Kabanata - 6 ( Amiel )

711 47 14
                                    

Nahiga na ako para matulog....ngunit nakaramdam ako ng uhaw kaya muli akong lumabas ng kuwarto para kumuha ng tubig at muling bumalik muli sa kuwarto.

Pagbukas ko ng pinto ay halos mapasigaw ako sa gulat sa aking nakita. Gusto kong sumigaw pero walang lumabas na tinig sa aking bibig.

Nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa kama at tulog. Kinilabutan ako hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Kung dati naglalakad ako ng tulog, bakit ngayon ay naglalakad ako pero nasa higaan ang katawan ko. May takot akong naramdaman habang nilalapitan ko ang katawan ko. Patay na ba ako? Ano itong nangyayari?. Umupo ako sa tabi ng katawan ko at pinagmasdan ito na mahimbing na natutulog. Ginawa ko ay humiga ako sa katawan ko bakasakaling makabalik at magising na ako. Ngunit hindi ako makabalik dahil pag bumangon ako ay naiiwan ang katawan ko.

Hanggang isang tinig ang narinig ko. Isa itong lalake at nakita ko na tila anino ito sa may likod ng kurtina na nakatayo.

" Baguhan ka pa nga! Hindi mo pa alam bumalik sa katawan mo!"

" Sino ka?! Bakit andyan ka, paano ka nakapasok dito sa kuwarto ko kuya?!"

" Ako si Amiel isa akong Spirit Guardian."

" Spirit Guardian? Ano yun?"

Nabigla ako ng makita ko na ang anyo ni Amiel Kahit medyo madilim sa aking kuwarto ay kitang kulay abo ang suot nitong cloak at tanging makikita ang nagliliwanag nitong mata at bibig. Matangkad ito na halos pitong piye.

" kung may Guardian Angel ay mayroon ding Spirit Guardian."

" Anong kaibahan ninyo sa Guardian Angel?."

" Kaming mga Spirit Guardian ang pumuprotekta sa inyong mga katawan sa mga tulad mo. May kakayahan kang maihiwalay ang ispirito sa katawang lupa mo at nagsimula yan ngayon. May kakayahan kang mga kakaiba at isa na ang ganyang bagay. Sa mundo ng mga tao ang tawag ay Astral."

" Parang nakarinig at nakabasa na ako ng ganyan....bakit ninyo pinoprotektahan ang katawan ng mga taong may kakayahang tulad ko?"

" Sa dahilang maaring may ibang gumamit ng katawan ninyo na ibang ispirito. Maari itong mabuti o masama. At ang malala pa ay hindi kana makabalik sa katawang lupa mo."

" Kung ganun kayo ay mga taong tulad ko lamang ang pinoprotektahan?"

" Tama....kapag umaalis kayong mga ispirito sa katawang lupa ninyo ay saka kami dumarating para bantayan ito. Ang mga Guardian Angel naman ay para sa mga normal na tao lamang. Sila ay nagbabantay kapag tulog ang isang tao o kaya gising. Pinoprotektahan nila ang mga tao laban sa kapahamakan na gawa o sanhi ng kapabayaan ng tao lalo na kung hindi pa nila oras na pumanaw. Pero kapag nakatakda na nilang lisanin ang mundo. Ang tagasundo na ang malapit sa taong susunduin patungo sa lagusan."

" Kung ganun pag gising ba ako ay may guardian angel ako? Kung umaalis lang ba ako sa katawan ko saka ka dumarating?"

" Sa pagkakataong nakatulog ka ay saka ako darating. Kapag humiwalay ka sa katawan mo saka mo ako makikita at makakausap."

" Pero wala pa akong nakitang guardian angel ng mga tao o sa akin mismo."

" Hindi sila nagpapakita sa tao o sa mga tulad mo. Katulad sila ng mga warrior angels, sila ang mga mandirigma ng langit na pumupuksa o lumalaban sa mga kasamaan. Ngunit ang mga guardian angel ay tagabantay lamang ng mga nilalang ng diyos na mga tao."

" Kayo ba ay mga anghel din?"

" Mga Anghel din kami katulad ng mga warrior angels."

" Nakakamangha pala ang gawa ng panginoong diyos. Lahat balanse para sa kanyang nilikha."

" Tama....ngunit kung may kabutihan ay may kasamaan. Ito ang mga may likha ngmga hindi maganda at kaaya-aya sa mundo. Ginagamit nila ang tao para maghasik ng kasamaan. Isang halimbawa ng mga nilikhang masasama ay ang nasa labas ng bahay ninyo....iyong tignan para makita mo sila."

Agad kong tinungo ang bintana at nagulat ako at natakot sa sa aking nakita. Ibat- ibang uri ng kaluluwa ang nakita ko...may mga nakakatakot at meron ding hindi. Meron ding mga nilalang na hindi ko mawari kung ano. Agad akong umalis sa bintana at muling hinarap ang aking Spirit Guardian na si Amiel.

" Bakit maraming kaluluwa sa labas ng bahay? At ang iba ay nakakatakot na nilalang."

" Sila ang mga kaluluwang ligaw na walang katahimikan, ang iba ay mga kaluluwang hindi na makapaghintay ng isang milenyo, at yung mga nakalatakot na nilalang ay likha ng diyos ng dilim, ng kasamaan."

" Pero bakit nariyan sila?"

" Naghihintay sila ng pagkakataong makuha ang iyong katawan at gagamitin para muling magkaroon ng katawan. Mga katulad mong may kakayahang maglakbay ang ispiritu ang inaabangan at hinahanap nila. Pero dahil sa narito ako na tagabantay mo ay hindi sila makalapit. Protektado ng kapangyarihan ng diyos ang iyong katawang lupa."

" Pero meron bang tulad ko ang nasasakop nila ang katawan?"

" Meron....sila ang umaabuso sa kakaibang kakayahan...nagpapadala sila sa tukso ng kasamaan at ginagamit na nila ito sa masama. Kaya ikaw sana sa kabutihan mo ito gawin. Tandaan mo lahat may hangganan at kung anumang kakayahang meron ka ay maaring mawala. Tadhana din ang nagpapasya sa kahahantungan ng buhay mo dito sa mundo."

" Naiintindihan ko na.....pero paano ako makakabalik sa aking katawan?"

" Humiga ka sa katawan mo pumikit at damhin ang tibok ng iyong puso at dikta ng isipan kasabay ng pagdarasal sa lumikha ng lahat. Mararamdaman mo na kaisa mo na ulit ang iyong katawan saka ka dumilat."

Humakbang ako sa tabi ng katawan kong nakahiga sa kama. Umupo at dahan-dahang humiga sa aking katawan at pumikit. Ginawa ko ang sinabi ni Amiel na ayon sa aking nararamdang pagnanais na muling makabalik sa aking katawan. Nakaramdam ako ng biglang kakaibang enerhiya at biglang parang nguminig ang aking katawan kasabay ng pagdilat ng aking mga mata. Bumangon ako at naramdaman ko na ang aking katawan. Wala na si Amiel at wala na rin ang mga nilalang sa labas ng bahay.

Tumitilaok ang mga manok at pagtingin ko sa oras ay alas tres na ng madaling araw.

Muli akong nahiga....nagmuni-muni sa kung panaginip ba ang lahat o totoong nangyari sa aking ispirito.

Pumikit akong muli na ang nasa isip ay matulog muli at magpahinga. Kasabay ng isang dasal.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE THREE DOORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon