Chapter 2: Answers

495 12 0
                                    

Having faith and pretending not to see the reality are two different things. -Liam.

Denden's POV:

    Nandito kami ngayon sa restaurant kung saan magaganap ang class reunion. Napag-uusapan na rin ang school festival bukas ng gabi. Magsipunta raw kami bago kami magtrabaho. Lahat sila ay may trabaho na, buti na lang hindi ako nahuli masyado kundi nakakahiya talaga.

"E kayo, Den?" Napatingin ako sa isa naming kaklase.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Pupunta ka ba kako sa festival bukas?" Napahinto ako napaisip.

"Sumama ka na, Deeennn. Minsan lang naman 'to e. Bago man lang tayo magtrabahoooo." Pilit ni Leyna.

"S-sige na nga." Sagot ko kaya nagsigawan naman sila sa tuwa.

    Kumain na ulit ako ng tahimik pagkatapos kong sumagot. Hindi na 'ko nakisawsaw pa sa mga kwentuhan nila.

"E si Aly kaya, kumusta na? Hindi na nagparamdam ang isang 'yon." Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Liam kaya pilit na ngumiti na lang ako.

"May balita din kaya mga teammates niya sa kanya? Ang tagal na rin kasi. Mula nang umuwi siya sa probinsya, hindi na natin siya nakausap." Dagdag pa nila.

     Ang totoo pumunta ako ngayon dito dahil umaasa ako na nandito din siya. Kaya lang nabigo na naman ako. Sa bawat pagpasok ng mga kaklase namin sa pinto, siya ang inaasahan ko. Pero hindi siya dumating.

Liam's POV: (School festival)

     Sinundan ko si Denisse sa rooftop ng school kung saan nanonood siya ng fireworks display. Festival kasi ngayon ng school at dumalo kaming magkakaklase.

"You came here dahil akala mo dadating siya diba?" Tanong ko habang naglalakad ako papunta sa kanya. Umiling naman siya at ngumiti saka tumingala ulit sa kalangitan.

"Alam ko namang hindi siya dadating dito." Tanging sagot niya.

"It's Chandria's death anniversary today." Sabi ko at sumandal sa nagsisilbing harang ng rooftop.

"I know." She said.

"Having faith and pretending not to see the reality are two different things." I sighed, "It's been five years, Den."

"He told me to wait for him." She said and faked a smile.

"Den, hindi mo ba naisip minsan na baka naghihintay ka na sa wala?"

"Sometimes I'm thinking about the same thing but I really love Aly. And I believe in him." She answered.

"I have to tell you something, Denisse. There's this one thing I'm keeping from you."

     Inilabas ko sa bag ko ang bagay na bigay ni Aly at iniabot sa kanya.

"Paanong... napunta sayo 'to?" Tanong niya at kinuha sa kamay ko ang papel, "Ibinigay ko 'tong sulat na to sa kanya bago siya pumasok sa tren na sinasakyan niya---"

"Aly came here to see me two years ago during your birthday." I said.

"W-what?" Nagsimulang mangilid ang mga luha niya.

"He told me to take care of you 'cause he's leaving us all behind. He told me everything. Everything that happened to him to the province. You won't be able to see him anymore, Den."

"What do you mean?"

F L A S H B A C K

"Liam! Aalis ka na ba?" Tanong ni Ate.

NFSequel: A Naked Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon