" Amanda ikaw nga!" Si tito na agad hinawakan ang aking namumukhaang ina. Agad itong bumitaw kay Tito na agad ikinagulat namin. Hindi niya man lang kinausap kami. Hinila na ang dalawang mas bata na dalawa na sa aking palagay ay aking mga kapatid.
" Ok ka lang iho?" Tanong ng lalaking kasama nila. Alam ko na ito ang asawa ni mama dahil tinawag siyang daddy ng dalawang mas bata sa akin at ng binatilyo na masama ang tingin sa akin.
" Amanda! Kausapin mo kami! Huwag kang tatakas sa amin! Wala ka bang konsensiya! Iiwasan mo na naman ang anak mo!" Sigaw ni Tito.
Nagulat ang dalawang bata sa narinig na tila naguluhan sa nangyayari.
" Umalis na tayo dito hon! Hindi ko sila kilala!" Si mama na hinihila na ang asawa nito.
" Kilala ka nila hon! May sinasabing anak mo!"
Pilit na hinihila ni mama ang kanyang asawa pati ang binatilyo na galit na galit na dinampot ang cp niya sa lapag ng sabihan ni mama na bibili na lang ng bago.
Hindi na kami humabol....maging si Tito at Tita na hinayaan na lang sila. Niyakap ako ni kuya at ate sa nakita nilang pangyayari.
Habang lumalayo sila ay mukhang nagtatalo si mama at asawa niya. Ngunit nagulat akong bigla na lang walang ulo ang asawa ni mama. Agad ko silang tinakbo, alam ko kasi na pangitain iyon minsan na akin ding nararanasan sa hindi inaasahang pagkakataon. Humabol pa sa akin sina Tito at Tita. Agad akong humarang sa harap ng asawa ni mama.
" Sir! Pakiusap po, mag ingat po kayo! Kung uuwi na po kayo, ibang lugar po ang daanan ninyo pauwi. Magpalipas po muna kayo ng mahabang oras dito."
" Ano bang sinasabi mo iho?!"
" Kakaiba kasi siya pare! May mga hindi pangkaraniwang nakikita siya na hindi normal sa mga karaniwang tao!" Sagot ni Tito.
" Huwag kang maniwala sa kanila hon! Bilis tayo na!"
" Huwag mong iwasan kami Amanda! Hindi mo kailanman matatakasan ang pamilya mo lalo na itong anak mo!" Sigaw ni Tito at turo sa akin.
Hindi nakasagot agad si mama....nasukol siya ni Tito.
" Wala akong anak na tulad niyan baliw! Sinabi mo may mga hindi normal siyang nakikita!"
" Umamin ka na hon! Anak mo ang batang ito! Matatanggap ko naman iyon!" Sagot ng asawa ni mama. Nasasaktan na ako sa sinabi ni mama.
" Baliw yan! Nagmana ka sa ama mong baliw walang kuwenta!" Pagduro pa ni mama sa akin. Napaluha na ako sa sinabi ni mama.
" Hindi po ako baliw mama......sa tingin ko po kayo ang baliw....wala pong matinong ina ang basta na lang mang-iiwan ng anak nila at itatakwil pa. Hindi po iyon normal na gawain ng isang tao lalo na ng isang ina." Sagot ko kay mama.
Sasampalin sana ako ni mama palapit sa akin ng biglang nagkagulo sa isang remittance center sa harap namin. Nagtakbuhan palabas ang dalawang lalaki, ngunit may nahuli pang isa pinaputukan niya ang nadapang guard sa lapag. Gumanti ng putok ang guard na nakadapa na nakaharap sa amin. Nabigla ako parang may mainit akong naramdaman sa bahagi ng aking dibdib. Naramdaman ko na lang na sinalo ako sa likod ng asawa ni mama na nasa likod ko. Nagsigawan ang mga tao, nagtakbuhan kung saan- saan.
Alam ko nakaramdam ako ng panghihina....nag-iba na ang aking paghinga. Napahawak ako sa aking dibdib at nakita ko ang dugo. Sa aking dahan-dahang pagpikit na tila dinadala ako kung saan ay naririnig ko ang sigaw at iyak nina tito, tita, ate at kuya.
.
.
.
.
Sa biglang pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko na nasa hospital ako. May mga aparatong nakakabit sa aking katawan. May mga doktor ay nurse na nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
THE THREE DOORS
ParanormalRank #51 in Paranormal 030117 Rank #20 in Paranormal 030217 Tatlong Pinto..... Saan ka dito.