Chapter 20: Fake 'Sniper'

29.3K 689 8
                                    

Lian's POV:

Binigyan namin ng disenting burol si Sassha sa lugar ni Master Yaki.

Naiiyak pa ito ng makita ang katawan ni Sassha.

Mahal na mahal ni Master Yaki ang lahat ng kanyang mag-aaral lalo na kami ni Sassha na sa kanya na lumaki.

Matapos ang libing ay saka palang ako bumalik sa aking bahay.

Wala akong imik habang ihinatid ni Lion.

"Andito na tayo Lian.." sabi niya at ipinagbukas ako ng pintuan.

Napabuntong hininga ako bago umibis ng sasakyan.

"Salamat Lion." sabi ko.

Ngumiti naman siya at iginiya na ako papasok ng gate.

Nagulat kami ng pagpasok namin ay mabungaran ko ang nakakunot noong mukha ni Rave.

"Saan ka galing? Alam mo bang ilang araw nako dito?" salubong ang kilay na sabi niya.

Nakalimutan ko palang tawagan si Rave.

Sa sobrang hinagpis ko sa pagkawala ni Sassha ay nakalimutan kong kamustahin siya.

"Let her rest man." sabi ni Lion.

"And who are you to tell me that?!" nangangalit na tanong ni Rave.

Tumayo ito mula sa pagkaupo sa harap ng pinto at lumapit sa amin.

"Who is this man Lian? Pinagpalit mo na ba ako? May nagawa ba akong di mo nagustuhan?" tanong ni Rave.

Di ako makasagot.

Kapag nalaman niya ang kaugnayan namin ni Lion ay unti unti na ding malalantad ang pagkatao ko.

"Im sorry Rave.. Saka na lang tayo mag-usap. Kailangan ko ng magpahinga." sabi ko.

"Damn!" inis na sabi niya.

"Are you cheating on me?" tanong niya.

Umiling ako.

"Sige na Lian.. Magpahinga ka na.. Let me talk to him." utos ni Lion.

Tiningnan ko siyang maigi subalit blangko lang ang kanyang expresyon.

Pagod ang utak at katawan ko kaya di na ako umangal at pumasok na sa loob ng bahay.

Agad akong nagpunta sa aking silid at saka nahiga.

Maya maya ay nakarinig ako ng yabag at dahan dahang pagbulas ng pintuan.

Alam kong si Rave ang pumasok kahit pa nakatalikod ako sa pinto.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama.

"Im sorry angel ko.. I was terribly worried about you kaya ganon ang mga nasabi ko." mahinang sabi niya at niyakap ako mula sa likuran.

Biglang tumulo ang luha ko ng di ko namalayan.

Mabilis ko itong pinahid.

Kahit pa sa burol ng bestfriend ko ay di ako umiyak.

Pero bakit ngayon ay di ko mapigilang tumulo ang luha ko.

Ilang tao ba ang kailangang mawala sa akin?

Napaupo ako sa kama at niyakap si Rave.

Patuloy ang pag-agos ng aking mga luha.

"Hush angel.." tanging nasabi ni Rave at hinimas ang likod ko.

Tahimik lang akong umiyak sa kanyang dibdib.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon