Chapter 4: Flashback 2

310 6 0
                                    

FLASHBACK II

Aly's POV:

"Hahaha. I resigned from my work and now I have cancer too. Hahaha."

    Pagdating ko sa ospital ay sumalubong kaagad sa'kin  ang mga tawa niya. Hindi man niya sabihin sa'kin ang totoo pero alam kong nahihirapan na din siya sa sitwasyon naming dalawa.

"Mama talaga. Tsk." Sabi ko at umiling-iling na lang, "Uuwi pa pala 'ko maya-maya para makapagpalit ng damit at madalhan ka ng mga kailangan mo dito sa ospital."

"I have... a favor, Aly." Kinabahan ako nang makitang maluluha na siya at humawak ng mahigpit sa kamay ko.

"What... is it?"

"Don't mind me if I die, but please, take care of my flowers and plants." Ang seryoso niyang mukha ay nagsimula na namang humagikgik.

"Aish. You freaked me out." I said and we laughed together.

     Ito pa ang gusto ko kay Mama, kahit nahihirapan siya, mas inuuna pa rin niya ang kalagayan ng mga halaman niya. At kayang-kaya pa rin niyang ngumiti kahit may dinaramdam siya. This is the thing I like about her. She's amazing? Well, she's my Mom. She was the one who raised me.

    Nagpaalam muna ako sa kanya para umuwi ng bahay at sinabi naman niya na hihintayin niya 'ko. Nagugutom ako pagdating ko kaya nagkape muna ako habang tinititigan pa rin ang sulat na galing kay Gretch.

*Ding dong*

     Bumungad sa'kin si Nikki nang mabuksan ko na ang pinto.

"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Binibisita ka?"

"Sige... pasok ka."

     Pinagtimpla ko siya ng maiinom naang maupo siya sa tabi ko. Napatingin siya sa sulat na nasa mesa na agad ring napansin ko.

"Bakit di mo pa binabasa 'yung sulat?" Takang tanong niya.

"She's actually a girl from the past. Ayoko ng basahin pa 'yung sulat niya."

"Hm." Tumango na lang siya sa isinagot ko. "Kumusta na nga pala ang Mama mo?"

"Ayos naman. Kaya lang ayaw pa siyang palabasin ng mga Doktor e. Babalik ako mamaya sa ospital. Simula na din ng part-time job ko bukas." Sagot ko.

"Ganun ba."

*Ding dong*

"Bubuksan ko lang 'yung pinto ah." Tumango naman siya bilang sagot.

     Hindi ako makapagsalita nang makita ko kung sino ang kumatok.

"Paano mo nalamang dito ako nakatira?"

"Sinabi ko sa sulat na pupuntahan kita dito, Aly." Napatingin siya kay Nikki at ngumiti lang ito sa kanya.

"Hindi ko binasa 'yung sulat. Kung 'yun lang ang ipinunta mo dito, umuwi ka na Gretchen."

"Ah... Aly, mauuna na pala ako. May kailangan pa kasi akong puntahan. Pasensya na. Salamat." Nilagppasan ni Nikki sa pinto si Gretchen at iniwanan kaming dalawa.

     Hindi ko na siya pinatuloy sa loob ng apartment at sabay na lang kaming naglakad hanggang sa kung saan kami dalhin ng mga paa naming dalawa.

"Aly, pwede mo ba 'kong samahang mag-enroll sa mga universities---"

"Bumalik ka na ng Manila."

"Pero Aly--"

"Ano bang kailangan mo sa'kin, Gretch? Tapos na ang lahat sa atin. Mula pa 'nung nasa Manila ako. Hanggang dito ba naman sinusundan mo 'ko? Umayos ka. Huwag mo na 'kong puntahan kahit kailan."

NFSequel: A Naked Twist in my StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon