Lian's POV:
Wag! Parang awa niyo na! Wag niyong saktan ang daddy ko!!!
Humahangos na lumapit ako sa kanilang kinaroroonan. Pero bakit kahit anong lapit ko ay tila palayo lang sila ng palayo.
Daddy... tama na para niyo ng awa...
Napaluhod ako sa panghihina.
Ramdam ko ang bawat hampas ng palo nila sa katawan ng aking ama.
Kita ko ang dugong tumutulo mula sa kanyang sugat.
Nakatali siya.. di man lang makalaban.
Tama na...
Bakit di ko siya matulungan?
Bakit di ako makalapit?
Ako si Lian..
Isang mafia assassin... isang sniper..
Pero sarili kong ama hinayaan kong saktan nila!
Aaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!!
Nagising akong sumisigaw.
Eto na naman. Paulit ulit nalang. Kailan ba ako titigilan ng panaginip na to...
Alam kong panaginip lang pero para talagang totoo.
Papa.... Mama...
Nasaan na kaya ang magulang ko?
Lumabas ako ng silid at kumuha ng malamig na tubig sa ref.
Deretso ko itong ininum saka muling bumalik sa silid.
Naupo ako sa harap ng computer.
Alas dose pa lamang ng hatinggabi.
Hinaplos ko ang computer set..
Ito nalang ang tanging ala ala ko sa magulang kong labintatlong taon ko ng di nakikita.
Alam kong buhay pa sila.
Napalingon ako sa gilid. Nakita ko ang folder na ibinigay ni ninong sa akin kahapon.
Binuklat ko ito...
Mga pangalan ng malalaking tao sa loob at labas ng bansa ang naroon..
Binasa ko ang nasa pinakauna.
Bart Arralo.. gun smuggler..
Agad kong hinanap sa computer ang lugar na kinaroroonan ni Bart. Siya ang una sa list kaya siya ang pinakauna kong target.
Nakakulong pala siya..
Agad akong nakabuo ng plano.
Mabilis akong naligo at nagbihis.
Isinuot ko ang isang black na sando at leggings na itim na pinatungan ko ng leather jacket na itim din.
Isinuksok ko sa bewang ang maliit kong baril at silencer.
Bitbit ang bag ng armas ko ay lumakad na ko.
Matapos sulyapan ang repleksyon ay lumabas na ako ng bahay.
Bumili muna ako ng makakain sa 7/11 saka pumwesto sa katapat na lumang gusali ng pulis station kung saan pansamantalang nakakulong si Bart.
May kataasan ito kaya sakto lang sa pwesto ko.
Tenext ko si Lion at ninong.
To: first on the list.. Bart Arralo
Send...
Agad kong inayos ang pagkakatutok ng aking sniper's gun sa selda kung nasaan si Bart.
Sinilip ko siya mula sa gun's pointer.
Kitang-kita mula sa kinaroroonan ko ang pwesto niya kaya madali kong nalalaman ang galaw niya sa loob.
Ikatlong selda.. napangisi uli ako ng makitang nag-iisa sa selda niya ang target.
Kinain ko muna ang dalang pagkain habang hinihintay ang pagkakataon.
Ilang minuto na ang lumipas ay di pa din bumabangon si Bart.
Kainis!
Kailangang may gawin ako.
Muli ko siyang tiningnan..
Nakabuo ako ng isang magandang plano.
Kaagad akong pumwesto at saka pinukol ang salamin ng police station gamit ang ball magnet ko.
Agad nabasag ang salamin at lumikha ito ng ingay.
Mabilis namang naglabasan ang mga pulis.
"Anong nangyari?"dinig kong sabi ng isang matabang pulis.
Napangisi ako at muling pinagmasdan ang kinaroroonan ni Bart.
Ilang saglit pa ay nakita ko siyang tumayo.
Nakahubad pa ito ng pang-itaas kaya kita ang maraming tattoo nito sa katawan.
"Makikilala mo ang kasapi ng mafia sa tattoo nilang baril sa kanang dibdib." Naalala ko pang sabi ni Lion.
Ikinasa ko ang baril at itinutok sa target.
Goodbye Arralo! Bang!
Sapul sa puso. Kumikisay muna ito bago mawalan ng buhay.
Agad akong iniligpit ang gamit.
Kailangang walang bakas na maiiwan..
Nang matapos ay kaagad akong umalis sa lugar na iyon.
Habang nagmamaneho pauwi ay tinawagan ko si Lion.
Isinuksok ko ang earpiece sa tainga at saka pinindot ang call button sa celphone.
Ilang ring pa lang ay sumagot na kaagad ito.
"Wazzup?"
Kahit di ko siya nakikita ay alam kong nakangiti ito.
Napa smirk muna ako bago sumagot.
"Mission accomplished! Target number 1dead." Nakangisi kong sabi.
"Good!" Sagot ni Lion.
±+++++++++
(Edited...)
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)
ActionLian Vena- she is the legendary assassin. well known in her field.. but, what if she fell in love for a gangster king to whom became her target in return to save the life of her family? what would she chose? love for him? or life for them.. **** Joi...