Dress and sneaker

2.2K 32 0
                                    


Naisahan ako ng manikang yun ah.

Eh sa huli ako pa din naman nagbihis sa kanya.

Haysss, makapagbihis na nga lang.

Agad din akong sumunod sa sala matapos kong magbihis. Talaga naman! at ngayon kailangan ko pa talagang  magpaliwanag kay Avery kung anuman nakita niya. Napipikon na ako sa manikang yun ah. Pasalamat siya masarap siya magluto!

Papunta pa lang ako ay naririnig ko nang naghahagikhikan ang dalawa. Aba? close na sila? napataas din ang kilay ko. At nang madatnan ko sila ay napakagulo na ng sala. Anuh buh? Kakaayos ko lang niyan eh. Sniff. sniff. sniff. Napahawak na lang ako sa kilay ko. Ito na lang ang makakapitan. Kilay na lang ang pinanghahawakan ko. If you may ask. Babaeng babae ako kumilos, mag-ayos at manalita. Kaya di nakakapagtaka na kilay is life talaga, pero wag kayong ano I don't shape my eyebrows they're naturally bushy and slender. Hindi porke mga babae ang gusto ko ay tomboy na ako. I'll do whatever suits my liking. I'm a still a girl. I can like dresses and also the girls who wear them, can't I?

"Andyan ka na pala Justine.", pansin sakin ni Mich.

"Tatayo ka na lang ba diyan? Mag-uusap tayo bespren. Upo.", mando ng best friend ko sakin. Oo. Minanduhan niya ako, sweet niya talaga Classic!

"Kuha ko lang tayo ng makakain.", Mich excused herself.

"Okay.",ani Av

"Care to share Jus?", Tanong ni Avery as she wiggle her brows up and down. This, I did not see coming.

Sa totoo lang kinakabahan ako kanina pa. Sa kung anong paano kong ipapaliwanag kay Av. Teka, anong ipapaliwanag? Di naman ako dapat maguilty ah. Wala akong dapat na ipaliwanag.

"Wala akong dapat ipaliwanag.", There. I said it.

This time naiwan lang

na nakataas ang kanyang kilay. Di ba siya naniniwala? Nahuli lang naman niya akong kasama sa kwartong nakalock ang isang hubad na babae ah. Pffft.

"Wala nga kasi. Kung meron man tingin mo sasabihin ko yun sa'yo?" 

"Best friend mo ba talaga ako?", may hinanampong himig kuno niya.

"Oo naman, Best friend mo ako at best friend kita. Kaya nga maiintindihan mo ang pagdadaanan ko at di mo ako madadaliin sa pag-open up sa'yo. Kaya mahal kita bespren eh.", pang-uuto ko sa bespren kong maganda hehehe

"Sometime oo, pero doesn't happen every single case.", ay wa epek "Kaya Justine Angelica umamin ka na. Ang bespren di mo yan mauuto. I can see through you."

"Talaga?", manghang sabi ko. "Sige nga anong kulay suot kong bra?"

"Sige, iligaw mo pa ang pusa."

"Hehehe.. Iiiihhh, Av naman eh. Wala nga yun kasi. Again, kung meron man. Di ko naman ipangangalandakan ang sex life ko noh. Private na yun. Kahit best friend kita, di ko sasabihin."

"So may nangyari nga?", ang boses niya'y napalitan ng pakatuwa.

"Huh? Wala nga!"

"Ang gulo mo."

"Ikaw kaya. Kung ang sabi ko. Kung may nangyari samin. Wala akong sinabing may nangyari samin."

"Oo na. Di na kita kukulitin. Umamin ka man o hindi, obvious naman na kasi." Entitled talaga siya sa opinion niya, kung ako kay tita pinaabogada ko na tong anak niya eh. Airborne ba ang sapak ng manikang yun? Tong si Avery magtatanong kapagka sinagot hindi naniniwala.


Doll (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon