I've always been asking this question. Am I a memory? Or is the memory you? Are we nothing but collection of memories? -Denisse.
Aly's POV:
"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, Dear---"
19 years old, I was young, vulnerable, and powerless, making the same mistakes over and over again. And yet she was strong. But that is always where my memory ends. At that place, when we were 19 years old. And as it ends there, my life also comes to a stop.
Hinipan ko ang kandila ng cake sa harap ko pagkatapos ko siyang kantahan. At sabay ng pagkamatay ng liwanag ay pagdilim din ng buhay ko.
Denden's POV:
"Hayy. Na-reject na naman ako sa 15th company na in-applyan ko. Lagi na lang akong rejected sa interview." Reklamo ko kay Zandy habang kumakain kami.
"Huwag kang mag-alala, matatanggap ka na sa interview mo mamaya. Fight lang!" Sabi niya at uminom ng juice.
"Halos lahat kayo ng mga ka-batch mates natin may trabaho na. Ako wala pa rin hanggang ngayon." Reklamo ko.
"Huwag ka kasing atat. Mag-antay ka naman sana."
*Beep*
"OMG, Zandyyy! Interview ko naaaa. Osiya na, I have to go! I swear, makukuha na 'ko sa work na 'to. Byebye! Ingat ka sa pag-uwi, okay? Love you, beshie."
Nagmamadali akong pumunta sa loob ng office nang tawagin na ang pangalan ko. Nahulog ko pa ang ilang mga gamit ko dahil sa taranta, medyo nakakakaba kasi talaga. Buti may babaeng tumulong sa'kin sa pagpulot. Mukha talaga siyang mabait. Ang amo ng mukha niya. Siguro nag-apply din siya.
Liam's POV:
"Cheerrrsss!" Masayang sabi ni Den. Magkasama kami ngayon. Niyaya niya 'kong mag-dinner dahil natanggap daw siya sa trabaho.
"Sa wakas may trabaho ka na. Ang tagal mong inantay 'yan." Sabi ko.
"Oo nga e." Sabi niya at ngumiti, "Hindi mo na 'ko kailangang ilibre kapag kakain tayo. Hahaha."
"Okay lang naman 'yon. Isa pa, lalaki ako kaya ako dapat ang gumagastos."
"Hindi rin. Dapat gumagastos din ang babae para patas lang."
"May class reunion tayo ah. Pupunta ka ba? Iniimbitahan tayo ng mga kaklase natin e." Banggit ko at uminom ng konting beer.
"Ah, oo nga. Natanggap ko na 'yung invitation kanina sa bahay." Sabi niya at huminga ng malalim, "Sabay na tayong pumunta."
Pinagmasdan ko lang siyang nakangiti sa akin nang banggitin niya ang mga katagang 'yon. She's still waiting for Aly. It's been five years since then. I wonder why pain demands to be felt. I can see it in her eyes. I can see that she's still hurting through her smiles.
"Buti... naisipan mong pumunta?" Tanong ko na lang.
"Matagal na rin mula nang huli tayong nagkita-kita kaya gusto kong pumunta."
"I see."
Denden's POV:
Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang pinagmamasdan ang singsing na bigay sa akin Aly noon. Hindi ko na siya sinusuot. I'm still hoping na sana mamaya o bukas o kinabukasan tatawag siya bigla sa'kin at sasabihing magkita kami dahil mahal niya pa rin ako at miss na miss na niya 'ko. I've been asking for that miracle to come for five years. But still... I'm praying for it.
Flashback:
"Aly... Miss na miss na kita ngayon pa lang. Bumalik ka na, please. Bumaba ka diyan sa tren na sinasakyan mo. Balikan mo 'ko. Ayokong mapalayo sayo."
Mga katagang sinabi ko habang pinagmamasdan ang paglayo ng tren mula sa kinaroroonan ko. Selfish ba 'ko kung 'yan ang hinihiling ko?
"Lord please, take care of Aly. Take care of him. Protect him for me 'cause I can no longer comfort him when he's down. Protect him for everything he have to do. Guide him for some decisions he have to make. Take care of my love, Lord." I prayed while wiping my tears at the place where we made our promises before he left.
End of flashback.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Noong nakadating siya ng probinsya, tumatawag pa siya sa'kin kahit limang minuto lang sa isang araw. Nagkukwento ng mga nangyari sa kanya sa school. Nagse-send ng mga pictures niya na hinihingi ko. Pero makalipas ang ilang buwan, wala na. Hindi ko na ma-contact ang phone number niya. Kaya naghintay na lang ako. Naghihintay pa rin sa mga pangakong wala ng kasiguraduhan.
Ibinalik ko sa lalagyan ang singsing at itinago ulit sa cabinet ko. I want answers that will clear up the mess he'd made. I'll forgive him... for everything. I just want to know if he's still in love with me. If he still needs me. I still want him this whole time.
Pumunta ako sa balcony ng bahay para pagmasdan ang kalangitan. Ang daming stars. Medyo malamig din ang simoy ng hangin. Nasaan kaya siya ngayon? I remembered when he said that he wants to be with me forever. Then he swears it on the stars. That's so cruel. Hindi totoo lahat ng sinabi niya. Pero wala akong karapatang sisihin siya dahil unang-una hindi ko alam ang mga nangyari sa kanya.
"I've always been asking this question. Am I a memory? Or is the memory you? Are we nothing but collection of memories?" I asked out of nowhere.
Umiiyak na naman ako sa sakit na nararamdaman ko. Aly, where are you? Gusto na kitang yakapin sa sobrang pagkamiss ko sayo. Mahal na mahal kita. Bumalik ka na, please. Bumalik ka na sa'kin.
Aly's POV:
Hindi ko alam kung paano ako haharap sayo, Denisse. Mabuti na sigurong hindi ako magpakita sayo dahil alam kong mas lalo lang kitang masasaktan. Patawarin mo 'ko sa pagiging duwag at mahina ko. Hindi ko alam kung alin tama at mali kaya mas pinili kong ilayo ang sarili ko sayo.
"Denisse, patawarin mo 'ko sa sobrang pagmamahal ko sayo..." Sabi ko sa kawalan habang nakatingin sa mga bituin at walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.
-
A/N: Thank you for reading this short chapter! Next update? Beginning of flashbacks na. 😊 Lovelove. We are blessed. ❤☝
BINABASA MO ANG
NFSequel: A Naked Twist in my Story
RomanceNonchalantly Falling's Book Two A Naked Twist in my Story ROMANCE All rights reserved Written by: Dark Poet