" Huwag kang magkaila andro. May nakita ka....ganyan ang reaksyon mo lagi pag may nakikita ka." Si kuya janus na nag uusisa sa akin. Hindi na ako makatanggi...alam nila kung ano ako....ayoko na ding magsinungaling maski na alam kong matatakot sila.
" Nandito si Tito Josh kuya....nasa harap siya."
Nanlaki ang mata ni kuya na napatingin sa akin at napahawak sa dalawang bisig niya saka tinignan ang harapan maski wala siyang makita.
" Huwag ka na lang maingay kuya.....malungkot ang kaluluwa ni tito... Kaya andito siya dahil marahil isa na siyang ligaw na kaluluwa....hindi niya tanggap ang biglaan niyang pagkamatay....kaya tulad ni Uriel isa na din siyang ligaw na kakuluwa."
" Dioskuuupuu!"
Bulong ni ate kath na narinig pala pinag uusapan namin.
" Ate huwag kang matakot....hindi naman nang-aano si tito. Nakamasid lang siya sa nagaganap dito. Hindi ko muna siya kakausapin. Pero alam ko na alam niya na nakikita ko siya."
" Andro....pls sabihan mo siya huwag magpakita sa akin. Baka hindi ko kayanin."
" Ano ka ba?! Wala kang third eye tulad ni Andro! Hindi mo siya makikita!" Saway ni kuya kay ate. " Mararamdaman mo lang ang malamig na hangin!" Sabay tawa ni kuya. Kaya lalong natakot si ate at humawak pang lalo sa akin.
Nanatili si ate na nakadikit sa akin hanggang sa magpaalam na sina tito na kami ay uuwi na.
Habang naglalakad kami sa kalsada pabalik ay tahimik lang ako. Nakasunod sa amin ang kaluluwa ng kaibigan ni Tito. Nakalutang lang ito ng ilang dangkal sa kalsada at hindi humahakbang. Alam ko nakatingin siya sa akin bagamat puro itim ang kanyang mga mata. Iba na rin ang kanyang kulay sa mga buhay na tao. May iba pa akong nakitang tulad niya at ni Uriel mga ligaw na kaluluwa na gumagala sa gabi at maging sa umaga ay aking nakikita.
Pagdating ng bahay ay agad dumiretso ako sa aking silid. Sa sala naman sina ate at kuya para manood muna ng tv dahil alas diyes pa lang naman. Pero mga pang-mahal na araw ang mga palabas. Sa kusina naman si lola, tita at tito.
Pagpasok ko ay hindi na ako nagulat na makita roon si Tito Josh.
" Andro......alam ko nakikita mo ako."
Tumungo ako ng may bintana at binuksan ito doon ko kinausap si Tito na nakatayo lamang ng diretso. Mahina lamang ang boses ko ng magsalita dahil baka marinig ako ng mga kasama ko ay matakot lalo na si Ate.
" Opo tito....hindi ko po akalain na huling pagkakataon na pala nating magusap kagabi sa aking kaarawan. Nalulungkot po ako sa sinapit ninyo at sa nararamdaman ng pamilya mo."
" Nang maganap iyon kagabi ay tanging naramdaman ko ay mabilis na pagsalpok ng trak sa aking katawan. Wala akong naramdamang sakit kundi para lamang akong tumalsik. Ngunit iyon pala ay kaluluwa na lang ako ng maramdaman ko na tumalsik ang aking katawan. Sa kalsada ay nakita ko ang kalunos- lunos na sinapit ng aking katawan. Hindi ko matanggap.....ilang saglit lang ay may isang maliwanag na kamay ang tila umaabot sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya nakatalukbong ito dadalhin na raw niya ako sa lagusan papunta sa tore ng buhay."
" Iyon po ang tagasundo Tito....hindi lamang po ikaw ang nakikita ko na isa ng ligaw na kaluluwa. May isa po akong kaibigan na tulad mo rin si Uriel."
" Iyon nga ang sinabi niya sa akin na isa siyang tagasundo. Andro hindi ko matanggap ang biglaan kong pagpanaw."
" Kaya po hindi kayo sumama sa tagasundo....Tito alam nyo po ba na mananatili kayo sa mundo ng mga buhay na pagala-gala. Ligaw na kaluluwa na po kayo."
" Kakaiba ka nga talaga....alam mo ang mga bagay na iyan."
" Hindi ko nga rin alam tito kung bakit. Nagkaisip na lang ako na ganito ang aking kakayahang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng karaniwang tao."
" Tanggap ko na ang kinasapitan ko Andro. Hihintayin ko na lang ang isang milenyo para muling mabuhay sa mundo at muling maranasan ang mga bagay na nararanasan ng mga tao. Sabi ng tagasundo makakalimutan ko ang lahat sa muling pagkabuhay."
" Nasabi nga po iyan ni Uriel sa akin. Yung mga kaluluwang pumasok na daw doon sa lagusan ay saka na huhusgahan sa Tore ng Buhay."
" Tore ng buhay?"
" Opo....pero hindi ko alam maging ni Uriel ang kinahahantungan ng mga kaluluwa doon."
" Sa katotohanan po tito, ibat-ibang kaluluwang ligaw ang nakikita ko. Nakakaranas din ako ng kakaiba sa aking pagtulog na hindi ko namamalayan."
" Hindi ka ba natatakot sa akin?"
" Hindi po. Nag- iba man po ang inyong anyo kayo pa rin naman iyan. Pisikal na anyo lamang ang nawala sa inyo."
" Hindi na ako magtatagal dito Andro....nagpapasalamat ako at may tulad mong nakakausap ang mga tulad ko."
" Walang anuman po Tito. Nalulungkot man po akong sabihin ay ispirito na lang kayo. Anumang bagay na ginagawa ng buhay na mga tao ay hindi na po ninyo magagawa. Makakatagpo ka din ng mga ligaw na kaluluwa na tulad mo na patuloy na naglalakbay sa mundo habang hinihintay ang takdang oras para sila ay muling isilang."
" Yung mga masasama bang kaluluwa ay narito din sa mundo? Yung mga hindi pumasok sa lagusan?"
" Yung iba po....yung iba ay sumasama din sa tagasundo at hinuhusgahan na sa tore ng buhay. Yung nanatili sa mundo sila yung patuloy na may ginagawang hindi maganda kahit ispirito na lang. Sabi ni uriel ito yung mga kaluluwang labis ang galit, hindi nagpatawad, mga sakim na hindi nila tanggap ang kanilang kamatayan."
" Ganun ba? Mabubuhay din kaya sila pagkalipas ng isang milenyo?"
" Iyon po ang hindi ko alam. Maging si Uriel ay hindi niya alam."
Hindi rin nagtagal ay umalis na si Tito Josh. Tumagos lang siya sa dingding at mabilis na nawala ito.
Nagpalit ako ng damit at muling lumabas. Sinabihan ako ni ate kath na maaga kaming gigising para manood ng salubong at magsimba kinabukasan easter sunday.
.
.
.
Lumipas ang ilang araw na hindi ko nakikita si Uriel. Maging si Exekiel dahil hindi ko naranasan uling lumabas ang aking kaluluwa kapag ako ay tulog.Nailibing na rin si Tito Josh at nabalot ng pagdadalamhati sa araw mismo ng kanyang libing.
Kinagabihan habang naglalaro ako ng games aking cp. Biglang dating muli ni Tito Josh.
" Hindi ko maintindihan....bakit hindi ako makapasok sa aming bahay?"
Bago pa man ako makasagot ay lumitaw din sa aming harap si Uriel.
" Wala na kasi doon ang katawang lupa mo. Nailibing na, sa pasiyam doon ka muling makakapasok sa huling pagkakataon. Pagkatapos noon....hinding-hindi na. Tatanawin mo na lang ang iyong mga mahal sa buhay habang tinatangay ka ng hangin saan mang panig ng mundo. Mawawala din lahat ng damdaming meron ka sa mga mahal mo sa buhay hanggang dumating ang isang milenyo at bago ka ng tao muli na nabigyan ng pangalawang pagkakataong mabuhay." Sagot ni Uriel sa kanya.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE THREE DOORS
ParanormalRank #51 in Paranormal 030117 Rank #20 in Paranormal 030217 Tatlong Pinto..... Saan ka dito.