Kabanata - 7 ( Josh )

708 48 24
                                    

Tumitilaok ang mga manok at pagtingin ko sa oras ay alas tres na ng madaling araw.

Muli akong nahiga....nagmuni-muni sa kung panaginip ba ang lahat o totoong nangyari sa aking ispirito.

Pumikit akong muli na ang nasa isip ay matulog muli at magpahinga. Kasabay ng isang dasal.
.
.
.
Isang mahinang katok ang gumising sa akin.

" Apo....gising na.....sabado de gloria ngayon. Gusto mo bang sumama sa mga tito mo?"

Agad akong bumangon ng marinig ko ang sinabi ni lola.
" Saan kaya sila pupunta." Tanong ko sa aking sarili.

Paglabas ko ng silid ay diretso ako sa kusina naghilamos at nagmumog. Nang maayos ko ang aking sarili ay humarap na ako sa hapag para sa almusal. Pumasok na rin galing sa labas sina tito at tita. Si kuya Janus at ate kath ay kaharap ko na rin sa hapag. Habang si lola ay abala pa rin sa paglagay ng almusal namin na sinangag,daing na bangus na may sawsawang suka,bawang paminta. Meron pa ring ibang pagkain tulad ng cake na natira sa handa ng bday ko kahapon.

" Tito saan po kayo pupunta?"

" Mag bisita Iglesia tayo ngayong umaga hanggang mga hapon. Tapos dadalaw tayo mamayang gabi sa burol ng tito josh mo."

Medyo nalungkot ako ng maalalang nangyaring biglaang pagkamatay ng kaibigan ni kuya. Napaisip ako habang kumakain sa isang gabi lang na aking kaarawan ay ang daming nangyari at aking nalaman.

" May problema ba andro?" Tanong ni Tita.

" Ah eh wala po...nakakalungkot lang po kasi. Kagabi lang kausap pa natin siya at masaya."

" Ganun talaga apo....hindi natin inaasahang mangyayari ang mga bagay sa mundo." Si lola.

" Ako man mama, nabigla sa pangyayari. Napakabuting kaibigan ni pareng josh. Mabuting ama siya sa kanyang pamilya. Nakakalungkot mga bata pa ang dalawang bata."

" Anong nangyari dun sa nakabangga sa kanya?" Tanong muli ni lola.

" Nakakulong na po....hindi ko alam kung anong areglong napagusapan. Mamaya po sigurong gabi pagpunta natin malalaman ko."

Matapos ang almusal ay naghanda na kaming mag bisita iglesia sa mga karatig bayan. Naiwan si lola at dalawang pinsan ko ay naroon na mga kapitbahay lang namin.

Paglabas ko ng bakuran ay nabigla ako sa pinangyarihan ng aksidente sa kalsada. May kandila at bulaklak doon at isang lalaki ang nakatayo. Si Tito Josh....iba na ang anyo niya maputla at itim na rin ang kanyang buong mata. Napatingin ako sa kanya at nagkatinginan kami. Nalungkot ako sa aking nakita....isang ligaw na kaluluwa na rin marahil si Kuya josh...hindi kaya niya natanggap ang kanyang pagkamatay at kaya narito ang kanyang kaluluwa.

" Andro! Anong tinitignan mo diyan?! Huwag mong sabihin may nakikita ka na naman?!" Si kuya janus na tinapik ako sa balikat dahil pinapasakay na ako sa trysikel.

" Ah eh wala...may bulaklak kasi at kandila doon sa kalsada."

" Nilagay ng pamilya ng tito josh mo kanina yan. May pari din nagpunta at nag bless diyan." Sagot ni tito.

Sumakay na ako sa loob dahil doon si tita at ate kath...sa likod si tito at kuya.
.
.
.
.
.
.
Hapon na ng makauwi kami ng bahay mga alas kuwatro. Nagpahinga ng saglit at kumain ng hapunan mga bandang alas sais. Summer na kaya ang alas sais ay medyo maliwanag pa. Habang kumakain kami ay nakita ko si Uriel na tumagos sa dingding ng bahay sa may sala. Lumapit siya sa amin habang kumakain at tumayo sa may likod ni ate kath. Napahawak ng bisig si ate kath.

" Ano ba yan tumayo balahibo ko! Andro may momoo ba dito?!"

Hindi ko sinabing nasa likod niya si Uriel at baka matakot si ate at hindi makakain at lalo na hindi makatulog mag isa.

" Wala ate....wala naman akong nakikita sa ngayon dito....baka guni-guni mo lang." Nakangiti kong sagot. Tumingin ako kau uriel na para sinasabing lumayo muna siya. Ngunit nakita ni lola ang reaksyon ko kaya napailing na ngiti na lang siya.

Mga bandang alas otso ay naghanda na kami papunta sa burol. Malapit lang ang bahay ni tito josh sa kabilang kalye. Kasama namin si lola na siyang gumawa ng bulaklak na dadalhin namin. Paglabas sa bakuran ay natigilan ako. Naroon pa rin ang kaluluwa ni tito josh. Samantalang nakikita ko din ang ilang kaluluwang ligaw na dumadaan sa lugar na iyon. Pero ang kaluluwa ni tito josh ay nanatiling nakatayo doon at tumingin sa akin.

Naglakad na kami na hindi ako nagsasalita ng anuman sa aking nakita. Lumingon ako sa likod at nakita ko na sumusunod sa amin na nakalutang ang kaluluwa ni tito. Hindi ko na lang pinansin at tuloy lang kaming naglakad.

Narating namin ang burol at sa harap pa lang ay maliwanag na dahil may toldang nakalagay at may mga nagbi binggo. Maging sa loob ng bakuran ay maliwanag at madaming tao. Sa loob ng bahay ay nakita namin na umiiyak pa rin ang asawa ni tito. Tahimik naman ang dalawang batang katabi nito na tila galing din sa pag-iyak. Naroon din ilang kamag anak nila. Humarap kami sa kabaong at dumungaw. Naiyak si tito at napahawak sa kabaong habang pinapakalma ng umiiyak ding si tita. Magbebestfriend kasi silang apat saka yung dalawang pang kaibigan nila na nakaligtas sa pagkabangga.

Tinitigan ko ang mukha ni tito....tila hindi nga masaya ang kanyang itsura sa loob ng kabaong marahil dahil sa biglaang pagkamatay. Hindi naman nakakatakot kundi tila malungkot ito...makikita din ang pasa sa mukha niti dahil sa tama sa sasakyan marahil.

Umupo na sina tito,tita at lola. Akoy naiwan pa ring nasa may kabaong. Nabigla na lang ako ng may lumapit na matangkad na lalaki. Pag angat ko ng tingin dahil nakadungaw ako sa kabaong ay napaatras ako ng konti...si tito josh ito at napatingin din ang puro itim nitong mata sa akin ngunit malungkot na ekpresyon. Nasagi ko pa ang isang bulaklak sa lapag kaya natumba ito. Nagkatinginan kami ni lola at alam ko na alam niya na may kakaiba ako nakita o naramdaman. Agad na akong lumayo sa kabaong at umupo katabi ng mga pinsan ko.

" Huwag kang magkaila andro. May nakita ka....ganyan ang reaksyon mo lagi pag may nakikita ka." Si kuya janus na nag uusisa sa akin. Hindi na ako makatanggi...alam nila kung ano ako....ayoko na ding magsinungaling maski na alam kong matatakot sila.

" Nandito si Tito Josh kuya....nasa harap siya."

Nanlaki ang mata ni kuya na napatingin sa akin at napahawak sa dalawang bisig niya saka tinignan ang harapan maski wala siyang makita.

" Huwag ka na lang maingay kuya.....malungkot ang kaluluwa ni tito... Kaya andito siya dahil marahil isa na siyang ligaw na kaluluwa....hindi niya tanggap ang biglaan niyang pagkamatay....kaya tulad ni Uriel isa na din siyang ligaw na kakuluwa."

" Dioskuuupuu!"

Bulong ni ate kath na narinig pala pinag uusapan namin.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy...........
-----------------------------------------------------

THE THREE DOORSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon