LAST FLASHBACK
Aly's POV:
*Ding dong*
"Nikki? What is it?" Bulong ko pagbukas ko ng pinto.
"Ah, ibibigay ko lang sana 'tong notes. Hindi ka kasi nakapasok kahapon. Para sana may mapag-aralan at makopya ka sa lecture." Sabi niya at inabot sa akin ang notes niya.
"I see. Thank you. Hm, pwede bang... huwag ka ng mag-doorbell? Kapag kasi narinig ni Mama, mapa-paranoid na naman 'yon. Pasensya na ha? Salamat ulit."
"Pasensya na rin."
I smiled at her before closing the door. I think my Mom is suffering from neurosis. She's too paranoid, too worried and too scared that someone will take me away from her. Nahihirapan ako sa pag-aalaga sa kanya. I can't go to school, even to my work kasi nagwawala siya. Ilang araw na akong nakakulong dito sa bahay.
"Sino 'yung nag-doorbell?" She asked.
"My classmate." I said and showed her the notes.
"No... you are lying. She's that woman, right? Right?!"
*Ring ring*
Denisse is calling. Yes, I've decided to go to her place. Maski dalawang araw lang para makasama ko siya at pagkatapos, babalik na ako.
"Hello? Yeah... I'll be there soon. Okay." I said and ended the call.
"Who's that? Kikitain mo ang babaeng 'yon diba?" Said Mom.
"Mom, I told you, it was my classmate. Nikki. And the person who called me was Denisse." I replied.
"Don't leave me, Aly. Please. I gave you everything you need and want, don't tell me inspite of that you'll still leave me. Don't do this. Don't go with your Dad's wife." She said while crying and begging me.
"Mom, I told you I won't do that."
"Aly, don't do this!"
"Ma! Stop being so clingy! Nahihirapan din ako sa pag-aalaga sa inyo! Wala na nga tayong makain e, kasi hindi ako makapagtrabaho! Gusto niyo lagi niyo akong nakikita! Ma, go back to your senses! You're too much!"
Napabitaw siya sa pagkakakapit sa braso ko nang bawiin ko ang kamay ko sa kanya dahil sa inis. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang bag ko.
"Pupunta ako kay Denisse, dalawang araw akong mawawala. Pupunta ako sa Manila, Ma."
"Aly, huwag!" Kumapit siya sa pantalon ko at nagmamakaawa. "Hindi ka naman pupunta kay Denisse, sigurado pupunta ka sa asawa ng Papa mo. Huwag mo siyang piliin Aly."
"Ma, kay Denisse ako pupunta."
"Aly, huwag mo akong iwan."
"I'll be back in two days." I said.
Hindi ko na siya pinakinggan at naglakad na palabas ng pinto. Bumaba na ako sa building na nirerentahan namin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Nakakasakal na siya, gusto ko namang magkaroon ng oras para sa sarili ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang salubungin ako ng malakas na hangin, kasabay ng sabay-sabay na pagtakbo ng mga tao papunta sa tapat ng apartment sa baba. Nagkagulo sila at may mga tumatawag ng ambulansya. Napalingon ako sa building, sa floor kung saan kami rumerenta. Bukas ang pinto at nililipad ang mga kurtina ng hangin.
"Ma...ma?"
Nabitawan ko ang bag na hawak ko at naglakad ng mabilis papunta sa kanya. Nakita ko siyang duguan, walang buhay, at pinagkakaguluhan ng mga tao.
BINABASA MO ANG
NFSequel: A Naked Twist in my Story
RomanceNonchalantly Falling's Book Two A Naked Twist in my Story ROMANCE All rights reserved Written by: Dark Poet