" Tore ng Buhay?! Ano yun?!"
" Isang lugar na hindi ko pa alam kung ano ang hitsura nito. Marahil nasa likod ito ng lagusang nakita ko. May ibang mga kaluluwa akong nakita na pumasok doon pero meron ding hindi katulad ko. Ang mga tagasundo ay nasa bungad lang at hinahayaang makapasok ang mga kaluluwa."
Naintindihan ko kung bakit hindi alam ni Uriel ang nasa kabila ng lagusang iyon dahil hindi nga siya pumasok doon at nanatiling ligaw na kaluluwa sa mundo ng mga buhay. Pero ano kaya ang nasa likod ng lagusang iyon lalo na ang sinasabi niyang Tore ng Buhay.
" Andro....alam kong kakaiba ka sa mga ordinaryong tao. Maraming hindi maipaliwanag na mga pangyayari sa mundo ang hindi mo pa alam. Marahil hindi pa panahon at darating ang araw ay malalaman mo ito at maiintindihan.... Hindi ka ba nangangamba o natatakot man lang?"
" Sanay na ako Uriel....sa katunayan....hindi lang tulad mong mga ligaw na kaluluwa ang nakikita ko....meron ding mga kaluluwang hindi matahimik akong nakikita...iba-iba kayong kaluluwa na nakikita ko....yung iba ay may mga poot sa mata sila yung nananakit sa tao."
" Tama ka Andro....sila yung mga taong hindi lubusang natanggap ang pagkamatay at sumumpa sa diyablo na maghihiganti sa mga tao kapalit ng kanilang kaluluwa."
" Sa katunayan....nakakaawa din sila Uriel... Dahil sa kagagawan ng tao noong sila ay nabubuhay kaya sila naging ganun."
" Marahil nga Andro....pero ako kahit hindi ko natanggap na akoy pumanaw na pero hindi ko hinangad na manakit o gumanti sa mga nanakit sa akin."
Napaisip ako sa sinabi ni Uriel....napagtanto ko na talagang mabuti siyang kaluluwa at mabuting tao noong siya ay nabubuhay pa.
" Yung tagasundo Uriel....ngayon lang ako nakakita ng ganun....isa na rin kaya ito sa mga kakaiba ko pang kakayahang hindi pangkaraniwan?"
" Marahil andro....labintatlong taon kana kaya siguro mas lumalakas at lumalabas pa ang mga kakayahan mo. Sa pagtagal mo pa sa mundo mas madadagdagan pa ito."
" Ha? Paano mo nasabi yan?"
" Dahil katulad mo rin ako noong ako ay nabubuhay pa. Nakakakita din ako ng mga kaluluwa noon at iba pang nilalang pero yun lang. Namatay na kasi ako ng labindalawang taon na ako. Sabi ni ina noon nakuha ko daw ang kakayahan ko sa kanyang lola. Naging manggagamot na ispiritwal daw yun noong kapanahunan nito."
" Kung nabuhay ka din siguro ng matagal Uriel baka katulad ka din ng lola mo."
" Hindi ko alam....marahil nga....sa susunod kong buhay sana yung tulad pa ring buhay ko noon masaya kasama ang aking pamilya....huwag lang ang mapait na pinagdaanan ko."
" Hindi na yun mangyayari Uriel....mabait ang Diyos... Marahil masayang buhay na ang naghihintay sayo."
Ngumiti si Uriel sa akin....lumapit siya na hindi humahakbang ang mga paa at nakalutang sa aking pagkakaupo sa kama.
" Paalam pansamantala andro, alam kong magpapahinga ka na. Akoy magpapagala-gala na muna kahit saan. Maligayang kaarawan sayo."
" Salamat Uriel."
Nang tumalikod si Uriel ay mabilis itong nakaalis sa harap ko at tumagos sa dingding sa may bintana. Pagdungaw ko ay wala na ito at sabay naman ng pag-alulong ng aso kung saan may nakita akong ilang ligaw a kaluluwa sa labas na napadaan lang sa aming lugar. Tumama ang malamig na hangin sa bintana kung saan nilalaro nito ang kurtina na humampas pa sa aking mukha. Inayos ko at tinalian sa gilid. Bukas lang ang bintana at panatag akong hindi ito isara dahil may screen at walang lamok na makakapasok sa aking kuwarto.
Nahiga na ako para matulog....ngunit akoy nakaramdam ng uhaw kaya muli akong lumabas ng kuwarto para kumuha ng tubig at muling bumalik muli sa kuwarto.
Pagbukas ko ng pinto ay halos mapasigaw ako sa gulat sa aking nakita. Gusto kong sumigaw pero walang lumabas na tinig sa aking bibig.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE THREE DOORS
ParanormalRank #51 in Paranormal 030117 Rank #20 in Paranormal 030217 Tatlong Pinto..... Saan ka dito.