Chapter 12: Last chance

353 6 0
                                    

A key to a happily ever after.

Denden's POV:

     Nandito kami ngayon sa labas ng simbahan habang inaantay ang paglabas ni Aleyna at Ni Cedrick. Ikinasal na ang kaibigan ko kaya tuwang-tuwa naman kami. Halos nandito kaming magkakaklase kaya di namin maiwasan ang kwentuhan. Biruin niyo, parang kailan lang nag-aasaran kami sa school pero ngayon nauna na si Aley sa amin sa pagpapakasal.

     Tumawag kasi siya sa akin noong nakaraan at sakto namang dumating ang invitation na ipinadala niya sa akin. We have a lot of catching up to do next time.

     Biglang nag-ring ang bell at nagpalakpakan kaming lahat ng lumabas na ang newly wed couple. Ang cute tuloy nilang tingnan!

"Congrats, Aley!" Sabay na sabi namin ni Zandy at sinabuyan sila ng flower petals.

"Thank you, girls!" Sagot naman niya sa amin.

     Pagkatapos namin silang salubungin ay dumiretso na kami sa reception. Nakapaikot kaming magkakaklase sa isang table habang nakatayo at umiinom ng wine. Katabi ko naman si Liam, buti na lang hindi ganoon ka-awkward dahil may kasama kaming iba.

"Thanks, everyone!" Sabi ni Aley pagkalapit niya sa amin.

"But, what a coincidence right? Who would think the groom would be Liam's classmate during middle school." Sabi ni Zandra.

"Ah, oo nga." Sabi ko na lang kahit hindi ko alam.

"You met him once, Denisse." Sabi ni Liam. "Siya 'yung pinakilala ko sayo dati 'nung pauwi tayo galing sa choir contest ng school."

"That Cedrick! Naalala ko na siya!" Sabi ni Duke.

"You both remembered each other last time during the reunion, right?" Sabi ni Zandy kay Aleyna at kilig na kilig silang tumalon, ako naman ay hindi maka-relate sa dalawang best friends ko. "Just like in a drama!"

"Aleyna, we're taking a photo." Biglang sumulpot ang asawa niya.

"Ah wait lang guys ah, excuse me." Sabi niya at iniwan kami.

"Wah, bakit di ko maalala si Cedrick?" Bulong ko sa sarili ko at nagbalewala na lang.

"Aly really isn't coming, is he?" Sabi ni George.

"It's cold." Sabi ko na lang at nagkunwaring walang narinig.

"Oh there you go, you're just casually reminded of him." Natatawang asar naman ni Liam sa akin. "Very good!"

"Ahh, nga pala..." Panimula ni Duke.

"Nabalitaan namin ipaparenovate na daw ang ADMU ah." Pagpapatuloy ni George.

"What?" Sabay naming pagtataka ni Liam.

"Kailan nga ba 'yon?" Nagtanungan silang dalawa.

"Pero bakit? Maganda pa naman ang school natin ah."

"Ewan ko."

      Pagkatapos naming kumain lahat ay nagdesisyon kaming lahat na pumunta panandalian sa school namin. Pagdating namin doon ay sarado iyon, bakasyon din naman kaya walang katao-tao.

"Woah! It didn't change a bit!" Sigaw ni George at Duke, as usual maloko pa rin talaga sila.

"It's been so long! Ilang taon na nga ba mula ng gumraduate tayo dito?" Sabi ni Zandy at naglakad na kami papasok. "So nostalgic!"

     Humiwalay sa amin ni Liam si George, Duke, at Zandy tsaka sila pumunta ng field. Meron pang bola doon na naligaw kaya pinaglaruan nila. Wah, school days.

NFSequel: A Naked Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon