Brainless Q&A

1.7K 37 1
                                    

"May mahalaga akong ipagtatapat! Siya si Mich!", walang preno kong ani. Shemay, ganito talaga ako matense. Ah bala na, mabubuking na rin naman eh. Best friend ko naman siya.

"Nice to meet you.", simpleng sagot ni Av at nilahad ang kamay.

"Siya si Mich!", sigaw na ulit ko sa kanya.

"Oo nga kakasabi mo lang!", ganting sigaw niya

"Siya nga kasi yun! Si Mich!", eksaheradang sabi ko with matching biglang tayo at turo gestures pa.

"Ay leche! Alam ko nga. Taena Jus. Paulit-ulit tayo?", bakit? Hindi ba siya nahihiwagaan? Naguguluhan? Ba't tanggap niya agad-agad?

"So, Mich right? From where?", Kaya pala, napahilamos nalang ako, di niya din pala agad na gets.

"Siy-", at pinutol ako ni Mich

"Korea."

"Apelyido?"

"The sex doll."

"Daseksdal?", at tumango ang isa.

Halos himatayin ako sa usapan ng dalawang brainless. Pero nanahimik na ako.

"Kakalipat ko lang dito a year ago.", pagpapatuloy ni Mich.

"Huwaaaw! Galing naman, fluent ka na sa Tagalog! Kakalipat mo pa lang. Saan ka? Left wing, right wing... saan? Since around the vicinity lang din naman, para may mabisita ako bukod dito kay Jus."

"Uhm, dito sa apartment ni Jus."

"Jinojoke-joke mo na naman ako eh. Saan nga?"

"Dito talaga pramis"

"How come hindi kita nakikita? Ikaw siguro yung occupant sa isa pang kwarto. Yung ayaw patulugan sakin ni Jus.Yun naman pala may nagmamayari na.", sabay tingin ng makahulugan.

"Hindi. Actually iisang kwarto lang kami."

"Ay oo! Naaalala ko na! Kamukha mo yung- yung- yung si-"

"Yung sex doll ko nga!", I voiced out interrupting Avery. "Siya nga kasi yun!" Ang gulo nila mag-usap pramis. Mabuti't nagkakaintindihan pa sila, andaming topic eh. Di pa nga tapos ang isa isisiksik naman yung isa pa.

"Hindi eh. Teka.. oo. Alam ko. Eh kanino ba pinattern yung sex doll na binili mo?"

"Elisea Sanne", sabat ni Mich

Naguguluhan ko siyang tinignan. Alam ni Mich kung kanino siya pinattern.

"Kilala mo siya?", tanong ulit ni Av

"Oo, sakanya ako ginaya."

"Omg! Ginagaya mo rin siya? Fan ka rin niya?!",nakakabobo kausap tong si Avery.

"Hindi, nagaya lang.", sagot ni Mich

"Siya yung kamukha mo. Gayang-gaya mo siya! Kyaaaaah! Natural ba yan?"

"Oo, hindi, Ewan? As far as I can remember ganito na ako nagising."

"So natural nga. Ang kinis ng balat mo. Ang laki ng boobs mo, kainggit."

"Silicon kasi yan gawa."

"Ang boobs mo?", nabiglang ani Av

"Ang balat ko.", seryosong ani Mich.

"Kalma lang girl, sarkastiko agad eh."

"Hindi yun sarcastic. Totoo yun! Teka.", at tinignan ko lang si Mich na  tumayo at kumukha ng ball pen. Nagtataka man kung anong gagawin niya dito nanatili lang akong nakamasid at ang nakakabigla ay tinusok niya ang sarili niya habang pinapakita kay Avery. Gulat na gulat ang takot pa naman Sa dugong si Av.

Kahit ako rin ay nabigla. Hindi siya nabutas. Dumugo ang kamay niyang sinaksak niya gamit ang ball pen na matulis.

Nahimatay si Av. At nakanganga lang ako hanggang sa umaray siya.

"Tigilan mo na nga yan. Self-inflicted pain na yan."

"Du-dumugo.", and I looked at her

"Nakikita ko."

Hindi sakit ang namutawi sa kanyang mata kundi pagkalito.

"Dapat babalik lang toh sa dati kapag sinaksak. Hindi dudugo."

"Eh nakita mo na ngang dumugo di'ba?!", Nakakapang-init ka ng ulo. Gusto ko pang idagdag.

Tumahimik naman siya't yumuko. Iniwanan ko siyang nakatayong yumuyuko Sa sala at binuhat ko ang nahimatay na  si Av sa papunta sa kwarto.

______________


Doll (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon