Chapter 23: Second on the List

29.9K 611 27
                                    

Lian's POV:

Kasalukuyan akong nakaupo sa terace ng aking bahay.

Maaga pa. Alas 6:00 pa lang ng umaga.

Bitbit ang tasa ng kape ay nagbabasa ako ng libro.

Biglang tumunog ang fon ko na nasa tabi ko rin lang.

Dinampot ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Huh!? Unregistered caller?

Nagdalawang isip pa ko kung sasagutin ko ito subalit sadyang makulit ang tumawag at di ito tumigil sa pagriring kaya sinagot ko na.

"Yes? Who's this?"

"Hi! Goodmorning!"

Huh?! Sino naman ito?

"Who are you?"

"Im here! Sa harap mo!"

Nagtataka akong napatingin sa harapan ng bahay.

Subalit nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang nasa kabilang terasa na nasa harap ng aking bahay.

Si Brad?

Anong ginagawa niya dyan?

Kumakaway pa ito sa akin at masayang nakangiti.

"Why are you there? Sa pagkakaalam ko ay nasa Amerika ang may-ari niyan.."

"It's my auntie's house. Dito niya ako pinatira. Ive been here for three days."

Biglang nawala si Brad sa terace subalit bumaba lang pala ito at nasa may gate na at kumakaway.

Is he spying on me?

Baba din ako at binuksan ang pinto.

"Hi! May dala akong pizza. Maaga kasi akong nag jogging kaya nakabili ako nito. Halika kainin na natin to habang mainit pa." sabi niya at nagtuloy tuloy ng pumasok sa loob.

Tila close na kami kung umasta.

Napailing nalang ako at sinundan ko siya sa sala..

Inilibot pa niya ang paningin sa mga nakadisplay sa loob.

"Ang ganda ng bahay mo. Sayo lahat to? Ang talino mo pala!" sambit niya habang nakatingin sa wall of fame ko.

Andun lahat ang medalyang nakuha ko mula elementary hanggang highschool at mga trophy na napanalunan ko.

"Bakit di mo sinabi kagabi na kapitbahay lang pala tayo?" tanong ko.

Ipinagsalikop ko ang braso sa aking dibdib.

Ngumiti naman siya at napakamot sa kanyang batok.

"Ah eh.. Kasi di mo naman naitanong." sagot niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

Kinuha ko ang box ng pizza na hawak hawak pa din niya at dinala sa kusina.

Kukuha na sana ako ng platito pero di ko mahanap yung tungtungan ko kaya pilit ko nalang itong inabot.

Medyo may kataasan kasi yung lalagyan ko ng extrang gamit.

Subalit laking gulat ko ng may kay na umabot dito.

Bigla akong napaharap at napasinghap ako nang pagharap ko ay halos maglapat ang aming katawan ni Brad sa sobrang lapit.

Biglang nag-init ang aking pisngi.

Damn! Bakit ba siya sulpot ng sulpot!

Napangiti siya ng makitang namumula ako.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon