McCourtney Fam

599 19 4
                                    

Tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa buong dining hall magmula nang dumating kami kanina. I shouldn't have come. Dinner ang ipinunta ko dito. Hindi ang makipaglamay pero ganyan kabigat ang  pakiramdam ko ngayon.

Being here is as foul as it is. But being in the exact same table with the people I've always avoided, well that's taking lamentation to the next degree.

"I'm glad na sumama ako. I get to see you again Justine.", Vika broke the ice.

" Yeah. Same here.", maikling pakli ko.

What to be surprised about? I get to get my friends with me, gaano pa kaya si kuya? Dalawa lang din sila ni Sam na dinala niya. But still. . . bullcrap!

"Saan mo balak mag-graduate school Justine?", James asked na parang matinong kuyang concerned talaga sa akin. Truth is, the guy is just aweful as I am, if not worse.

"Dun pa rin sa university.", I answered him formally.

" I heard UCLA offered you scholarship. In return, you'd play for their basketball team. You don't even wanna grab the chance, do you?", dad finally spoke up.

"Talaga Tito? UCLA siya? I was planning to pursue my study there too.", masiglang pagsali ni Vika sa usapan namin. I never have done that, ang sumawsaw sa pagsasalita ni daddy pero eto't ginagawa niya. Dahil may manners ako, pinatapos ko na lang muna silang mag-usap.

" The offer's still up dad. I didn't decline the offer. I still got 2 full years para grumaduate at pag-isipan iyon. Pero wala talaga akong balak na lumayo pa."

"Bilisan mong mag-isip. The next thing you know. Tapos ka na. Good opportunity though, Libre ka na may international exposure ka pa."

Then I nodded to him.

"What about you James?", my turn to ask.

" After this sem. Off to Harvard na ako."

"You got scholarship?"

"No. That's where I want to send him.", Si dad ang sumagot.

" Oh.", Yan lang ang nasabi ko and I excused myself.

Dessert na lang din naman ang kulang, okay lang siguro na tumayo na . Isa pa, I used nature's call to have a valid reason. Ang unfair naman. I've been working my ass off , tapos sa kapatid ko okay lang na maging asshole. Ayokong magbilang, pero pota naman. Di ko sinasabing unfair ang tatay ko ha, let's just say he have his favorites.

Ninamnam ko muna ang limang minutong pamamalagi sa loob ng banyo. Wala man lang ni isa sa kanilang sumunod. Ganon ata talaga, kanya-kanyang suyo na lang. Si Av, malamang takot kay Dad yun. Naalala ko lang bumalik matapos ko mapagtantong si Mich nga pala ay naiwan din doon. Baka ano na ang nalabas sa bunganga ng babaeng yun.
Binilisan ko ang paghugas, dala na rin ang paghilamos. Pinaypayan ko pa ito ng kaunti, baka sakaling mawala ang pagkapula. Ang bilis kasi talagang mamuka ng mga mata ko. Di pa ako umiiyak, maga na sila. Ganon sila ka abanse.

Andaming nagbago sa bahay. Pero nanatili ang bigat sa dibdib ko habang nilalakad ko ang pasilyo pabalik sa dinning room. Sinabuyan ko ng angas ang ereng nakapalibot sakin. Para hindi ko maramdaman ang panggugupo ng aking ama at nakakatandang kapatid. Bago ako magpakita sa kanila, sinukbit ko ang phone ko sa aking bulsa. Handa na ulit magpakitang tao. Plastikan na.





(A/N: Hi HAHAHA. Three years na ata mga chong na nakaimbak tong chapter na ito sa draft ko dito. Okay lang ba kayo? Stay safe mamser ha labyu jajaja. And please bear in mind, if you are privileged, na hindi lahat nakakakain during quarantine. So be thankful and help if you can. Yun lamang po mamserz. Please hit the star button and follow? Pwede namang wag sksksk)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Doll (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon