Tears

1.9K 38 14
                                    

General POV

Nakayuko lamang si Mich habang nakatayo pa din. Di man lamang siya gumalaw. Gulong-gulo siya sa nangyayari. Hindi niya maintindihan. Tao na siya. tao. Kung paanong nangyari yun, wala siyang kaide-ideya. Bigla nalang tumulo ang likido mula sa mga mata niya. Hindi bago sakanya ang pakiramdam, ang  hindi siya sanay ay ang paglabas ng luha mula sa kanya. Nalulungkot siya. Alam niya ang pakiramdam. Narararamdaman naman niya ito tuwing umiiyak sa hubad niyang katawan si Justine noon. Na kapag ginagawa iyon ng dalaga ay nahahatian ang manikang gaya niya ng lungkot nito. Mas mahirap pa nga kung tutuusin dahil si Justine ay may isa pang paraan upang ilabas ang kanyang kalungkutan. Ang lumuha. Samantalang siya, hamak na manika ay walang kakayahan nito. Hindi niya lubos akalaing mararanasan niyang lumuha. Hindi kaylanman. Pero ngayon at heto siya. She doesn't even know what to feel. Should she be happy for she got to experience what crying feels like? Ang hirap naman. Aniya.  Pero natuto nalang siyang matuwa dahil maipagmamalaki niya sa kapwa mga manika  at naranasang niya ang lumuha.

Baliw na kung baliw pero mas pinili niyang matuwa at pinilit pa ang sariling lumuha dahil nga minsan lang sa eksistensiya niya ito. Kaya kung luluha siya ay itotodo-todo na ni girlah.

Nakakapang-init pala sa mata ang umiyak. Ngunit bakit parang gustong-gusto itong gawin ni Justine? May panahon pa nga na inilalaan nito ang buo niyang araw sa pagluha. Ang komplikado naman ng mga tao. Ang hirap intindihin. At ikinapasalamat na lang niyang naging manika siya.

___________

Nakokonsensya namang bumalik si Jus sa sala upang matignan ang sugat ni Mich. Sumilip muna siya, at kitang-kita niya ang hilam nitong mukha. Naaawa ma'y mas nanaig sa kanya ang takot sa mukhang nababaliw nang dalaga na parang sinasadya pa lalo ang pagbulahaw ng iyak. Manaka-naka din nitong pinupunasan ang kanyang luha gamit ang kamay, titignan ang kanyang palad na may luha, at saka na naman matatawa.

Ngunit kagaya sa mga pelikula kung saan may madidiskubre ang bida at dahan-dahang lalayo mula sa senaryo, ay nahuli siya ni Mich na nakatingin sa kanya habang humahakbang patalikod patungo sa pinanggalingan niya kanina.

Kaya tumigil ito sa pag-iyak , at napayuko. She herself doesn't know what to say so she turned her back completely and walked away.

Mas nadagdagan naman ang lungkot ni Mich dahil nang ibalik niya ang tingin sa kinaroonan ni Jus kanina ay wala na ito. Tumigil na rin siya sa pag-iyak. Mukha napagod ang katawang tao niya dun.

Para namang hinihigop ng kung ano ang kanyang mata at siya'y inaantok. Habang nakaupo sa sala ay papingas-pingas siya habang pinag-aagawang hinihila ng paggising at pagtulog.

At nagpahila nga siya sa tulog...

dahan-dahang bumibigay ang kanyang talukap.

isa.. dalawa... tatlo...

Nang biglang may humigit sa braso niyang may sugat na siyang dahilan ng nagpagising sa matutulog na dapat sana niyang katawang tao.

"A-aray!", ani niyang nasasaktan habang hinihila siya ni Jus patungong hapagkainan.

" Ano ba ang bagal mo.", supladang ani ng babae sa kanya.

Nang malingunan siya nito at makita ang mukha niyang kababanaagan ng sakit ay lumambot ang ekspresyon ng totoong tao sa kanya.

"S-sorry" hinging paumanhin nito at binitawan ang kanyang kamay.

Binawi niya na rin ito at marahang hinaplos.

Tinitignan lang siya ni Jus habang ginagawa niya ito. Napabuntong ang dalaga at kinuha ang first aid sa kanyang kwarto.

________

Naupo sila sa lamesa at sisimulan na ni Jus na gamutin ang kanyang sugat.

Habang hawak niya sa kaliwa ang alcohol na nakabukas at parang sabog na sinisinghot ito ay naiiling na lamang si Justine habang hawak ang kabilang braso ni Mich na siyang may sugat.

Iyon ang unang beses na nakasinghot ng alcohol ang manika.

Sa ikalawang pagkakataon ay mas hinabaan pa niya ang pagsinghot at napaubo ng malikot matapos pumasok ng Amoy sa baga niya. Kaya naman naudlot ang pagbuhos ni Jus ng Agua-Oxinada sa kanyang sugat. Nang matapos siyang umubo-umbo ay tuluyan na ngang pinatakan ni Jus ang kanyang sugat at napabulahaw siya sa pakiramdam nito sa kanyang balat. Marahas niya ring hinila ang kamay niya pabalik at hinipan-hipan.

"Akin na nga yang braso mo!", napipikong ani Jus sa ginagamot.

" May braso ka naman ah! Ba't yung akin pa?", napipikon na din siya.

Gagamutin daw kasi siya nito pero binuhusan lang pala siya ng lason, yun ang akala niya.

"Gagamutin ko pa yang kamay mo." Mahinahong ani Jus na halata mong nagpipigil na naman.

"Gagamutin?! mas sumakit Kaya!" Parang batang aniya.

"sa umpisa lang yan masakit...", pabiting sabi ni Jus.

" Sa huli mapapaungol ka sa sarap?", nakalabing ani nito na tila may naaalala.

Namumula namang pinaningkitan siya ni Jus ng mata.

"Yan ang sinasabi mo lagi sakin.", inosenteng aniya.

Sumuko na si Jus at betadine nalang ang kinuha.

" Di ito masakit pramis.", sabi niya sa kausap.

"Eihh.. yung kanina nalang."

"Ha?", nabobong tanong ni Jus

" Kasi, masakit yun sa una."

"Oh ngayon?", kunot-noo nitong pahayag.

" Gusto ko ng sarap. Kailangan kong maghirap. Pag walang sakit at hirap, walang sarap!", proud na nitong sabi.

Napapailing na lang ulit siya.

"Ikaw bahala, pero di sa lahat ng pagkakataon, ganun yun."

"Eh?"

"Halimbawa, itong gamot. Di ka mapapaungol nito sa sarap. Pero ang mahalaga ay maibsan yung sakit na nararamdaman mo. Yun naman ang halaga ng gamot di'ba?"

Natahimik nitong pinagmasdan si Jus na nililinis ang sugat niya.

"Ang astig! bumubula!", tukoy niya sa sugat na nilagyan ng agua

Natatawa naman na si Justine sa kanya. And before they knew it ay tapos na sila sa panggagamot portion.

____________

Doll (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon