Chapter 3: Flashback 1

393 11 0
                                    

F L A S H B A C K

Aly's POV:

*Click*

     Nagising ako sa pagkakatulog sa armchair ko dahil sa tunog ng camera. Hays. Inaantok pa 'ko.

"Whoaaa. Look at this picture, Aly." Sabay-sabay pang magsalita 'yung tatlong itlog. Kaibigan ko sila dito sa bago kong school. Si Trav, Harv, at Pau.

"Send it to me." Sabi ko at in-open agad ang bluetooth ng phone ko. "Ipapakita ko kay Denisse."

"Denisse again, huh?" Napatingin kaming apat kay Nikki. Kaklase kong babae.

"Pare, ipakita mo na kasi sa'min 'yang picture ng syota mo sa Maynila. Para naman may ideya kami sa kanya."

"Ayoko nga. You are all judgmental about looks, so why would I show you her picture?" Sabi ko at ngumiti.

"Oohhh, is she ugly?" Tanong ni Trav.

"Nope." Tanging sagot ko, "Thanks. Send ko na kay Den."

"If you really love her, dapat hindi ka nag-transfer dito." Sabi ulit ni Nikki ng nakangiti.

"Kaya nga ako pumunta dito dahil mahal ko siya. At kapag mahal mo ang isang tao, maniniwala ka sa kanya." Sagot ko.

"How about her? Is she trusting you?"

"Of course. Just like what I promised." I said, "And I'm really confident that we will survive this long distance relationship."

"Long distance relationship, huh?"

"Uwi na 'ko, di naman dumadating prof natin. Sayang oras ko. See you tomorrow." Kinuha ko na ang bag ko at sinabit sa balikat saka naglakad palabas ng room.

     Naglalakad na 'ko sa hallway ngayon at dinig ko pa rin ang pagbubulungan ng ibang estudyante. Kilala nila ang Lady eagles at nagtataka din sila kung bakit nandito ako. Ilang buwan ng ganyan. Malamang kilala din nila 'ko.

     Saktong tumapat naman sa harap ko ang bus paglabas ko ng campus. At sa pinakadulo ako umupo sa may tabi ng bintana. Maganda ang pamumuhay ng mga tao dito sa probinsya. Simple lang naman at mababait din ang mga tao.

     Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang sa bus. Itinaas ko ang kamay ko at ngumiti sa kanya para makita niya 'ko. Ngumiti din naman siya sa'kin. Umupo siya sa may harap ng kinauupuan ko para sa tabi din siya ng bintana, si Nikki.

"The truth is... I lost all my confidence the moment I got here." I said while still glancing outside the window. Lumingon siya sa'kin at takang tumitig.

"Pero sabi mo kanina..."

"I'm just trying to cheer myself up." I said and sighed.

"Alam ko namang lahat ng confidence na nararamdaman mo unti-unting nawawala dahil sa pressure at pagkakalayo mo sa kanya. Pero tingin ko sa tamang panahon magkakasama rin naman kayo. Kailangan nga lang ng konting pagtitiis. Di ko man alam ang dahilan kung bakit ka nandito, alam kong may dahilan naman ang tadhana kung bakit niya kayo pinagkalayo pansamantala..." Tuloy-tuloy niyang sabi.

     Tahimik lang akong nakikinig sa kanya hanggang sa mapatingin siya sa'kin. Nakaramdam siguro siya ng awkwardness nang biglang mag-ayos siya ng upo at tumingin ulit sa harapan.

"Do you want to see her?" Ngumiti ako sa kanya at humarap naman siya sa'kin ng gulat.

"Huh?"

"Denisse." Sagot ko at iwinagayway ang phone. Ngumiti naman siya ng sobrang lapad at ngumiti. "Excited na excited ka ah. Here." Sabi ko at ibinigay sa kanya ang phone.

NFSequel: A Naked Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon