Kabanata - 2 ( Lost Soul )

1K 53 10
                                    

Habang lumalaki ako at nasa elementarya pa rin ay mas naging iba na ang aking mga nakikita. May mga bagay akong nakikita na maging sa panaginip ay sinusundan ako.

Sa school, sa bahay at kahit saan man ako mapunta ay may nakikita akong hindi nakikita ng pangkaraniwang tao.

Ang lahat ng ito ay sinasabi ko sa lola ko. Pero sabi niya ay huwag ko na lang daw pansinin. Maging sina tito at tita ay nahihiwagaan sa sinasabi ko at tanging nasabi nila ay baka daw may third eye ako.

Mas lalo pa akong nahihiwagaan dahil isang beses ay kinakausap na ako ng ako ng mga nakikita kong ligaw na kaluluwa kung ilarawan ni lola.

Maging sa school ay bigla na lang siyang nagpapakita sa akin. Doon ko nalaman na ang mga nakikita kong kaluluwa ay mga kaluluwang hindi nila natanggap ang kanilang kamatayan kaya sila ay nanatili dito sa mundo mula noong hindi sila sumama sa kanilang tagasundo.

Bago ako tumuntong sa edad na labingtatlo ay isang kaluluwa ang tila naging kaibigan ko na. Siya si Uriel na isang babaeng kaluluwa na kaedad ko. Nalaman ko rin na  hindi na niya alam o wala na siyang alaala ng kanyang nakaraang buhay.

" Uriel......hindi na ba kayo makakaalis dito sa mundo ng tao?" Tanong ko kay Uriel minsang mag-isa ako sa isang bench sa aming paaralan kung saan malapit na akong magtapos ng elementarya.

" Hindi ko alam andro....ang tanging alam ko ay hindi ako sumama doon sa tagasundo. Natakot kasi ako dahil ayokong umalis dito sa mundo. Kaya noong sinundo niya ako dahil  takdang oras ko na ay lumayo ako sa liwanag."

" Ano ba ang itsura ng tagasundo?"

" Malaki siya at ang kanyang damit na mahaba ay matingkad na itim at  pati ang kanyang malaking pakpak. Tanging ang kanyang mahabang buhok, mukha at mga kamay ang maliwanag. Ngunit sa sobrang liwanag ng kanyang mukha ay hindi mo ito mamumukhaan kung babae o lalaki."

" Grabe para palang anghel sila."

" Hindi siguro sila anghel....tagasundo daw sila. Kaya heto hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito sa mundo. Basta ang alam ko ay may hangganan pa rin ang pagiging ligaw na kaluluwa ng mga katulad ko. Pagkalipas daw ng isang milenyo ay maglalaho din kami dito sa mundo at muli kaming mapupunta sa limbo at muling ipapanganak."

" Ganun ba....parang reincarnation at totoo pala talaga."

" Sabi nung tagasundo ganoon daw talaga. Sa muling pagkabuhay ng tulad kong ligaw na kaluluwa ay limot na ang lahat."

" Pero paano yung mga sumama sa tagasundo saan sila napupunta?"

" Hindi ko alam andro.....baka sa langit o impyerno."

" Ganun ba yun? Pag naging kaluluwa ka na ay may karapatan ka pa ring mamili ng gusto mong puntahan?"

" Marahil ganun nga....kaya nga may mga nilalang kayong nakakasama dito sa mundo at mga kaluluwang ligaw tulad ko at bihira ang isang tulad mo na nakakausap kami. Pero alam ko na may mga namatay na tanggap nila ang lahat kaya sila ay sumasama sa tagasundo. Pero meron namang hindi nila tanggap ito. Dala namin ang alaala ng nakaraan naming buhay hanggang ngayon kaya wala kaming katahimikan hanggat hindi dumarating ang isang milenyo sa buhay namin. Yung iba marahil sa oras na sila ay sumama na sa tagasundo sa lugar na patutunguhan nito ay doon na huhusgahan ang isang kaluluwa. Doon ay hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa mga kaluluwang iyon."

Sa sinabi ni Uriel ay naintindihan ko maski papano kung bakit may mga ligaw na kaluluwa sa mundo. Magtatanong pa sana ako kay uriel ng may tumawag sa akin ang dalawa kong kaibigan na si Reden at Paula. Sila ang tanging kaibigan ko na nasasabihan ko sa mga bagay na aking nakikita o nararamdaman. Mabait sila at ako ay naiintindihan nila dahil sila man ay naniniwala na may mga taong katulad ko na may kakayahang kumausap ng mga nilalang na hindi nakikita ng pangkaraniwang tao.

" Andro! Sabi na nga ba at nandito ka na naman at malamang kausap mo ang imaginary friend mo."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Reden. Hindi nila nakikita si Uriel pero nakikita sila nito.

" Tapos na ang recess tayo na sa classroom." Pag-aya ni Paula.

Nang makatapos ako ng Elementary at buwan ng Abril 6 biyernes santo kaarawan ko at labintatlong taon na ako ng magsimulang maranasan ko ang isang bagay na akala ko ay panaginip lang.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy........
------------------------------------------------------

THE THREE DOORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon