Thug Life of Avery

1.3K 31 16
                                    


Pinaka-sa-pinaka wrong timing si Avery. Kung saan kumportable na sa presensiya ng isa't isa ang dalawa. Saka rin siya sumulpot hawak-hawak ang ulo niya at parang sabog na binabanggit ang katagang. "Dugo! Dugo! Nakakita ako ng Dugo!" Daig niya pa ang "Takbo! Takbo! Hanggang kaya niyo!", ni Ginger Bread Man.

Mula sa pagkakadikit ay napalayo sina Mich at Justine sa isa't-isa.
Napatayo ang huli at inalalayan ang kaibigang umupo sa sofa. Matapos ang panggagamot portion dumiretso sila sa sala sapagkat mas kumportable roon.

" Nakakita ako ng Dugo... ", ulit ni Av

" Alam ko..", pang-aalo ni Jus, kung hindi niya lang alam na may malaking takot ang kaibigan dito. Baka pinag-isipan na rin niya itong OA. Katangkad-tangkad at kabitch-bitch na babae, pero sa usapang karayom at sugat it was a total different thing for Avery. You and me got a whole lot of history ang peg ng dugo at ni Av.

Tinungo naman ni Mich ang kusina upang kuhanan ng tubig si Av matapos ang mild hysterical neto, sa paki-usap na rin ni Justine.

Manginig-nginig na inilapit ni Av sa bibig ang basong may lamang malamig na tubig. Diretso niya itong nilagok.

Nang mahimasmasan ay naging mas kumportable ang pagkakaupo niya sa sofa at ang di mapirming mga mata ay natigil sa pagtitig sa  basong hawak-hawak at nilalaro-laro.

"Uhm, sinong nagugutom?", pambasag sa katahimikang tanong ni Jus. " Gutom ka na ba?", pokus nito sa best friend na siyang pinatutungkulan naman talaga ng tanong niya kanina.

Marahan itong tumango.

Brrrt! Pagpapapansin ng kumakalam nang sikmura ni Mich mula sa pagmomoment ng matalik na magkakaibigan.

"Haaay. Mukhang kailangan ko nang maghain ng tanghalian. Di naman pupunta na lang ang kanin at ulam sa pinggan, you know.", awkward nitong pag-excuse sa sarili. She and Av were friendly and flirty with each other pero kung ang kapakanan na nang isa ang pag-uusapan aba'y ibang usapan na yan. Jus didn't want to put the blame on Mich kasi di naman niya sadya yon. Napaka-naive lang ng manika pero given na yun dahil hindi siya natural na tao. As said earlier ay manika siya.

_______

"Oh Mich, bakit nakatayo ka lang diyan?", untag niya sa Manikang nakatayo lang. She felt that she needed to be nice sa Manika dahil somehow ay naniniwala na siya sa mga sinasabi nito. Heck, wala pang kalahating araw na nakilala niya ito. Pero based on what's happening, clearly Mich is her responsibility.

" Ah ewan ko sa'yo, halika nga dito.", at kinaladkad niya ito paupo sa lamesa. Di porke't she felt the need of being nice to her ay wala na siyang karapatang mairita rito kagaya ng nararamdaman niya ngayon.

"Di ko Alam kung paanong kakain.", nahihiyang ani Mich.

Nayayamot na si Jus dito kaya't muli'y natarayan niya ito.

" Orily? Naipagluto mo nga ako ng agahan kanina, ang kumain di mo magawa?", pagtataray niya "Oh baka gusto mo lang manantsing at magpasubo sakin?", pagpapatuloy pa nito ng nakataas ang kilay.

" Ah eh.."  Iba naman kasi yunGusto sanang idagdag ni Mich. Di niya maexpalain. Naglagay siya ng ulam at kanin sa kutsara, saka  ito isinubo. Naiilang pa nga siya nung una kasi sinusundan siya ng tingin ni Jus. Not aware that the other was giving her I'm-watching-you look. After naman niya iyong maisubo ay binigyan siya nito ng satisfying look na matatawag. Kaso.. What then? Medyo bobita niyang tanong sa sarili.

Nakakailang subo na sina Justine at Avery pero ang unang subong nagawa ni Mich ay hindi na nasundan pa. Napansin naman ito ni Justine na napasulyap lamang sa laman ng Plato ng manika.

"Nguyain mo na yan.", utos nito.

Hindi naman alam ni Mich kung paanong ngunguya. Napatigil naman sa maganang pagkain si Av at naaaliw na inaabangan ang susunod na mangyayari. Jus and Mich has brought her on mood.

On the other hand ay napepressure  na si Mich. Bukod sa hindi niya talaga alam ang gagawin ay mas nakadaragdag ng pressure ang atensyong itinutuon ni Av sa kanila.
First day pa lang ay naranasan na niya ang so called " peer pressure"

"Mich..", Said Jus on her low tone.

Nagbaba naman ng tingin si Mich at di niya Alam na sa pagnguya pa lamang ay mafrufrustrate na siya.

Intense stare mula Sa nag-aabang na si Av+ Application of Jus' low tone on her × Pressure quantity frustration squared.

Napabulahaw ng tawa si Av nang  biglang lunukin ni Mich ang laman ng bibig na halata namang hindi pa nangunguya. Magaslaw na napahawak sa lalamunan si Mich na tila nabubulunan.

Nag-aalala namang hinimas ni Jus ang likod ng Manika. Napatayo pa siya upang iabot ang basong may tubig Kay Mich. Nakalimutan siguro niyang nainuman na niya ito kanina at lingid ito Sa kaalaman ni Mich na mabilis tinungga ang malamig na tubig Sa loob ng baso.

Ngingiti-ngiti naman si Avery ng pagkamali-malisyosa. Nasa mood  na talaga siya. Kung hindi lang masamang magsalita kung may laman ang bibig. Kanina niya pa kinantyaw Sa dalawa ang nasa isip-isip niya Uy indirect laplapan!!

Doll (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon