Chapter 9: Proposal

223 2 0
                                    

"Our memories still felt so real." -Denisse.

Denden's POV:

     Memory is still alive within me... unobstructed, unchanged. Always. Ibang-iba si Adie sa dating Aly na minahal ko. Hanggang ngayon, nandito pa rin sa puso ko ang pangungulila, ang sakit. Kailan ba ako makakalaya sa nararamdaman kong ito?

*****

"Cheers." Sabi ko kay Liam, "Happy birthday!"

     Magkasama kami ngayon dito sa isang restaurant. Gusto niya kasing magcelebrate kami ng kaming dalawa lang. Birthday niya pero siya itong nanlilibre sa akin, ni wala nga akong dalang regalo para sa kanya.

     Natawa ako ng maalala ko 'yung ibinigay kong sea urchin keychain sa kanya noong nag-aaral pa kami. Akala ko tinapon talaga ni Aly pero hindi naman pala.

 "Bakit ka tumatawa?" Tanong niya.

"Wala lang. Naalala ko lang kayo ni Aly noong college pa tayo." Sagot ko.

"I wonder why it has to be now..." Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, "...that we see him again."

     Inilapag ko ang baso ko sa table at tiningnan ang medyo malungkot niyang mukha na agad naman niyang binawi at pinalitan ng ngiti.

"Matagal akong naghintay para sa araw na 'to, Den. Sa totoo lang, hindi ko akalain na darating talaga ang araw na matatalo ko siya. Pero ngayon, alam kong merong isang bagay na makakapagpanalo talaga sa akin laban sa kanya, iyon ay ang relasyon na nabuo natin sa ilang taon na pinagsamahan natin."

     Naestatwa ako sa kinauupuan ko ng ilabas niya ang isang maliit na kahon mula sa bulsa niya at inilapag niya iyon sa mesa. Kinuha ko naman iyon at dahan-dahang binuksan. Naglalaman iyon ng isang magandang singsing.

"Asahan mong mamahalin kita ng buong puso at pangako kong poprotektahan kita habang buhay." Sabi ni Liam. "Share a life with me from now on till forever."

"Alam mo... narealize ko na matagal na pala akong nagpapakapagod na hanapin si Aly. I was completely lost in it. You said that you would carry all the burden for me. But now I know that I don't intend to let go of that burden.

     Sinulyapan kong muli ang singsing bago ko isara ang kahon no'n at ibalik sa kanya. Alam kong marami ng ginawa si Liam para sa'kin, naramdaman ko ang sincerity niya sa lahat ng mga panahon na nagkasama kami, pero hindi ko talaga kayang suklian ang mga 'yon.

"That's why I'm sorry." I said. "Hindi ko matatanggap 'yan."

"Pero hindi na siya babalik pa sayo."

"Papasanin ko ng mag-isa ang bigat na 'to at mamumuhay ako ng tahimik. No matter what the future might lead, though our paths might not cross, I will not cry anymore."

"Pero Den..."

"Patawarin mo 'ko kung hindi ko nasuklian lahat ng kabutihang ibinigay mo sa akin. Alam kong hindi ka na tumingin sa ibang babae mula pa noong naging malapit tayo sa isa't isa, alam kong espesyal ako para sayo, at maniwala ko sinubukan ko, pinilit ko ang sarili ko, pero hindi ko talaga kaya."

     Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya, mali, malungkot ang ngiting ipinapakita niya sa akin. Nalulungkot ako sa mga ginagawa ko, lagi ko na lang siyang sinasaktan.

"It's okay, Den. You don't have to apologize. Wala naman tayong magagawa. Hindi natin madidiktahan ang mga puso natin kung sino ang gugustuhin nating mahalin." Sagot niya.

"Patawarin mo sana ako, Liam. Hindi mo deserve ang babaeng kagaya ko. Hindi mo deserve na masaktan na lang ng paulit-ulit. Sana mahanap mo ang babaeng magmamahal sayo ng totoo."

NFSequel: A Naked Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon