3rd Person's POV:
Maingay at magulo ang buong arena.
Punong puno ito ng usok ng sigarilyo at maraming nag-iinuman mula sa kanilang upuan.
Dito makikita ang ibat ibang grupo ng gangsters sa buong Pilipinas.
Karamihan sa kanila ay nagpupustahan kung sino ang mananalo sa dalawang gang na kasalukuyang naglalaban sa gitna.
Kapwa duguan na ang bawat meyembro.
Wala namang pakialam ang mga nanonood na panay sigawan pa rin sa sinusuportahan nilang gang.
Maya maya ay natalo na nga ang kalaban at nagbunyi ang baguhang gang na siyang pumalit bilang rank 20 ng natalong grupo.
Nagbunyi ang mga nanalo sa pustahan. Kanya kanyang bayaran.
Mas lalong nag-iingay ang lahat ng pumasok ang rank 5, ang Diamond Stealer Gang. Grupo ito ng 10 kalalakihan na armado at tinaguriang magnanakaw ng kayamanan. Makikilala sila sa tattoo nila sa dibdib na diamond.
Sumunod na pumasok ang limang kababaihan, ang rank 4, ang Serpent Gang. Kinatatakutan dahil nagtataglay ng lason ang kanilang mga sandata at pag nadaplisan ka ay siguradong patay talaga.
Pumasok naman ang 3 babae, rank 3, ang Death Trio. Pumapatay sila gamit ang matatalas na dagger.
Pinakahuling pumasok sa arena ang limang lalaking puno ng tattoo sa mukha at katawan. Sila ang rank 2 at madalas sila ang nagsilbing tagahatol kapag wala ang rank 1.
Sinimulan na ng rank 2 ang pagbibigay ng instructions sa tatlong grupo na maglalaban. At gaya ng rules, ang makakatalo ang papalit sa pwesto ng natalo. Yun ay kung buhay pa ang matatalo.
Rave's POV:
Nanonood lang kami ng ka-gang ko dito sa taas. Bilang rank 1 ng gangster world, kami ang tagapamahala ng lahat. May sarili kaming opisina kung saan mapapanood namin ang laban sa ibaba.
Nasasakop namin ang 20 gang sa buong bansa. Maging sa ibang bansa ay may mga underlings rin kami.
Btw, ako nga pala si Rave San Diego. 19 years old at leader ng Black Phyton Gang.
Kasamahan ko sa grupo ang tatlo kong kaibigan na sina Louie, Nick at Gian. Kaming apat ang bumubuo ng among gang.
Wala pang nakakatalo sa amin dahil sa angkin naming talino at galing sa pakikipaglaban. May kanya kanya kaming espesyal na nalalaman sa larangan ng pakikipag-away.
Nagsimula na ang laban.. Kapwa magagaling ang mga nasa arena lalo na ang Death trio. Marami na ang nasusugatan sa hawak nilang dagger.
Kazzziiiinnngggg....
Kazzziiiinnnggg....
Bang!
Bang!
Bang!
Kapwa ayaw nilang palamang sa laban.
Napaismirk ako ng makitang nanghihina na ang rank 4.
"Mahihina talaga kahit kelan ang mga babae." bulong ni Nick sa aking tabi.
"Tsk! Sayang ang kasexyhan nila.. Hahaha!" natatawang sambit ni Loie.
Binatukan naman siya ni Gian.
"Ikaw talaga, puro kamanyakan yang nasa utak mo!"
"Boring.." tanging nasabi ko at tumayo mula sa panonood.
Mabuti pa pumasok doon sa arena at ng makapagwarm-up.
Sumunod naman ang mga kagang ko na tila nahuhulaan ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)
ActionLian Vena- she is the legendary assassin. well known in her field.. but, what if she fell in love for a gangster king to whom became her target in return to save the life of her family? what would she chose? love for him? or life for them.. **** Joi...