagtatrabahuan bilang masahista.

Dahil sa hindi pinanagutan nito si mama ay nagbanta itong guguluhin niya ang buhay ng aking ama hanggat hindi siya nito binabayaran ng halagang gusto niya.

Mayaman siguro ang aking ama kaya tumira si mama sa isang magarang apartment sa maynila noon sabi ng aking lola na hindi man lang nakaalam na nabuntis ang aking ina kung hindi pa nito ipinaalam na siyay nanganak na.

Lumuwas mula sa bayan namin sa Bataan si Lola para lang magpasundo si mama at uuwi ito kasama ako. Hindi na nakuhang magalit ni lola sa nangyari sa kanya kundi tanggapin na lang. Kasama ang aking isang tiyuhin na kapatid ni mama ay nakauwi na nga kami.

Pero ang ikinabigla nila ay ng kinaumagahan sunod na araw ay wala na ito. Nagiwan lang ng sulat at kaunting pera para sa gatas ko raw. Muling binalikan ni Tito Al ang tinitirhan ni mama pero wala na ito.

Mula noon ay wala na silang naging balita dito....kaya ako ay naiwan sa pangangalaga ng aking mabait na lola at tiyuhin kasama ang kanyang pamilya kung saan may dalawa akong pinsan na mababait din sa akin.

Si Tito Al ang nagsilbi kong ama at asawa nitong si Tiya Erma ang kinilala kong ina.

Masayahin daw akong bata noon sabi ni lola dahil hindi ako iyakin tulad ng iba....nagugulat na lang daw sila kapag minsan ay parang may tinitignan ako, kinakausap bagamat hindi pa marunong magsalita, tatawa na parang may kalaro kahit magisa at higit sa lahat ay sa edad na isat kalahati ay nakakapaglakad na ako ng maayos.

Madalas din daw nila akong makitang sa hatinggabi na nakaupo sa aking kuna na pero nakapikit naman.

Habang lumalaki ako ay ganoon daw palagi ang naoobserbahan nila sa akin bilang isang bata.

Hanggang ang isang pinaka naalala ko na nangyari noong ako ay limang taon na ay bumalik ang aking ina. Hindi ko siya kilala wala din siyang amor sa akin kaya umalis din siya at di nagtagal. May pamilya na daw siya at may isa ding anak na apat na taon at sa Maynila nakatira pero hindi niya sinabi kung saan.

------------------------------------------------------
Maayos naman ang aming buhay ng lumalaki ako. Si Lola ay may sari-sari store sa tapat ng aming bahay. Si Tito Al naman ay isang private driver ng isang mayamang pamilya sa aming bayan. Minsan ay wala siya dahil madalas nasa Maynila ito dahil isang negosyante ang kanyang among lalaki. Si Tita Erma naman ay isang kindergarten na guro kung saan siya ang aking naging guro at sa kanya ako natutong magbasa. Matanda sa akin ng limang taon si kuya Janus at ate Kath ng tatlong taon.

Noong ako ay limang taon na yata sa aking pagkaalala,  palagi akong sinasabihan ni lola na.

" Andro apo.....bumangon ka na naman kagabi....buti na lang nagising ako."

" Pasensya na po lola....hindi ko po talaga alam."

" Tulog kasi apo....hindi mo malalaman.....hindi ka naman makakalabas sa silid natin dahil doble na ang mga seradura nito."

" Salamat po lola."

" Kung dati ay hindi ka makapaglakad dahil sanggol ka pa na uupo lang pero nakapikit noon pero ngayon iba na apo.....alam ko wala kang matandaan sa nangyayari pero delikado lalo na ng minsan ay nakita ka ng tito al mo na palabas na ng bakuran ng hatinggabi."

" Lola bakit po kaya ganun?"

" Hindi ko rin alam apo....pero sa kalagayan mo ay meron talagang ganyan....sleepwalker yata ang tawag sabi ng tita erma mo."

" Ganun po ba....lola alam nyo po....maski po hindi ko alam na akoy naglalakad ay hindi ko po maintindihan ang panaginip ko kasi madami po....iba-iba at sa aking pag-gising ay naalala ko...pero pag akoy natulog muli ay wala na akong maalala."

" Marahil bunga lang iyan siguro ng imahinasyon mo apo.....mahilig ka kasing manood ng mga palabas sa tv.....bakit hindi mo subukang makipaglaro sa mga kaedad mo sa labas ng bakuran."

" Ayoko po lola....dito na lang po ako....naglalaro naman po kami ni Ate Kath pagkagaling niya sa school."

" Bakit ayaw mong kalaro mga bata sa labas?"

" Natatakot po sila sa akin....kasi may kaibigan daw akong momoo."

" Ha?! Bakit?!"

" Pag asa labas po kasi ako....may iba pang bata ako nakikita....kinakausap nila ako na gusto nila makipaglaro sa amin.....hindi sila naniniwala....ayun po lumalayo na sila sa akin kasi natatakot sila sa akin....sabi pa nila baliw ako."

" Hindi ka baliw apo! Tandaan mo yan! Kung ayaw ka nilang kalaro dito ka na lang andyan naman ate kath at kuya janus mo!"

" Opo lola."

Kaya mula noon ay hindi ako masyadong lumalabas.....pero ng nag-aral na ako ng elementary ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan na kaklase ko....kaya nakakapaglaro na ako na may mga kasamang bata. Pero hindi nawala ang ibang bata na nakikita kong humahalo sa paglalaro namin dahil alam ko na sila ay mga hindi nakikita ng mga kalaro ko....hindi kasi nakatapak ang kanilang paa sa lupa....para bang nakalutang sila ng ilang dangkal at lumulusot sa katawan nila ang mga kalaro ko samantalang ako ay umiiwas sa kanila. Pero ng tumagal ay hindi na lang mga bata ang nakikita ko pati na rin ibang edad.....babae man o lalaki....isa lang katangian nila....hindi nakasayad ang kanilang walang mga sapin na paa sa lupa, at ang bilog ng mata ay lahat kulay itim."
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE THREE DOORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon