I still Am

940 30 15
                                    

Dedicated to jhenzkiezurc777

Justine's POV

I always had followed them.

I used to do as they say so long as it pleased them.

I was their little blueberry cheese cake.

.
.
.

Kahapon pa ako binabagabag ng mga pinag-usapan namin ni kuya. I call James that, may natitira pa naman akong respeto sa kanila. No matter what they did, I still respect them dahil sila ay pamilya ko. And I intend to keep it that way thinking I could gain such respect back from them. Kung hindi nila kayang i-respeto ang desisyon kong magmahal ng kaparehong kasarian sana respetuhin naman nila ako bilang isang tao, may pakiramdam din ako.

It was long overdue. This day I've looked forward to. Since I left that house for good pasimple akong umasa na pababalikin nila ako or even i-cocontact. Pero Nada. Zilch. Wala. Syempre malaking sampal din sakin yung nag-assume.

Nasa legal age na ako nung umalis ako sa bahay. I understand na baka nawindang sila kasi I never have shown a sign na interisado ako sa kapwa ko babae. I'm Girlier than any girl could have been. Girl na mahilig din sa girl on the later part of life.

"Justine?", untag ni Mich sakin.

" Ano yun?"

"Pinabibigay ni Av.", Sabay abot ng phone niya sakin. Ano namang gagawin ko rito?
I have my own phone.

" Bakit daw?", ngunit kinuha ko rin naman yun mula sa kanya.

"Baka raw kasi wala kang load at di mo siya magawang tawagan o replyan man lang."

Pisti talaga tong si Avery.

"Ano na namang pinapahiwatig niya? Na wala akong panload?", nakangusong ani ko sa kanya.

Ikinatawa naman niya ito. Safe to say we've gotten close.

" Ibig sabihin lang nun ay magparamdam ka naman sa best friend mo. She ain't your bes for nothing. Don't shut her out."

"Eh? Pagtatawanan lang ako nun. And for the record hindi ko siya pinagtataguan. Imagination mo lang yan na napakalikot."

"Ganyan naman talaga ang kaibigan di'ba? Pagtatawanan ka muna bago ka tulungan. Glorious moment niya dapat toh, yung pagpayuhan ka ng bias para lumakas yung loob mo."

"Pagpayuhan ng bias? Haha. Nahihiya lang ako kay Av, baka kasi sobrang drama na ang naibibigay ko sa kanya. I'm too much for a drama.."

"There's no too much if you really love a person. Sa tingin ko naman mahal niyo pareho ang isa't-isa."

"Manlimahid ka nga sa pinagsasasabi mo Mich. Di kami talo ni Av, baka nga mas patulan pa kita kaysa dun.", ingos ko.

" What are you saying? ", natatawa niyang ani

" Ano?"

"Sisterly love yung mini-mean ko. Hindi kita ma-gets, out of the topic ka alam mo alam mo yun?", at napahagikhik siya.

" Y-yun nga! Yun nga yun!", pagsisinungaling ko, malakas din pala itong mang-alasaka.

"Papatulan pala ah." And she leaned closer to me. Napapikit naman ako habang nawawala ang nakakaduling na distansya sa pagitan namin.

Ngunit walang nadampi sa labi ko, ang nagpamulat sakin ay ang masakit na pitik sa ilong na sinegundahan ng kanyang papapalayong pagbungisngis.

"Catch ya later sis!", at nakatalikod na kumaway.

Doll (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon