Chapter 8: A Date?

41.2K 797 19
                                    

Lian's POV:

Woah! Ang dami yatang decorations ngayon sa school. Anong meron?

Palinga-linga akong naglalakad papunta sa classrooms.

Mukhang abala yata ang lahat ah?

"Hey, Lian!" tawag sa akin ng isang lalaki.

Paglingon ko, nakita ko sina Rave at ang barkada niya papalapit sa akin.

Napakunot noo ako.

Wala ba silang ginagawa at palaging nakaantabay dyan pagnapadaan ako?

"Hey! Ba't ang tagal mong di pumasok? Saan ka galing?" tanong ni Rave ng makalapit.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Huh? One week lang akong wala.. Bakit? Anong meron?" takang tanong ko.

"Intrams kasi ng school this week kaya maraming ganyan.." sagot ni Louie.

"May sasalihan ka ba?" tanong ni Nick.

"Ewan! Ano bang activities ang gagawin..?" takang tanong ko.

"Di ka ba sumali dati?" tanong ni Gian.

"Ahm... Di eh.. Ngayon lang ako nakatiming na may school activities.." sagot ko.

Nagkatinginan naman sila sa sagot ko. May mali ba sa mga sinabi ko?

"Saang lupalop ka ba nagpupunta at wala ka pag ganitong okasyon?" tanong ni Rave.

"May ginagawa lang..."

Muli na kong naglakad papunta sa room ng hawakan ni Rave ang kamay ko.

Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin saka ako tumingin sa kanya.

"What?" tanobg niya.

"Your holding my hand.." simpleng sagot ko.

Ngumiti naman siya at lumabas ang biloy niya sa pisngi.

Ngayon ko lang natingnang mabuti si Rave. Gwapo palang talaga siya. Medyo mahaba na ang kanyang buhok at halos natatakpan na ang kanyang mata.

"Pasado na ba ako?" nanunuksong tanong ni Rave.

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha at ang init na ng pakiramdam ko.

"Hmp! Pasado ka dyan.. Bitiwan mo nga ako at may klase pa ko.." sagot ko at iwinaksi ang pagkahawak niya sa akin at lumayo na.

Nagtawanan naman ang mga kabarkada niya kaya nakatanggap ito ng tig-isang batok mula sa kanya.

Binilisan ko na ang paglakad dahil naasiwa ako sa mga tingin ng mga studyante.

Simula ng makilala ko sina Rave at ang barkada niya, nawala na ang pagiging invisible ko sa school.

Napapansin na ko.

Pinagtitinginan pag pumapasok..

Pinag-uusapan ang ginagawa..

At higit sa lahat, may Rave na palaging lapit ng lapit sa akin.

Haaaayyy... Napabuntong hininga ako at naupo sa silyang nasa pinakadulo ng classroom.

Okay naman sana kung di lang delikado..

Masarap kaya maging normal na mag-aaral.

Yung maraming kaibigan..

Yung may kasabay sa paglalakad..

May kausap palagi..

Pero di pwede..

Mapapahamak lang sila gaya ng nangyari 13 years ago bago mawala ang magulang ko..

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon