Epilogue: The Lost

26.2K 708 56
  • Dedicated kay sa lahat ng readers ng ILYMG
                                    

A/N: eto na po ang epilogue..

Pagpasensyahan niyo na kung di ito gaanong mahaba.

Pero may inilagay po akong clue doon sa maaring maganap.

**********

3rd Person's POV:

Isang buwan na din mula ng ilibing ang bangkay ni Sniper.

Tila naman nawalan ng deriksyon ang buhay ni Rave dahil sa pangyayari.

Madalas itong laman ng underground arena o kundi man ay mga bars.

Nakikipagbasag-ulo.

Wala namang magawa ang kabarkada niya kundi samahan at bantayan siya.

Tila mas lalo niyang inilapit ang sarili kay kamatayan dahil sa pagkawala ng pinakamamahal niyang anghel.

Si Lian...

"Rave tama na yan, mapapahamak kana niyan eh!" sawata sa kanya ni Nick.

"Ah-ahnong shilbi... Hik!.. Nhg phag..kabuhay.. Hik!.. Kho.. Kung wala naman ang Angel koh.." sagot naman ng binata.

Namumungay na ang mata nito sa kalasingan at pasuray suray na lumakad palabas ng bar.

Naiiling namang sumunod ang tatlo sa kanya.

Ganito naman palagi ang eksena gabi-gabi.

Maglalasing ang binata at manggugulo.

"Fuck!" sigaw ng isang lalaking nabunggo ni Rave.

Nginisian lang naman ito ng binata.

"Aba't gago ka ah! Di mo ba kilala kung sino tong kaharap mo!? Ako ang leader ng Pirates Gang!" paglilitanya ng lalaki.

Itinaas nito ang braso at akmang susuntukin na si Rave pero di man lang natinag ang binata at nginisian pang lalo ang lalaki.

Lalo namang nagalit ito sa ginawa niya at tuluyan na ngang sinuntok at pinagsisipa ang lasing na si Rave.

Tila wala naman itong pakialam sa pangugulpi sa kanya at basta nalang iniharang ang kamay sa ulo nito.

Di na nakatiis pa ang tatlo at nilapitan na ang pinuno.

Akmang hahampasin na ito ng upuan ng lalaki subalit mabilis na nahawakan ni Nick ang braso nito.

"Subukan mong ihampas yan at makakasama mo na si Kamatayan." mariing sabi ni Nick.

Gulat namang napatingin sa kanya ang lalaki.

"Sino ka ba? Ba't ka nakikialam dito!?" singhal nito.

Napasmirk naman si Nick.

Tinanggal niya ang suot na sumbrero.

Sumunod naman sina Louie at Gian sa ginawa niya.

Gulat at nanlalaki ang mata ng mga lalaking nakapalibot ng tumambad sa kanila ang itsura ng tatlo.

"Black Phyton Gang!"

Sa gulat at takot ay.agad na nagsialisan ang mga nanood.

Namumutla naman ang lalaking nanggulpi kay Rave.

Mabilis itong lumuhod sa harap nila.

"Patawad po! Di ko po alam na kasama niyo siya..!" hinging paumanhin nito.

Magkadaop pa ang dalawang palad ng lalaki.

"Di namin siya kasama. Siya ang boss namin.." saad ni Gian.

Mas lalo namang namutla ang lalaki ng dahan dahang bumangon si Rave.

Nanginginig ang kamay at katawan ng lalaki sa pagkatingin sa blangkong mukha ni Rave na unti unting tumayo.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon