Kaarawan ko bagamat biyernes santo ay ipinaghanda ako ni lola. Naroon din si Tito at Tita na abala sa pagluluto.
Sa aking handa ay wala lang putaheng may karne dahil biyernes santo. Bilang pagsunod sa kaugaliang kristiyano. Bisita ko ang dalawa kong kaibigan at ilang kapitbahay na bata.
Masaya ako dahil may regalo din silang ibinigay sa akin. Sa aking maliit lang na cake ay may malaking numero ito na trese ang aking edad. Nakita ko rin na naroon lang sa paligid si Uriel ang kaibigan kong kaluluwang ligaw. May iba pa akong nakitang kaluluwang ligaw sa loob ng bahay pero agad din itong nawawala at naglalaho marahil nadadaan lang sa lugar namin. Sanay na ako sa ganun, sa mata at itsura pa lang nila at paglalakad ay alam ko na kaluluwa na lang sila.
Hapon na nang matapos ang salo-salo at nagsiuwian na ang mga bisita. Tinulungan ko na sina tito at tita para magligpit pero pinigilan nila ako....sinamahan na lang ako ni kuya at ate at buksan ang aking mga regalo. Nang mabuksan ko lahat ay dinala na namin ang mga ito sa s
Kuwarto ko na ipinagawa ni lola katabi lang ito ng kuwarto niya sa baba kaya medyo lumiit ang kuwarto niya at nabawasan ng konti ang espasyo sa may sala. Sabi ni lola binatilyo na daw ako kaya dapat may sariling kuwarto na ako dahil si kuya at ate ay sa pangalawang palapag ay may saring kuwarto na din.Bagamat wala pa itong pintura ay malinis at maayos ito. May malaking bintana na yari sa capiz. May katre na rin ako na pangdalawahang tao at malambot ang kutsong nakapatong dito.
Nang maiayos ko ang aking mga gamit sa isang hindi kalakihang orocan cabinet ay lumabas ako muli para makipagkuwentuhan kina lola. Nasa harap sila ng tv at nanonood ng pang goodfriday na palabas. Si Tito naman ay nasa labas ng bahay at may kausap na sa tingin ko ay tatlong katao mga kaibigan niya at kumakain. Binati nila ako ng happy birthday at binigyan ako ng tigiisang daan ng tatlo kaya masaya akong bumalik sa harap ng mga pinsan ko na ipinakita ko tatlong daan. Inagaw agaw pa ni kuya pero naipasok ko agad sa bulsa ko.
Habang nanonood ng tv ay napatingin ako sa bintana dahil parang may nakaitim na dumaan hindi ko mawari kung ano iyon.
" Hala ano yun?!"
" Bakit?" Tanong ni Ate
" May nakita akong tila naka itim na matingkad na hindi ko mawari kung tao. Parang may pakpak siya na maliwanag.....hindi siya tulad nung nakikita kong mga kaluluwa."
Napahawak naman si ate kay lola kaya natawa sa kanya si kuya.
" Ano ba yan andro! Nakakatakot na....iba na naman yan nakita mo!" Si ate na medyo natakot.
" Hindi naman kita tinatakot ate... Sadyang nakita ko lang naman eh. Saka di naman ako nagsisinungaling sa inyo sa mga nakikita ko."
" Oo na nga....pls kung makausap mo yun huwag mong ipapahalata sa amin....kinikilabutan ako...yung kaibigan mo ngang Uriel ba yun....kinikilabutan ako pag nakikita kitang nagsasalitang mag-isa."
" Huwag kang matakot kay uriel ate..mabait na momoo yun...hindi siya tulad ng iba na parang walang emosyon. Itim man lahat ang mata ni Uriel ay ngumingiti siya."
" Maski pa....dioskuuupuuu buti na lang wala akong 3rd Eye!"
Nagpatuloy panonood namin ng tv habang nagkukuwentuhan naman sina tito sa labas ng bahay. Mga bandang alas nuwebe ay nagpaalam na ang tatlo para umuwi na. Malapit lang naman ang kanilang bahay at lalakarin lang. Tumayo pa ako sa pinto ng bahay habang tinatanaw silang lumabas ng bakuran. Nang maisara na ni tito ang trangkahan ay tumalikod na ito pabalik ng bahay. Ngunit hindi pa man ito nakakarating sa kinatatayuan ko ay isang malakas na sagitsit ng tila gulong ng sasakyan ang aming narinig at tunog ng malakas na pagkalabog ang sumunod saka malakas na sigawan ng mga tao na nasa kalsada pa sa oras na iyon. Agad tumakbo si tito at sumunod ako. Pati sina lola ay humangos din. Sa kalsada ay nagkakagulo na nagkumpulan ang mga tao sa gitna habang kinukuyog ang isang sasakyang trak na pinapababa ang sakay nito. Agad akong lumapit at nakipagsiksikan sa kumpol ng mga tao pati si tito. Nagulat ako sa aking nakita....ang isang kaibigan ni kuya...duguan sa tingin ko ay bali ang mga buto sa paa dahil parang nawala sa ayos ito. Malayo ang distansiya niya sa trak na nakabundol sa kanya. Dumudugo ang ulo at parang nabiyak ito....nangingisay siya na dilat ang mata....hanggang sa hindi na ito gumalaw....at nakita ko na lumabas ang kaluluwa niya sa katawan....agad siyang tinangay ng nakita kong nakaitim ngunit maliwanag ang pakpak at mukha kanina na bigla na lang lumitaw. Malikmata lang ay nawala na ito.
Dumating na ang mga pulis ambulansiya. Pati pamilya ng nabangga. Ang dalawang kaibigan naman ni kuya ay tila tulala sa nangyari. Narinig ko pa usapan na nahuling tumawid ang kaibigan nila dahil may kausap sa cp. Nasa kabila na sila ng makita nila itong nabundol na.
Maghahatinggabi na ng matahimik ang lugar.... Hindi agad kami natulog sa pagkabigla. Malungkot si tito sa nangyari at nasa morgue sila kasama ang dalawa pa niyang kaibigan.
Alas dose na ng matulog kami....sa silid ko ay naroon si Uriel.
" Nakita ko ang nangyari kanina."
" Nakakabigla....masaya pa sila nina tito na nagkukuwentuhan kanina."
" Oras na niya....at pag oras mo na hindi mo ito malalaman pati ng ibang tao."
" May nakita akong kakaiba kanina....naka itim siya na mahabang damit may pakpak at maliwanag ang mukha, buhok at mga kamay."
" Siya ang tagasundo."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy..........
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
THE THREE DOORS
ParanormalRank #51 in Paranormal 030117 Rank #20 in Paranormal 030217 Tatlong Pinto..... Saan ka dito.